Teaser

217 2 0
                                    

Teaser

"May we call on to Mr. Nyx Skyler Clauson to give us his last number for tonight," tawag ng host ng isang opera music concert sa kanya.

Nagpalakpakan ang mga tao habang siya ay naglalakad papunta sa gitna ng entablado.

Huminga siya ng malalim saka inipit sa pagitan ng kanyang leeg at ilalim ng baba ang instrumentong gagamitin niya sa kanyang pagtugtog.

Pumusisyon na siya at nagsimulang tumugtog ng nakapikit kasabay ng piano na nagsisilbing accompanist niya.

(Now Playing: Canon by Pechelbel)

Napaayos ang upo ang mga taong nakikinig sa kanya. Tanging sa kanya lamang nakatuon ang pansin ng mga ito.

Sa bawat notang kanyang tinutugtog, kasabay nito ang damdaming nais niyang ipahiwatig.

Damdaming ipinagdadasal niya na sana'y makarating sa langit.

Makarating sa babaeng laging nasa kanyang puso't isip.

Ramdam na ramdam ng mga tao ang kanyang kalungkutan, sinabayan pa ng magandang tunog na kanyang nililikha ng kanyang hawak na instrumento.

'I miss her voice..

I miss her eyes, nose and her face..

Even her smile...

I miss everything about her..'

Dumating na sa climax ang kanyang tinutugtog at mas lalong bumigat ang kanyang mga pagkalabit sa string ng instrumentong ginagamit. Nababalot ng lungkot ngunit magandang tugtog ang buong stadium.

'I hope you can hear my music...

I hope you are listening..

I hope you are here beside me, accompanying me. And..

I want to hear your voice saying, that you love me..'

Hindi na niya napigilan ang kanyang pagluha sa gitna ng kanyang pangungulila kahit na ilang taon na rin ang nakalilipas.

Kasabay ng palakpakan ay ang pagtayo ng mga tao nang matapos siya sa kanyang pagtugtog. Nagbubulungan ang mga ito at tumatango-tango. Ang iba'y pinapahid pa ang mga luha sa mata.

"He's a great musician like what they've said!"

"Omo! Why am I crying?"

Ilan lamang yan sa mga sinasabi ng mga tao. Agad siyang umalis at dumiretso sa back stage.

"Daddy!"

Nakarinig siya ng boses ng isang bata. May kasama itong isang babaeng may edad na. Agad niyang pinunasan ang kanyang luha.

"Hi baby girl!"

Lumuhod siya at sinalubong ng yakap ang isang bata na tatlong taong gulang pa lamang.

"Anak! I'm so proud of you. Wala ka pa ding kupas sa pagtugtog. Hindi tuloy ako makapaniwala na huling pagtugtog mo na ito," sambit ng babaeng may edad kababakasan ang panghihinayang sa boses nito.

"May talent ka! Hindi ka naman tumutugtog dati pero magaling ka pala Nyx! Ipagpatuloy mo yan, nandito lang ako sa likod mo. Susuportahan kita!"

Naalala pa niya ang sinabi ng babaeng ito sa kanya, nakangiti ito noon ng ubod ng tamis. Katulad ng lagi nitong ipinapakita sa kanya. Napakatotoong ngiti, so pure and innocent. At ito ang nagustuhan niya dito. Ito ang dahilan kung bakit nag-sikap siyang matutong tumugtog.

"Anak? Bakit hindi mo na lang ipagpatuloy ang pagtugtog mo?" nagbalik ang kanyang isipan sa kasalukuyan dahil sa sinabi ng ina.

"Ma, it's not that I'm not going to play ever. Tutugtog pa din naman ako, but not in public. Kung may public man, sa mga occasional events na lang," paliwanag niya sa kanyang ina. Huminga ito ng malalim saka muling nagsalita.

"Oh siya sige, mauna na kami ni Heather sayo. Nangako ako sa bata na ipapasyal ko siya," tumango siya at ibinigay ang bata sa ginang.

"Babay Daddy!" paalam ng bata sabay halik nito sa kanyang pisngi.

"Bye. Be a good girl, okay?" paalala niya dito.

"Aye! Aye!" sabi ng bata sabay saludo sa kanya. Ngumiti siya at ginulo ang buhok nito.

"Ah anak. Hindi ka ba pupunta ngayon sa kanya?"

Natigilan siya sa sinabi ng ina. Matagal na siyang hindi nakakapunta sa lugar na 'yun dahil kakauwi lang niya galing France, doon siya mas lalong nakilala sa pagtugtog. Naiinis nga siya dahil kakauwi lang niya pero heto at napilit siyang tumugtog kahit ayaw niya, wala naman siyang magawa.

"O sige, aalis na kami anak."

Natauhan siyang bigla ng magsalita ang kanyang ina. Humalik na ito sa pisngi niya at saka ito tuluyang umalis kasama ang kanyang anak.

'5 years ago, I fell in love with someone. Someone.. that I didn't expect to fall in love with.

It's her...

I'm in love with her, up until now..

I was her lover, and she is also my love. But one day, everything in this world turns upside down.

She didn't do anything but to love me, but...

I leave her...

Broken...

And shattered into pieces...'

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon