Chapter Thirty

56 0 0
                                    

Chapter Thirty

A/N: Guys, ilang chapters na lang at mage-end na ang story. Nakakalungkot. Sana po suportahan niyo hanggang sa huli. *insert almost crying face here* Charot..

~~

"Shh! Tama na Prea. Ginawa mo lang kung ano ang tama." Pag-aalo sa kanya ni Damien. Pagkaalis na pagkaalis ni Skyler sa bahay nila 'dati' ay agad niyang tinawagan ang binata upang sunduin siya.

Naabutan siya nitong umiiyak sa sala kaya sinabi niya dito lahat ng napag-usapan nila ni Sky. Hindi niya gusto na pangunahan si Ayesha sa pagsasabi dito ng totoo, pero hindi na niya kaya. Kailangan na niyang gumawa ng paraan para makabayad siya sa lahat ng pagkukulang niya sa kanyang pinsan.

Nasasaktan siya ngayon dahil alam niyang tapos na talaga ang lahat sa kanila ni Sky. Gustuhin man niya itong habulin at pigilan kanina ay hindi na niya nagawa pa.

Kitang-kita niya kung gaano naging maputla ang mukha nito ng sabihin niya ang kalagayan ni Yesha. Nadama niya ang takot na naramdaman nito. Napangiti siya. Isang malungkot na ngiti.

"Tama ako, mahal nga niyang talaga si Yesha. Bakit ko pa kasi pinilit ang sarili ko sa kanya kung ako lang din naman pala ang masasaktan sa huli?" umiiyak na sabi niya.

"Prea.." Wala namang magawa ang binata sa kanya. Hindi nito alam kung paano maiibsan ang sakit na nararamdaman niya.

"Akala ko ayos na ang lahat ng maikasal kami. Dapat pala noon pa lang tinupad ko na ang pangako ko kay Yesha na hindi ko na pakakasalan si Sky. Ang saki-sakit Damien!" Tanging nasabi nito habang nakayakap sa binata. Isang malalim na buntong-hininga na lamang ang pinakawalan ng binata.

Nasasaktan din siya sa tuwing nasasaktan si Prea, pero hindi na niya alam kung paano pa niya makukuha ang lungkot na nararanasan nito. Hangga't maaari, gusto niyang siya na lamang ang masaktan kaysa ito.

Gagawin niya ang lahat para mapasaya ito. Handa siyang maging panyo kapag umiiyak ito. Maging unan, kapag inaantok na ito. Handa siyang itaya ang buhay niya para sa ikaliligaya ng dalaga.

SKYLER'S POV

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming magkayakap ni Yesha. Sobrang miss na miss ko siya na para bang ayaw ko nang humiwalay sa mga yakap niya. Na sana, kung pwede lang na ganito kami habang buhay, ginawa ko na.

Pero hindi..

May mga bagay talaga na kahit gustuhin mo man, hindi pupwede.

The feeling is so surreal.

Na parang tamang-tama ang lahat.

Ayaw ko man, ay bumitaw ako sa yakap niya. Tinitigan ko siya sa lumuluha niyang mga mata.

"I'm sorry, Yesha. I'm really really sorry." I said through my crying voice na halos pumiyok na ko. Umiling lamang siya bilang pagtugon sakin. Alam kong nahihirapan siyang magsalita dahil sa pag-iyak niya pero hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng lakas para sagutin ako.

"W-wala kang dapat i-ihingi ng t-tawad S-sky.. A-ako ang m-may kasalanan ng lahat."

"Hindi Yesha. Kung naniwala lang sana ako sa'yo, hindi ka sasapit sa ganito. Alam kong kaya mo pang lumaban, pero bakit? Bakit, sumusuko ka na?" Sabi ko sa kanya na may himig ng pagtatampo at hinanakit. Alam kong wala akong karapatan na maglabas ng sama ng loob sa kanya dahil malaki ang naging kasalanan ko sa kanya, pero hindi ko pa din maiwasan dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa nalaman ko. Nasasaktan ako dahil napakawalang-kwenta kong tao. Dahil napakag@go ko.

"N-naniniwala ka na?" Gulat niyang tanong sakin. Tumango lang ako bilang pag-sagot sa kanya. "Sinong nagsabi sayo? Si Prea?" Sunod niyang tanong kaya tumnago muli ako.

Yumuko siya saka nagpatuloy sa pagsasalita.

"A-ayokong isugal ang natitira sakin S-sky. Ayokong magbakasakali sa isang bagay na sa una pa lang, alam ko ng hindi maaaring mangyari."

Tinignan niya ako sa mga mata at saka ako muling niyakap.

"Na-natatakot ako Sky. Natatakot ako na baka hindi na ako magising kapag in-operahan ako. Natatakot ako na baka hindi ko na kayo makita. Natatakot ako na baka hindi ko na kayo makasama. Natatakot ako na baka maging mitsa pa yun para mas mapadali ang buhay ko. Sky, natatakot ako."

Halos hindi ako makahinga sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang bawat sakit at takot sa mga salita niya. Nawala na lang bigla ang matapang na Ayesha na nakita ko kanina. Napalitan ito ng takot at mahinang Ayesha.

Hindi ko alam kung anong dapat gawin at dapat maramdaman ngayon. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya. Isa lang ang alam ko sa ngayon, ang Ayesha na nakayakap sakin ngayon, ay ang tunay na Ayesha.

"Shh! Tama na, nandito kami Yesha. Hindi ka namin iiwan. Hinding-hindi na kita iiwan, pangako."

Mas lalong humigpit ang yakap niya sakin. Mahigpit na mahigpit na ang sarap sa pakiramdam, pero bakit parang may mali? Bigla akong kinabahan, ang pamilyar na kaba na naramdaman ko ng araw na umalis ako sa isla, at ang kaba na naramdaman ko nitong nakaraang buwan.

Kasabay ng paglakas ng pintig ng puso ko, ang pagluwag ng yakap sakin ni Yesha at ang pagbagsak ng mga braso niya sa gilid ng wheel chair. Ang pagtingin ko sa kanyang halos walang buhay na katawan at maputlang mukha.

Bilang nagkagulo ang paligid. Naging maingay at nakakarindi ang mga sigawan, pero hindi ko iyon alintana dahil wala akong maramdaman. Nakakahilo ang mga tao sa paligid, hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang ospital.

Sa labas ng isang kwarto na may nakalagay na 'ICU.'

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon