Chapter Thirty Two

52 0 0
                                    

Chapter Thirty Two

~~

Hindi ako masamang tao pero hindi din ako banal. Nakikisama lang ako sa pag-ikot ng mundo. Nakikisabay sa agos ng buhay. Sumisimba sa araw ng pag-simba at tuwing gusto ko. I thought being closer to God is not important, but it is.

Sobrang halaga pala na magpasalamat tayo sa kanya araw-araw. Sa pag-gising niya satin, sa pag-gabay at pag-protekta. Lahat ng iyon mahalaga.

Before, I don't believe in miracles. Akala ko sa mga teleserye lang nangyayari yon, kung saan hindi pinahihintulutan ng direktor na mamatay ang bida. But that thing counts as my another mistake. Miracles are true, even if you didn't ask for it. Darating talaga sa punto na isang araw, may mangyayaring milagro. But I knew that it's God's will.

"Tama na! Ayoko na, sobrang dami ko na kayang nakain. Grabe!" She put the spoon on the plate.

"You need to eat this para lumakas ka, ilang weeks ka kayang tulog." Sabi ko habang isinusubo sa kanya ang pagkain na nasa kutsara.

"Eh~ naman eh~ Ayaw ko na nga!~" She said while shaking her head. She's acting like a child again but I love the way how she's doing that.

"Yesha!" I said with a warning tone and nakita kong nag-pout siya. "Hindi ka cute, itigil mo yan." Nakita kong mas lalo siyang sumimangot kaya napatawa na ako.

"You're mean!" She said crossing her arms, facing the other side of the room. Inilapag ko ang pagkain niya sa side table then kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito ng sobrang higpit.

"Nalulungkot ako kapag mahina kang kumain. Ayokong mawala ka sakin Yesha." I said with a sincere voice kaya napatingin siya sakin at nakita ko ang paglungkot ng mga mata niya.

"I don't want to lose you, Yesha. I want you to stay by my side. Kaya gusto kong kumain ka, magpalakas ka." Biglang nagbago ang ekspresyon niya, naging isang nagmamaktol na bata.

"Eh, patatlong plate ko na yan ng carbonara eh! Busog na busog na ko kanina pa no. Lagi mong sinasabi na last na pero pagkatapos dinadagdagan mo naman. Sobrang laki na ng tiyan ko, baka maimpatso na ko diyan tas baka mahirapan nako huminga, makasama pa sa situation ko."

I heaved out a sigh. She's right. Kanina ko pa siya pinapakain ng pinapakain. I just wanted to see her in a good condition. Ang payat niya kasi.

"Okay. I'm sorry. Gusto ko lang lumakas ka agad, gusto ko masigla ka. Ayokong nanghihina ka."

"But I'm good!" Tumayo siya sa kama then umikot siya sa harapan ko habang nakataas ang mga braso niya at waring ipinapakita ang muscles niya. "See?"

"Oo Yesha. Alam ko na you're in a good condition now, but what if tomorrow hindi? What if on the other day bigla kang manghina? What if---"

"Shh! You're just getting paranoid, Sky. Hindi ako mawawala, nandito lang ako." Lumapit siya sakin at hinaplos ang mukha ko. Tumayo naman ako at niyakap ko siya.

"You almost.. you almost d-die in front of me. You almost--" Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil tumulo na ang mga luha ko. Naalala ko na naman ang araw na yun. Isang buwan na din ang nakakalipas mula ng manganib ang buhay ni Yesha.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung ano ang ire-reaksiyon ko. Para akong nabingi at nakatulala lang sa kawalan. Sinabi na ng doktor ang time of death ni Yesha. They're readying para ayusin siya at tanggalin ang mga tubong nakakabit sa katawan niya. When suddenly, the ECG machine beep.

Ang tunog na nagpapahiwatig na tumitibok ang puso ng taong pinagkakabitan noon. Hindi ko alam kung ano at paano ang nangyari. Even the doctor and nurses said that it's a miracle. They've checked her vital signs and it was all normal.

Laking pasalamat namin nung araw na yon. Yesha is still sleeping pero alam namin na okay siya at malayo sa kapahamakan. Akala namin doon na nagtatapos ang swerte at blessing na ibinigay Niya samin, pero hindi pa. After two weeks, nagising si Yesha. Lively, beautiful and positive as she is.

And now I'm here, hugging her and crying because of the sudden flash back.

"Shh!" Tinanggal niya ang yakap ko sa kanya at pinunasan niya ang mga luha ko. Hay nako! Sabi ko hindi ako iiyak sa harapan niya e.

"I'm so happy because He gave me a chance na makasama kayo. Na makaramdam ng saya tulad ng nararanasan ko ngayon. You didn't leave me once and I'm thankful because you're doing what you promise." She said as she smiles at me. Ang ngiting minahal ko at mas minamahal ko.

"I know hindi ka pa nakakapag-pahinga. Go, take a sleep tapos when you wake up mamasyal tayo ha?" Sabi niya habang tinutulak ako palabas ng kwarto niya. Kami lang dalawa kasi ang nasa loob dahil pinauwi niya muna sina Tita Mina.

"Hindi ka pa pwedeng lumabas.That's what your doctor said." Paalala ko sa kanya na naging dahilan para mag-pout siya. Napaka-childish talaga.

"Eh~ magpapaalam ako, don't worry. Go now." She said half-smiling.

Nangunot ang noo ko ng makita kong bigla siyang namutla.

"A-ano? H-hindi tayo makakapamasyal niyan kapag hindi ka nagpahinga." Ngumiti siyang muli sakin kaya napanatag ang loob ko na wala siyang dinadamdam. I just nod on her then turn my back on her at nagsimula na akong maglakad. Lumabas siya sa room at tinanawan niya ko papuntang elevator hanggang makasakay ako. Kumaway pa siya na parang bata. I pressed the 'B' button on the elevator tapos kumaway din sa kanya.

Pero saktong pagsara ng elevator ay ang nakita kong pagbagsak ni Ayesha.

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon