Chapter Twenty One

60 0 0
                                    

Chapter Twenty One

"Alam kong may amnesia ako pero hindi ako tanga Damien."

~~

MAINGAY. Mausok. Amoy sigarilyo. Maraming alak.

Ganito mailalarawan ang lugar kung nasaan si Sky. Nasa isang bar siya kasama ang mga kaibigan.

Tatlong buwan na ang nakakalipas pero eto siya, happy go lucky. Hindi naman siya pinagagalitan ng magulang niya. Hinahayaan lang siya ng mga 'to dahil matagal na daw ang panahon mula ng maranasan niya 'to. At ang isa pa, ginagawa naman niya ang trabaho niya sa kompanya.

'Walang maipintas ang mga 'to sa kanya, kahit ang ibang empleyado. Totoong hirap siyang makaalala sa mga taong nakilala na niya dati, pero hindi nawawala ang talinong taglay niya. Kaya kahit ang asawa niya ay proud sa kanya.

'Hah! Asawa.' Natawa siya sa naisip. Hindi din niya akalain na meron na siyang asawa. Akala niya, binata pa siya.

Hindi siya sanay pero ayos lang. Ayos lang sa kanya, tanggap niya ang lahat. Tanggap niyang nakikipag-happy happy siya sa mga kaibigang hindi niya naaalala.

Tanggap din niyang natutulog siya katabi ang 'di kilalang asawa. Sa maiksing panahon, natutunan niyang makisama at magpadala sa agos at takbo ng buhay ng isang Nyx Skyler Clauson. Mahirap, oo. Pero kailangang kayanin niya dahil kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, buhay ito ng dating Sky. Buhay niya pa rin 'to.

Nakakadami na siya ng inom pero alam niya sa sarili niya na kaya pa niya. Kailangan talaga niyang uminom para maalis ang stress niya. Nitong mga nakaraan kasi, napakadaming interviews at tanong ang kanyang sinagot. Pare-pareho lang naman lahat ang tanong ng mga ito.

"O Mr. Clauson, mukhang nakakarami ka na? Maaga pa oy!" pansin sa kanya ni Gabby at nagtawanan ang iba pang nasa table. Isa 'to sa mga nakilala niya noong party. Kaklase niya dati noong college.

"Hindi pa! Kaya ko pa," sabi ko naman.

"Sky, babae gusto mo?" sabat naman nitong si Mike, tulad ni Gabby kaklase niya din. May katabi kasi itong dalawang babae, inaalok sa kanya 'yung isa. Napatingin naman siya dito. "Joke lang! Baka mamaya, sugudin pa 'ko ni Prea! Amazona 'yun e. Hahahaha."

"Talaga?" tanong niya. Natahimik naman sila at napatitig sa kanya. Maya-maya, napangiti ang dalawa.

"Alam mo Sky. Kung titignan ka para kang walang diperensya. Kaya nakakalimutan kong may amnesia ka nga pala. Kamusta dude? May naaalala ka na ba kahit konti?" mahabang litanya ni Mike. He just shrugged his shoulders at nilagok ang alak na nasa baso.

"Sky, we need to go," bulong sa kanya ni Damien. Ang bestfriend-slash-secretary niya.

"Oh-boy! Umeksena na si Mr. Nice Guy," sabi ni Gabby sabay tawa.

'Yan ang bansag nila kay Damien dahil simula pa daw college ay mabait na ito. Tumingin naman si Sky kay Damien at saka tahimik na tumayo. Alam na agad ng dalawang naiwan na aalis na talaga ito.

"See you Sky!" pahabol ni Mike bago muling humarap sa babaeng nasa kaliwa niya at saka hinalikan 'to.

TAHIMIK lamang ang dalawa hanggang sa makarating sila sa bahay ng mga Clauson. Agad na bumaba ang lalaki sa kotse at pumasok sa bahay. Dumiretso siya sa kwarto at naabutan niya ang asawa na nagbabasa ng libro.

Tumayo ito sa kama at sinalubong siya ng mabilis na halik sa labi.

"Kamusta? Amoy alak ka. Okay ka lang ba?" tanong nito at tumango na lamang siya. Hinubad ni Prea ang coat niya at saka hinawakan ang balikat niya. Nagsimula itong haplusin ang kanyang dibdib hanggang sa gumapang ang mga kamay nito papunta sa kanyang batok at saka siya siniil ng halik.

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon