Chapter Sixteen

48 1 0
                                    

Chapter Sixteen

"Sky, do you love me?"

~~

"Do you know my family?"

Nagulat ako sa tanong ni sky. Hindi ko inaakalang tatanungin niya ang bagay na yan. Sa loob ng silang buwan na nakakasama namin siya, hindi niya 'ko tinatanong tungkol sa pamilya niya. Alam ko, matagal nang gumugulo ang bagay na 'yon sa isipan niya pero hindi lang siya nagsasalita. Marahil, naghihintay lang siya ng tamang tiyempo. Sigurado akong ito na 'yon. Sa pagdating ni mommy dito, nabuksan ang issue tungkol sa pamilya niya. Lalo pa't alam niyang kilala din siya ni mommy.

"Ahm, Iho. Bakit mo naman naitanong?" sagot ni mommy tapos ay tumingin siya sa 'kin. Humihingi siya ng tulong sa 'kin. Tumikhim ako at saka nagsalita.

"Sky, pwede bang tapusin muna ang pagkain natin bago natin pag-usapan 'yan?" tanong ko sa kanya matapos ng pagbaling niya sa 'kin. Ngumiti naman siya at tumango ng 'di kinakikitaan ng kahit na anong pagdududa. Nakahinga naman ako ng malalim.

Ipinagdadasal ko na sana magtagal kami sa pagkain pero nakita kong binibilisan ni sky ang pagkain niya. Napalunok na lang ako ng sa sandaling minuto lang ay natapos na agad niya ang pagkain niya.

"So? Can you answer my question now tita?" nagsalita agad si sky matapos magligpit ng mesa ang mga katulong. Mukhang gustong-gusto na niyang masagot ni mommy ang tanong niya.

Tumingin sa 'kin si mommy. Wala na 'kong nagawa kundi ang tanguan siya. Bumaling naman siya kay sky at agad na sumagot. "Yes, iho. Kilala ko ang pamilya mo."

Napatingin ako kay sky at nakita ko ang reaksyon niya. Napakasaya ng mukha niya.

"Sabi ko na nga ba!" sabi niya sabay ngiti. "Alam kong kilala niyo ang pamilya ko. Tama ang hinala ko," dugtong nito.

Siguro sa ibang siwasyon, sobrang matutuwa ako para kay sky. Pero, iba ang sitwasyon ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko o hindi.

"Paano? Saan po sila nakatira?" masigla at sunod-sunod na tanong ni sky kay mommy. Hindi naman sumagot ito. Bumaling sa akin si sky at agad niyang pinagdikit ang kanyang mga palad na para bang humihiling sa 'kin.

"Yesha.. Gusto kong makita ang pamilya ko. Sigurado akong nag-aalala sila sa 'kin. Halos isang taon na din akong nandito hindi ba? Please, tulungan mo 'kong makita sila," sabi nito.

Ang kaninang masigla niyang boses ay napalitan ng lungkot. Bigla akong nakaramdam ng guilty. Kitang-kita sa mukha niya na his longing for his family. Paano? Paanong nagawa ko 'to sa kanya?

"Mag-usap tayo sky. 'Yung tayong dalawa lang," sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at saka kami umalis sa dining room.

Lumabas kami sa bahay at dumiretso sa dalampasigan. Naglakad lang ako at sumunod lang naman siya sa 'kin. Tumigil ako sa isang parte at umupo sa buhanginan. Maganda ang pwestong 'to dahil kitang-kita mo ang paglubog ng araw. A perfect scenery for a perfect couple. But we're not a perfect couple. Never. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Sky, alam mo ba noon pa lang mga high school tayo, gustong-gusto na kita?" sabi ko. Alam kong napatingin siya sa 'kin.

"Talaga?" sabi niya. Tumingin naman ako sa kanya at tumango. Ngumiti naman siya sa 'kin. "So, hindi pala ako ang unang nagkagusto sa 'yo?" pang-aasar niya sa 'kin.


Hindi ko na lang pinansin 'yon. Tumingin akong muli sa malayo.

"Nung mga high school pa tayo pinagkakaguluhan ka na lang palagi ng mga babae. Lalo na nang nag-college na tayo," pagpapatuloy ko at natawa naman siya. "Pero kahit kailan, hindi ka tumingin o sumulyap man lang sa mga babaeng 'yun."

In my peripheral vision, I saw him look at me. "Why?"

"Dahil ayaw mong magselos ang taong mahal mo," sagot ko sabay ngiti. Malungkot na ngiti. Naguguluhan siyang napatingin sa 'kin.

"Sky, gustong-gusto mo na bang makita ang pamilya mo?" balik na tanong ko sa kanya at walang pagaalinlangan siyang tumango.

"Sige. Ibabalik na kita sa pamilya mo," sabi ko. Agad umukit ang mga ngiti sa labi niya.

"Really?" sabi niya.

"Hmm," sabi ko sabay tango.

Nagulat ako ng yakapin niya 'ko ng mahigpit. "Salamat yesha! Salamat!"

Hindi ko na napigilang hindi umiyak. Niyakap ko na din siya. "Mag-iingat ka 'don Sky."

"Hey! Bakit ka umiiyak? Ano ba yang sinasabi mo? Hindi mo ba 'ko sasamahan?" tanong niya.

"Oras na makita mo na ang pamilya mo, mawawala na 'ko sa buhay mo Sky," sabi ko.

"No! Hindi 'yan totoo yesha. You're the one that i love. Alam kong tatanggapin ka ng parents ko knowing na ikaw ang nagligtas at tumulong sa 'kin. 'Wag kang magsalita ng ganyan yesha," sabi niya.

Umiling lang ako. "No, you don't understand sky. Hindi ang sitwasyon na alam mo ang mangyayari," sagot ko.

"What are you talking about yesha?" Nagsimula ng mamuo ang luha sa mata ko.

"I don't want to be selfish."

"Yesha ano bang sinasabi mo? I don't understand you!"

"Sky, do you love me?" Out of the blue, i asked. Hindi ko kaya! Hindi ko kayang mawala sa 'kin si sky.

"Ano bang sinasabi mo yesha? Hindi na kita maintindihan!" Sky is getting mad. Bakit ba ayaw na lang niyang sagutin 'yung tanong ko? Tumayo ako at saka naglakad pabalik sa bahay.

"Yesha ano ba? What's your problem?" Sumigaw na si sky at hinarap ko siya. Mayroon kaming dalawang dipang distansya sa isa't-isa.

"It's just a simple question sky! Yes or no lang ang sagot!"

"Sh*t! You're unbelievable! Are you doubting my feelings for you ha ayesha?"

"No! It's just that, i want you to promise me."

"Okay! Yes i love you! I really, really love you ayesha! Anong pangako 'yon para hindi mo na 'ko pagdudahan?" sabi niya. I can see sincerity in his eyes although i know that his mad.

Nagsimula ng magtubig ang mga mata ko, at nginitian ko siya ng parang walang bukas. 'Yon lang naman ang gusto long marinig. Marinig na Mahal niya 'ko. Napansin kong lumambot ang mukha niya at lumapit siya sa 'kin.

"Just promise me, when that time comes and you'll see her again. Don't leave me," sabi ko na lalong ikinakunot ng noo niya. Hinawakan niya ang braso ko para matitigan ako ng mabuti sa mukha.

"What are you talking about?"

"Just promise me sky, promise me."

"Okay," sabi niya sabay huminga ng malalim. "Kahit wala akong kahit katiting na idea sa mga sinasabi mo. I make that promise pa rin," dugtong niya at niyakap ko siya.

"Yesha, i know that you're worried about me pero 'wag kang mag-alala okay? Ikaw ang mahal ko kaya hindi kita iiwan. Gusto ko lang makita ang pamilya ko, after that i'm going back to you."

Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Sana nga. Sana nga, bumalik ka pa din sa 'kin, sky. At ang pangako niya ang panghahawakan ko, hanggang sa huli.

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon