Chapter Eleven

54 2 0
                                    

Chapter Eleven

'PACKINGTAPE! Ito ba yung sinasabi nilang 'forehead-to-forehead'? Yung puso ko! Malalaglag na!'

~~

"SKY!"

Hinihingal at kinakabahan siya ng maabutan ang binata na nakalusong sa dagat. Nasa dibdib na nito ang tubig at tanging buwan lamang ang nagsisilbing liwanag para makita niya ito. Dahan-dahan itong lumingon sa kanya at nagulat siya ng makita ang mukha nitong nakangiti.

Naguguluhan man sa reaksyon na nakita niya rito ay agad siyang lumusong sa dagat upang lapitan ito.

"Nahihibang ka na ba? Bakit ka lumusong eh alam mo namang may trauma ka hindi ba? Paano kung napahamak ka? Ha? Sagutin mo ko!" maluha-luha na siya habang hinahampas at sinisigawan ito.

Napatigil siya ng hawakan nito ang mga braso niya at nagsalita.

"Yesha.." malumanay na banggit nito sa pangalan niya, kababakasan din ng saya ang mga boses nito. Pinipilit niyang tibayan ang loob kahit na sa totoo lang ay nanlalambot na ang kanyang mga tuhod dahil sa paraan ng pagbanggit nito sa pangalan niya, idagdag pa ang paghawak nito sa kanyang mga braso.

"Hindi nako natatakot, hindi na ako takot na lumapit sa dagat! You see, nakalusong ako ng hindi nag-aalinlangan. Bukas mag-swimming tayo ha? Pumasyal tayo sa iba pang mga isla. Ang sarap pala sa pakiramdam!" bakas sa mukha nito ang tuwa at pagkamangha.

"T-talaga?"

"Oo! Inaamin ko kanina nung bago mo ko tinawag, medyo natatakot pa ako kaya hindi ako makagalaw. Pero noong narinig kita kanina, nawala ang takot ko kasi alam kong nandyan kana. At ito.." ipinakita nito ang pagkakahawak sa braso niya, "Tuluyan na talagang nawala ang takot ko nang hawakan kita."

Dahil sa sobrang saya na nararamdaman niya para sa binata, hindi niya namalayang nakayakap na pala ito sa kanya habang nagpapasalamat. Pero hindi pa din niya nakakalimutang bigla na lamang itong umalis ng hindi nagpapaalam sa kanya. Itinulak niya ito dahil sa inis.

"Bakit?" tanong ng binata.

"Nakakainis ka! Pinakaba mo ko! Pwede ka namang magpasama sakin kung gusto mo palang magpunta dito. Pwede ka namang magpaalam! Pero pinili mo pa ring umalis ng hindi ko alam! Alam mo bang nataran--"

*DUG.DUG.DUG.DUG*

Naghuhurumentado na ang kanyang puso nang hawakan nito ang mukha niya at idikit nito ang noo niya sa noo nito. Napatigil tuloy siya sa pagsasalita at parang bulang nawala ang galit niya sa ginawa nito.

'PACKINGTAPE! Ito ba yung sinasabi nilang 'forehead-to-forehead'? Yung puso ko! Malalaglag na!' sabi ng malanding isip niya. Pakiramdam niya'y nagwawala na ang kaluluwa niya, hihiwalay na ang puso niya sa katawan niya at may kung anong insekto ang hyper na lumilipad sa tiyan niya.

"Wag ka nang magalit please?" nakapikit na sabi ng binata.


Para siyang matutupok ng maramdaman niya ang init ng hininga nito. Nanigas siya ng makitang idinilat na nito ang mga mata. Tinitigan siya nito na sanhi ng pag-evolved ng tuhod niya sa isang jelly. Napahawak siya sa mga braso nito upang wag siyang bumagsak.

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon