Chapter Seven

87 2 0
                                    

Chapter Seven

''Wag kang bibitaw please.. Mahal.. na.. mahal kita!'

~~

"Isang nakakalungkot at kahila-hilakbot ang aming nakuhang balita. Ang MV Claudia na nagku-cruise sa buong pilipinas ay lumubog at sumabog dahil sa pagbangga sa isang ship tank at pagsadsad sa coral reefs. Sinasabing lumubog ito sa isang bahagi ng Sulu Sea at may lulan itong 2500 passengers.. 1000 ang tinatayang nakaligtas. Samantala, 700 ang patay at mahigit isang libo naman ang nawawala, kasama na dito ang kaisa-isang heir ng Clauson Family. Hindi pa maisagawa ang search and rescue operation dahil sa bagyong paparating. Iuulat ni.."

Nabitawan ng dalaga ang dala niyang cereal dahil sa narinig na balita.

"Oh my garsh!" sambit niya at itinakip ang kamay niya sa kanyang bibig. Kinuha agad niya ang cellphone at nag-dial.

*KRING! KRING! KRI--*

[Hello?]

Sagot sa kabilang linya. Bakas sa malat na boses nito na nagising ito dahil sa kanyang pagtawag.

"Y-yesha~"

[Oh? Pampam? Bakit?]

"I guess hindi mo pa alam. Saang lupalop ka ba ng bansa naroon?! Nawawala na ang taong mahal mo pero tulog na tulog ka pa din?!"

AYESHA'S POV

"I guess hindi mo pa alam. Saang lupalop ka ba ng bansa naroon?! Nawawala na ang taong mahal mo pero tulog na tulog ka pa din?!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. A-anong ibig niyang sabihin?!

Tumawa ako ng pagak.

"HA-HA-HA-HA! Okay ka lang Pamela?!" pumait ang mukha ko pagkatapos kong sabihin yan, "nasa kalagitnaan sila nang pagpapakarami ngayon ni Prea kaya saan mo nakuha yang mga sinasabi mo?"

[Bitter~]

-___-

Pootek! Seryoso?! Nakuha niya pang magbiro sa nararamdaman ko?

"Kahit kelan talaga Pamelita, napaka-insensitive mo sa nararamdaman ko." (__ ___")

[Wag ka ng mag-drama Yesha! Totoo ang sinasabi ko. Turn-on the TV para malaman mo..]

"Whatever! Alam mong natutulog ako kaya gumagawa ka lang ng paraan para pabangunin ako dito!"

[YESHAAA! I'm not kidding! This is too serious to joke around!]

Woah! Si Pamela ba to?! The ever so childish Pamela?!

"Okay! Okay! I'll hang up."

*Doo.Doo.Doo.*

Mukhang importante talaga ang mga sinasabi niya kaya naman agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa sala.

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon