Chapter Fourteen

44 1 0
                                    

Chapter Fourteen

"Ganoon talaga, minsan kahit maganda ang panaginip natin. Kailangan pa din nating gumising at harapin kung ano ang realidad."

~~

Akala niya ayos lang ang lahat.

Akala niya matatagalan pa bago siya magising.

Akala niya lang pala. Tama nga ang kasabihan na madaming napapahamak sa maling akala.

Bakit ganun? Kung kailan kasisimula pa lang ng istorya nila, may ending na kaagad?

'Bakit ngayon pa?' yan ang tanong niya sa kanyang sarili ngayong nalaman na ng kanyang ina na nandito si Sky kasama niya.

Katahimikan ang bumalot sa buong sala. Walang nagsasalita maski siya o ang Tita niya.

"Excuse me po?" naguguluhang nagsalita muli si Sky upang mabasag ang katahimikan. Tumingin naman ulit sa kanya ang ginang at nginitian siya nito.

"Iho, mag-uusap lamang kami ha?" sagot nito sa kanya. Napatango na lamang siya sa sinabi nito.

Tinitigan ng ginang si Yesha at ang Tiyahin nito. "Sumunod kayo sakin sa library." Iyon lamang ang sinabi nito at nagtungo na agad ito paitaas. Nagsimula ng maglakad ang Tita ni Yesha at niyakag na siya. "Halika na iha," sabi nito sabay hawak sa braso niya. Nakatayo lamang ang dalaga doon habang lumuluha.

"Tita, bakit ngayon pa?" tanging tanong niya.

"Ganoon talaga, minsan kahit maganda ang panaginip natin. Kailangan pa din nating gumising at harapin kung ano ang realidad."

Naglakad na din ang dalaga kasabay ng kanyang Tita. Hindi naman nakaligtas sa binata ang nasaksihan niya. Gulong-gulo siya sa nangyayari. Bakit ganon na lamang ang reaksiyon ni Yesha nang makita nito yung babae?

Sinundan lang nila nang tingin ang mag-tiya habang paakyat sa hagdan. Nilingon naman siya ng dalaga at nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Bakit? Anong nangyayari?

"Fafa Sky, what do you think? Ano kayang meron? Siguro miss na miss lang ni Yesha yung nanay niya no?"

"Nanay?"

"Oo. Si Mam Mina. Yung babae kanina. Nanay niya yun. Ay teka, kilala ka niya no? Naaalala mo ba siya?" Tanging pag-iling lang ang naisagot niya dito. Pamilyar sa kanya ang babae pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.

"Brando.."


"Oh?"


"Sundan natin sila. Gusto kong malaman kung bakit ganon na lang ang reaksiyon ni Yesha?"


"Ha? Sure ka? Makikinig tayo sa usapan nila? 'Diba masama yun?"


"Hindi yun masama kung alam mong tungkol sayo ang pag-uusapan nila."

Agad na umakyat si Sky at wala ng nagawa si Brando kundi sundan ito. Agad naman silang nakarating sa library. Luckily, may siwang ang pinto at mukhang hindi naisarang mabuti kaya naman kita nila kahit papano ang nasa loob. Nakaupo ang mag-tiya habang nakaharap sa ina ni Yesha na ngayon ay nakatayo sa harap nila at naglalakad ng pabalik-balik.

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon