Chapter Thirty Five

28 0 0
                                    

Chapter Thirty Five

A/N: After 4 months naupdate ko din 'tong story na 'to. Imagine that, apat na buwang nakatengga ang istorya ni Sky at Yesha. Pasensya na guys, masyado lang akong naging busy lately. By the way, just enjoy reading. Thank you.

"Sir Sky! Si Mam Yesha po!" humahangos na sabi ng katulong matapos nitong lumabas ng bahay at puntahan si Sky na kausap si Mang Ambo sa likod-bahay.

Nag-aayos na kasi sila dahil humiling si Yesha ng isang party bago sila umalis bukas para bumalik sa Maynila.

Agad namang tumakbo ang binata kasama si Mang Ambo ng tawagin ito ng katulong.

Halos bumagsak na naman ang balikat ni Sky ng makita niya ang nahihirapang dalaga na nakaupo sa ibabaw ng kama nito.

Agad niya itong dinaluhan at hinawakan ang kamay nito.

"Yesha.. Yesha.. Look at me! Baby, look at me," pagsusumamo niya dito dahil nakapikit ang dalaga habang nahihirapang huminga. May suot pa itong oxygen mask.

Dahan-dahan namang nagmulat ang mga mata nito at tumingin sa kanya.

"Nandito lang ako. Kaya mo 'yan. Just breathe.." mangiyak-ngiyak na sabi niya dito. Dahan-dahan namang tumango ang dalaga.

Ilang minuto din ang itinagal ng pag-atake ng sakit ng dalaga. Maya-maya lang ay ngumingiti na ito. Wala na din ang oxygen mask nito at maayos na din ang kanyang paghinga.

"Okay ka na? Wala na bang masakit sa'yo?" tanong dito ng binata. Ngumiti naman ito at umiling lamang.

"Kamusta ang lahat? Ready na ba?"

"Abala ang lahat sa pagaayos at pagluluto kaya magpahinga ka d'yan para mamaya okay?"

"Okay," sagot nito.

"So, pwede na ba kitang iwan dito para makapagpahinga ka? Tutulong ako kina Mang Ambo."

"Hmm.." tugon nito sa kanya at saka muling ngumiti.

HALOS 'di mapagsidlan ang tuwa ng mga kasambahay, katulong at kawaksi sa bahay sa gitna ng isla. Napakasaya nilang pagmasdan na wari bang walang problema.

Masayang nanonood si Yesha habang nakaupo sa wheel chair niya. Pinagmamasdan niya kung gaano kasaya ang mga tao sa islang 'yon at kung gaano niya kamahal ang mga taong ito. Lalo na ang lalaking masayang sumasayaw sa gitna at nakikisabay sa ibang mga kawaksi doon. Si Sky.

Napatingin ang binata sa kanya at ngumiti. Maya-maya ay lumapit na ito sa kanya.

"Whoo! Nakakapagod," sabi nito sabay upo sa tabi niya. Agad naman niyang pinunasan ang pawisan nitong noo. Napa-uy naman ang karamihan sa nakakita na animo'y kinikilig pa sa kanila. Nagtawanan ang lahat.

"Grabe 'yung sayaw mo. Para kang tuod 'don sa gitna," pangaasar dito ni Yesha.

"Hoy, kung makapagsalita ka. Sige na, para na 'kong tuod magsayaw. Mahal mo naman," sabi nito sabay ngisi ng nakakaloko.

"Ewan ko sa'yo. Ikuha mo na 'ko ng pagkain dahil nagugutom na 'ko," natatawa niyang utos dito.

"Yes mam," sabi naman nito at biglang tumayo at sumaludo pa. Napailing na lamang ang dalaga.

"Hi sisterrr!" bati sa kanya ni Brando habang may hawak na alak sa kamay. "Kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Ikinukuha na ako ni Sky ng pagkain."

"Hayyss! Mamimiss kita. Hayaan mo, dadalawin kita sa Maynila. Sasabihin ko kay Amang," sabi nito sa kanya na may halong lungkot sa mukha.

"Ano ka ba! Okay lang 'yan. Magkikita at magkikita pa din naman tayo."

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon