Chapter Thirteen

69 1 0
                                    

Chapter Thirteen

"I love you, not for what you are, but for what i am when i am with you."

~~

"TADAH!"

Natawa naman ako sa pinakita ni Sky. Gumawa lang naman siya ng isang malaking sand castle.

Ginulo niya pa ang pagd-drawing ko kanina para lang ipakita sakin ito? Tinakpan pa niya ang mata ko para ma-surprise ako. Ang ganda-ganda kaya ng upo ko dun sa duyan. Aish!

"Oo na! Maganda na!" sabi ko na lang tapos tumalikod na ako para bumalik sa pwesto ko.

"Yun lang?! Ni hindi ka man lang natuwa? Para sa'yo kaya yan!"

Humarap naman ako sa kanya at nakita ko naman siyang nakatalikod sakin habang nakaupo sa buhanginan. Narinig ko pang bumubulong siya.

"Hoy! 'Wag ka na ngang mag-inarte diyan. Ang init-init kaya dito sa pwesto mo! Bumalik na tayo don," sabi ko sabay lapit sa kanya. Nakasimangot pa din siya.

"Ayoko! Ikaw na lang ang bumalik don," may halong pagtatampong sagot niya sakin. Parang bata naman 'to oh!

"Huy, para ka namang bata. Tara na kase dun," hinila ko na siya pero hindi pa din siya tumatayo. Sigh. Mo choice, kailangan kong gawin 'to para matigil na ang kaartehan niya.

"Ang gwapo naman ng sand castle na 'to, kasing gwapo nung gumawa. Para sakin 'to diba? Thank you."

Matapos kong sabihin yon, hinalikan ko siya sa pisngi. Mukha namang natigilan siya sa ginawa ko.

"Ano nabato ka na diyan? Uyy! Kinikilig yan. Hahahaha!" sabi ko kasi hindi pa din siya makaget-over sa ginawa ko sa kanya. Kinikiliti ko pa siya.

Bigla naman niyang hinawakan yung kamay ko para pigilan ako sa pag-kiliti sa kanya, tapos maya-maya nagsalita na siya, "Hindi ako kinikilig. Natutuwa lang ako dahil sinabihan mo 'ko nang gwapo," then he smirked.

Hay nako! Lumalaki na naman ang ulo niya. "Bahala ka nga diyan. Niyayabangan mo na naman ako," sabi ko sabay tayo pero hinila lang niya ako paupo sa tabi niya tapos.. tapos.. Argh! Nakakaasar! Nakakadiri!

"Ano ba! Let go! Ang baboy mo!"

Anong ginawa niya? Well, inipit lang naman niya ang ulo ko dun sa may kili-kili niya. -_-

Hindi naman mabaho pero kahit na! Kadiri pa din.

"Hahahahaha! Naisahan na naman kita," sabi niya sakin. Tsk. Palagi niya kasing ginagawa sakin yun kaya naman minsan immune na ako. Naglakad na siya papunta don sa may duyan. Uunahan pa 'ko ng mokong na 'to, kaya naman tumakbo ako at inunahan ko siya. Nakita naman niya akong tumatakbo kaya naman nakitakbo na din siya.

"Waaaahhh!"

Sumigaw na 'ko kasi mauunahan na niya ako. Sa haba ba naman ng biyas nitong lalaking 'to. At ang pinakaayaw kong mangyari ay nangyari na. Naunahan na niya ako tapos nag-dive pa siya dun sa duyan. Buti na lang matibay yon.

"Ang daya! Ang daya-daya mo!" sigaw ko habang hinihingal ako. Medyo sumikip yung dibdib ko pero hindi naman ganun kalala. Nakita ko namang napatayo siya sa duyan tapos agad na lumapit sakin.

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon