Chapter Twenty Two

89 0 0
                                    

Chapter Twenty Two

"Prea, maghunos-dili ka. Baka mabangga tayo!"

~~

"SKY, are you okay?" tanong sa kanya ni Prea. Tumingin siya dito at saka ngumiti na nauwi sa pagak na pagtawa. Naguluhan naman si Prea, iniisip niya kung kalokohan lang ba nang dalawang magkaibigan 'yung nangyari kanina.

"I can't believe it.. Ni-hindi ka man lang nag-react nung sinabi niyang mahal ka niya?" Natigilan si Prea sa sinabi nito at saka yumuko.

"Kailan pa 'to? Are you cheating behind my back kahit noon pa?" Mapang-akusang tanong ni Sky sa asawa niya. Agad itong napatingin sa kanya at sunod-sunod ang ginawa nitong pag-iling.

"Hindi 'yan totoo Sky. Sinabi na sa 'kin ni Damien na mahal niya 'ko nung college pa lang tayo per--"

"So? Nung college pa pala ha Prea? What the f*ck?!" Agad tumayo si Sky at saka nag-diretso pataas habang sapo nito ang dumudugong labi. "Sky, no! Hindi kita niloko dahil noon pa lang ikaw na ang mahal ko!" Umiiyak na sinundan siya ni Prea at hinahawakan nito ang braso niya pero inaalis niya agad ito.

"Stop it! Hayaan mo 'kong makapag-isip Prea." Sabi niya at tinalikuran niya muli ito.

"Ganito na lang ba tayo ha Sky?! Hindi na ba natin maayos kung ano man ang nasira sa 'tin ha?" Napatigil siya sa sinabi ng asawa. "Wala na bang chance na mabalik sa dati ang samahan natin?! Naiinis ako at galit na galit ako kay Ayesha dahil hindi ka niya agad ibinalik sa 'kin. Eh di sana, masaya tayong dalawa ngayon?!" Tuluyan nang umiyak ang kanyang asawa at ito na naman.. Nararamdaman na naman niya ang pagka-guilty kahit wala naman siyang kasalanan sa nangyari.

"Pagod na 'ko Sky.." Tuluyan na siyang nanigas sa sinabi nito. "Akala mo ba hindi ko alam na ilag ka sakin?" Napayuko siya nang sabihin nito 'yun. Akala niya ay hindi nito napapansin, pero hindi pala.

"Isinantabi ko na lang 'yun e, at pilit kitang inintindi dahil alam kong matagal kang nawala sa amin. Pero, bakit naman naging ganito Sky? Nasasaktan ako kapag binabanggit mo ang pangalan niya.." Dire-diretsong sabi nang kanyang asawa kaya't humarap na siya dito at lumapit.

"I'm sorry. I'm sorry Prea.." Hinawakan niya ito sa balikat at saka ito niyakap. "I promise, ibabalik natin ang dati. Aayusin natin ang pamilya natin," dugtong pa niya na naging dahilan upang yakapin din siya ng asawa.

NAGISING si Sky dahil sa pag-ring ng phone niya sa side table. Inilibot niya ang tingin sa paligid at naramdaman niya sa tabi niya ang kanyang asawa. Nakayakap ito sa kanya habang nakaunan sa mga bisig niya.

Napangiti siya. Naisip niyang ito na ang simula para pagtuunan niya ng pansin ang asawa. Agad niyang tinignan ang orasan na nasa side table din katabi ng nagri-ring niyang cellphone, hapon na pala. Pinili kasi nila ni Prea na 'wag munang pumasok dahil puyat sila dahil sa nangyari.

Agad niyang kinuha ang cellphone at sinagot ito.

"Hello?" Inaantok pa niyang sabi dito.

[Pare, where are you?]

Agad niyang nabosesan ang tumawag, si Gabby 'yon.

"Nasa bahay Pare, bakit?"

[Naaksidente si Mike.. Nandito kami sa St. Luke's. Room 102.]

Napabalikwas siya ng bangon kaya nagising si Prea.

"Ha? Bakit anong nangyare?"

[Mahabang kwento pare. Punta ka na lang dito para may pumigil sa 'kin dahil mapapatay ko sa kaartehan 'to! Feeling mamamatay na ang loko!]

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon