Chapter One

247 2 0
                                    

Chapter One

"Na-love at first sight yata ako,"

~~

Umalis na siya sa back stage at pumunta sa parking lot. Hinanap niya kung saan niya ipinarada ang kanyang sasakyan. Pagkakita niya dito ay agad na siyang sumakay at nagmaneho paalis.

Papunta sa lugar na 'yon.

Papunta sa babaeng kanina pa niya iniisip.

Mali..

Palagi niyang iniisip..

Tumigil muna siya sa isang flower shop upang bumili ng bulaklak. Pagkabili niya ay umalis na agad siya upang magtungo sa lugar na iyon.

Inilapag niya ang mga green roses sa isang malapad na bato na may nakaukit na pangalan.

"Alam mo bang paborito ko ang mga rosas?" sabi nito habang dinidiligan ang iba't ibang uri ng rosas sa kanilang hardin.

"T-talaga?"

"Hmm.." tugon nito sabay tango, "Pero berdeng rosas ang pinakagusto ko sa lahat," pagpapatuloy nito saka tumingin sa kanya, "Alam mo ba kung bakit?"

"B-bakit?" naiinis siya dahil hindi niya maiwasang hindi mautal. Hindi pa kasi siya komportable sa babaeng ito ngunit, ito ang tumulong sa kanya kaya't kailangan niyang patunguhan ito ng maayos bilang pagtanaw ng utang na loob.

"Kasi sumisimbolo ito ng pag-ibig na sa langit mo lang matatagpuan," paliwanag nito habang nakangiti at nakatingin sa langit, "Kaya naman, mas paborito ko ito," ngayon ay tumingin na ito sa kanya. Nag-iwas naman siya agad ng tingin ng magtama ang kanilang mga mata.

Naalala na naman niya kung bakit at kung paano nito naging paborito ang mga luntiang rosas. Napangiti siya nang maalala ito.

Death Anniversary nito ngayon. Marahil ay nagpunta na dito kaninang umaga ang mga kamag-anak nito dahil may nakikita siyang bagong bulaklak at mga tunaw na kandila.

Limang taon na din pala ang nakakalipas mula nang lisanin nito ang mundong ibabaw, at limang taon na din ang nararamdaman niyang pagdurusa. Sa palagay niya ay siya na lamang ang nakatali sa nakaraan dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya maalis sa isipan ang babae. Alam niyang may pisi na naka-kabit sa kanya at sa nakaraan, na kahit gustuhin man niyang putulin iyon ay hindi niya kaya dahil natatakot siya...

Natatakot siyang kapag ginawa niya iyon ay maputol na din ang alaala ng babaeng iyon sa kanyang isipan, at iyon ang isang bagay na ayaw niyang mangyari.

Dahil sa mga pangyayari sa nakaraan na dala pa rin niya hanggang ngayon ay mababakas sa kanyang mukha ang pagkalungkot.

'Miss na miss ko na siya.

Yung kakulitan niya, namimiss ko na.

Miss ko na rin ang pagmamahal niya sakin, na kahit kailan ay hinding hindi ko pagsasawaan.'

Napangiti siya. Isang totoong ngiti. Naalala niya ang masasayang ala-ala niya tungkol dito. Siguro kung may makakakita sa kanya ay aakalaing nasisiraan na siya ng ulo, pero wala siyang pakielam. Ayos lamang na sabihan siya ng kung ano-ano basta't siya lang ang laman ng kanyang isipan. Kahit matagal nang panahon ang nakalipas ay kabisadong kabisado pa rin niya kung paano sila unang nagkita. Kabisadong kabisado pa rin niya ang mukha nito na para bang kahapon lang nang huli silang magkita.

~~

7 YEARS AGO...

"Alis na po ako," paalam niya sa kanyang tiyahin.

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon