Chapter Twenty Seven

93 0 0
                                    

Chapter Twenty Seven

~~

"Tang1na lang! Dalawang linggo kang nawala ng walang pasabi. Halos mabaliw ako kakahanap sa'yo then now babalik ka dala-dala yang mga annulment papers na yan? Tang1na lang Prea! Nakakag4go ka ah!"

Binulyawan ko siya habang nakaupo siya sa sofa. She's just right there sitting like a stone.

"Ayoko na Sky."

Ayoko na? Bullsh1t naman talaga! Kanina niya pa sinasabi yang 'ayoko na' na yan pero wala naman akong natatanggap na reason! F*ck!

Dalawang linggong nawala ang asawa ko matapos ko siyang madinig na sumigaw at umiyak nung umaga dahil sa phone call na yun. Gusto kong alamin kung sino ang kausap niya at bakit nagkaganito ang lahat simula non.

"Kanina mo pa sinasabi yang puny3tang 'ayoko na' na yan, pero hindi ka naman nagsasabi ng rason. Ano? May mali ba akong nagawa? Kasi sa pagkakaalam ko, wala. Wala akong ginagawa sayo. At tang1na lang, ginawa ko naman ang lahat para maging mabuting asawa sayo kahit na hindi kita naaalala ah! Ano pa bang gusto mo?"

Galit na galit na talaga ako sa kanya to the point na gusto ko na siyang sakalin.

"Ano ba Sky? Pwede bang pirmahan mo na lang yan?! Hindi ka pa ba natutuwa na magiging malaya ka na?!"

Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Pinagiinit talaga nito ang ulo ko. Lumapit na ako sa kanya at saka siya hinila patayo.

"Ano bang problema mo Prea? Okay naman tayo ah? Pero nagkaganyan kana simula nung nakita kong umiiyak ka! Ano? Sabihin mo sakin kung anong problema. Pag-uusapan natin to." Tinignan ko siya sa mata pero iniwas niya ang mukha niya sakin.

Hindi siya nagsalita pero hinintay ko pa din ang sagot niya.

"Si Yesha.."

Nabitawan ko agad siya ng madinig ko ang pangalan na yun. Ano na naman ba ang ginawa ng babaeng yun?!

"Siya na naman? Hindi niya ba talaga tayo titigilan?! Sana hindi na lang ako nagsisi nang sinabi kong mawala na siya." Galit kong sabi. Natigilan naman siya at dun ko lang na-realize kung ano yung nasabi ko.

"A-anong sabi mo?" Di makapaniwalang tanong sakin ni Prea. Napahawak lang ako sa noo ko at saka muling umupo.

"So totoong sinabi mo sa kanya ang bagay na yon Sky?!" Histerikal na sabi niya. Sumakit pa ang tenga ko sa pag-sigaw niya.

"Ano ba?! Huwag ka ngang magpabalik-balik diyan na parang tanga. Sumasakit ang ulo ko e!"

"Hindi mo dapat ginawa yun Sky! Hindi mo dapat sinabi yun kay Yesha! Because of you kaya nagkaganito.. I can't believe it!" Galit na sabi niya sakin.

"Ano ba? Bakit ka nagagalit sakin ngayon? Eh di ba ikaw ang may pinakamalaking galit kay Ayesha?! Bakit kung banggitin mo ang pangalan non, para kang anghel?"

Naiinis na 'ko sa kanya ha! Mas lalong lumalala ang problema namin dahil sa usapang 'to e.

"Sky, hindi mo naiintindihan! Hindi mo dapat-- Hindi mo--" Hindi na niya matapos ang pagsasalita niya dahil nagsimula ng tumulo ang luha niya. She composed herself before she continued.

"Hindi mo dapat sinabi ang ganong bagay sa kanya. Hindi mo ba alam na masasaktan siya?"

"Alam ko. Pero kulang pa ang sakit Prea. Kulang pa yon.."

"You don't understand! Yesha had enough! Sobra-sobra ng sakripisyo ang ginawa niya. Kung alam mo lang.." Putol niya sa sinasabi niya saka siya umupo at sinahod ang kanyang mukha. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang inaarte niya, eh siya nga itong galit na galit sa pinsan niya.

"Sabihin mo sakin ang lahat Prea. Pag-uusapan natin 'to. Hindi ba napag-usapan na natin that we will save our marriage?! That we will work things out. Ginagawa ko naman ah? Kulang pa rin ba?"

Tinignan ko siya at inihilamos niya ang kamay niya sa mukha niya. Basang-basa na ito ng luha niya. Tumingin siya sakin na para bang gustong-gusto niyang sabihin sakin ang isang bagay pero hindi niya magawa.

"Sky, someday you will thank me for doing this." Sabi niya sabay sa pagkunot ng noo ko. Hindi ako nagsalita at tumingin lang din ako sa kanya.

"Sky, wala ako sa lugar para sabihin sayo ang lahat. But, all I can say now is.. Yesha really needs you."

Sa sinabi niyang yun, nabuo ang isang dahilan sa utak ko. Makikipaghiwalay siya sakin dahil kay Ayesha. Dahil kailangan ako nito.

"Prea sabihin mo sakin, binrain-wash ka ba niya? Nagmakaawa ba siya sa'yo para lang gawin 'to?" Matigas kong tanong sa kanya.

"No. Hindi niya ako pinilit. Walang brain washing na nangyari Sky. Ginawa ko 'to dahil alam kong 'pag dumating ang araw na 'yun, magiging mas maganda. Magiging mas madali para sa'yo ang lahat." Mahinahon niyang sabi habang nakatingin sakin. Iniwas lang niya ang tingin niya sakin ng tignan ko din siya.

"S-sky. It will be good for the two of us. K-kung maghihiwa--"

I snaped. Ibinalibag ko ang throw pillow sa sofa na kinauupuan ko. Nagulat siya sa ginawa ko kaya napatingin siya sakin.

"FINE! TAMA NA PWEDE BA?! 'YAN ANG GUSTO MO DIBA?! IF I SIGNED THIS F*CKING PAPER IT WILL SHUT YOU UP RIGHT?! OKAY! I'LL SIGN THIS!"

Pabalibag kong kinuha ang mga papeles sa ibabaw ng center table. Hindi ko na binasa pa ang nakasulat don. Basta na lang ako pumirma para matapos na ang lahat.

Nang matapos kong pirmahan yun. Ibinalik ko lahat sa table at saka ko siya tinignan ulit at nakita kong umiiyak siya.

"Ayan na! Nasunod na ang gusto mo! I hope you'll be happy. Pack your things and get out of this house." Malamig kong sabi sa kanya. Tumingin siya sakin na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig niya.

"Ano?! I said get out!" Natinag naman siya sa pagsigaw ko kaya agad siyang kumilos para ayusin ang mga papeles at pagkatapos non ay dali-dali siyang umalis.

Tumayo ako at napasuntok na lang ako sa pader at hindi ko ininda ang sakit non. Galit na galit ako sa kanilang lahat lalong-lalo na sa babaeng yun.

Ang babaeng puno't dulo ng lahat ng 'to.

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon