Chapter Nine

59 2 0
                                    

Chapter Nine

"S-sino ka?"

~~

*CRASSSHHHH*

Napaiktad ako sa kinauupuan ko at halos masamid sa iniinom kong juice dahil sa narinig kong ingay. Nanggagaling ito sa sala kung saan naroon ang silid niya. Agad akong tumayo at mabilis na nagtungo roon.

"BITIWAN NIYO KO!!"

Napahinga ako ng malalim ng marinig ko ang pagsigaw niya, dinig na dinig ko ito kahit malayo pa ako sa silid na kinalalagyan niya.

Madaming taong nakaharang sa pintuan kaya't hinawi ko pa ang mga ito para lamang makita ko ang mga pangyayari sa loob.

Tatlong lalaki ang nagtutulong-tulong na hawakan at pigilan ang pagwawala niya, at halos mahubad na ang suot-suot nitong damit.

Tatlong araw na magmula ng magising siya. At hindi ko pa rin makalimutan kung paano siya magbago mula ng araw na 'yon.

"G-gising ka na," ang unang pangungusap na nabanggit ko sa kanya. Ang kaninang gulat na ekspresiyon niya ay napalitan ng pagkalito.

"Kamusta? May masakit ba sa iyo?" tanong ko sa kanya, pero kunot-noo lang niya akong tinignan.

"Sandali. Tatawagin ko ang doktor," tumayo ako at akmang bubuksan na ang pinto nang sa wakas ay magsalita siya.

Mahina lamang ito pero sapat lang para marinig ko.

"S-sino ka?"

Para akong nabingi.

Parang saglit na tumigil at natahimik ang mundo ko, nakaramdam ako ng pagkirot ng dibdib ko.

Paano nga pala niya ako makikilala, kung nakatuon ang buong atensyon niya sa pinsan ko.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya nang may pekeng ngiti sa aking mga labi.

"Hindi mo ako k-kilala?" paninigurado ko.

Kahit sigurado na ako sa isasagot niya, ay hindi ko pa din maiwasang hindi malungkot nang umiling siya.

"Nasaan ba ako? A-anong ginagawa ko dito?" tanong niyang muli.

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon