Chapter Two

111 2 0
                                    

Chapter Two

'Nasaktan ko na naman sya.'

~~

Sa lahat ng babae sa mundo, bakit pinsan pa niya ang magiging kaagaw niya sa taong mahal niya?!

Kinuyom niya ang kanyang mga kamay. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya, niloko, ginag*!

"PREA!!"

Hindi niya na napigilan pa ang kanyang damdamin kaya't nasigaw niya ang pangalang yan.

Napatingin naman ang dalawa sa kanya at umalis sa pagkakayakap ang dalaga sa binata. Nanlaki ang mga mata nito at kitang-kita na napaawang ang bibig nito dahil sa pagkagulat.

"Y-yesha? Yesha m-magpapaliwanag ako." nauutal na sabi ng pinsan niya sa kanya.

"NO! How could you?! Alam mong gusto ko siya! Alam mo--"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil biglang kumirot ang dibdib niya dala ng labis na pag-iyak.

"YESHA!!" sigaw ng pinsan niya.

Nakita niyang tumatakbo na ito papunta sa kanya kaya sumigaw siya na nakapagpatigil naman dito.

"DON'T YOU DARE!!"

Niligpit niya ang mga gamit niya. Kailangan na niyang makaalis dahil alam niyang mamamatay siya sa lugar na yun. Hindi niya alam kung tama ba ang nararamdaman niya, pero, nasusuklam siya at the same time, nasasaktan.

Nasaktan siya sa ginawa ng kanyang pinsan. Ang pinsan na tanging pinagkakatiwalaan. SIYA. Siya ang naunang magmahal, pero anong nangyari ngayon? Siya ang napag-iwanan.

Sobrang sakit!

Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag.

'Minahal ko siya ng tapat pero ito lang ang nakuha kong kapalit?'

Oo. Wala siyang minahal kundi ang lalaki ngunit ito lamang ang nakuha niya sa ilang taong pagmamahal na 'yon!

Ang masaktan...

Ang masaktan ng lubusan..

Sa sobrang pagmamadali niya ay nabitawan niya ang sketchbook niya at nagslide ito pababa. Wala na siyang panahon para kunin pa yun. Tumakbo na siya habang umiiyak at nakahawak sa dibdib.

Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa kanyang pag-iyak.

Nagsisimula na siyang maghabol ng hininga.

Namamanhid ang buo niyang katawan.

Malapit na siya sa bahay nila ng madapa siya. Kung sinuswerte ka nga naman, ngayon pa siya inatake ng asthma niya. Malapit na siyang mawalan ng malay nang biglang..

"AYESHA!" sigaw ng tita niya. Nakita nitong naghahabol siya ng hininga. Agad itong bumalik sa loob ng bahay. Hindi nagtagal, lumabas ito at tumakbo patungo sa kanya at saka siya binigyan ng inhaler.

~~

"YESHA, anak?"

Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Una niyang nasilayan ang malungkot na mukha ng ina niya.

"M-mommy?"

Niyakap siya nito habang umiiyak.

"Salamat naman at ayos ka na," sabi nito.

Pinagmasdan niya ang paligid at napansin niyang nasa ospital pala siya.

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon