CHAPTER 49

53 5 0
                                    

•√Shaira POV√•

Halos mapaiyak ako sa nangyare kahapon. Dahil sa hindi nga ako nakasagot ay iniwan niya ako.

"I guess it's fucking Jeiford? Damn it! Right? Okay" naaalala ko pa yung mga sinabi niya bago ako iniwan mag isa.

Pagkatapos non ay lumapit saakin sina Mom at Dad. Ramdam mo ang pag aalala sa kanila. Si Dad ay nang iintindi ang mukha.

Sabi niya kaya yun nagawa ni Juris ay nasaktan siya. Bigyan ko daw muna ng oras. Si Shaina naman ay hingi ng hingi ng tawad.

Pero ano anman magagawa ng tawad niya. Gaya ng sabi ni Juris 'Your fucking sorry will not bring back the goddamn time '

Tama naman siya Shaira diba? Kasalan mo iyon Shaira!

Gusto kong umiyak pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Gusto kong ilabas lahat pero hindi ko mailabas. Para bang may pumipigil saakin.

Mahal ko pa ba ikaw Jeiford?

Alam ko sa sarili ko na kailangan ko ring tanungin ang sarili ko at malaman kung ano ba ang tunay ko na nararamdaman. Hindi pwedeng meron akong gusto dun sa isa at isa pa.

Gusto ko sa kaniyang mag sorry pero hindi ko alam kung paano. Kailan at saan. Masyadong magulo ang sitwasyon.

Sitwasyon ba o ako?. Sino ba ang mahal ko?
Kung si Juris ang mahal ko bakit pa lagi kong naiisip si Jeiford? Bakit nung dumating na siya parang nabura lahat. Nawala lahat. Yung mga pinagdaanan namin. Yung binasted ko siya. Bakit hinayaan ko siyang halikan ako? .... Bakit nasasabik ako sa kaniya?... Bakit iba na ang pakiramdam nung nakita ko siya?... Bakit? Bakit? Bakit parang mahal ko parin siya kahit na hindi na dapat?

Napahawak na lang ako sa noo ko at pinunasan ang pisnge ko saka suminghap ng hangin para labanan ang mga luha ko na nagbabadya ng tumulo.

HINDI ko alam kung anong nagtulak saakin para pumunta sa bahay nila Juris. Gusto ko siyang makausap, yakapin at magpaliwanag kahit pa parang hindi na buo ang desisyon kong bumalik at magpaliwanag sa kaniya.

Basta ang alam ko gusto ko magka ayus kami.

Nagmadali akong naligo at naglagay nalang ng pulbo at lipstick. Hindi na rin ako nakapag suklay. Para akong atat na atat na makita siya. Gusto ko ipaliwanag na dala lang ng sabik iyon.

Nilabas ko ang kotse ko at pinaandar yun kahit na hindi pa ako nagpapaalam. Jalos gawin kong karerahan ang buong kalsada.

Yung iba ay pinipipipan na ako pero ito parin ako parang walang naririnig. Mas lalo lang akong bibilis sa tuwing makakarinig ako ng busina.

Nagpapasalamat na lang talaga ako na hindi ako nadisgrasya. Nakarating ako sa bahay nila ng walang pasabi.

Pagkababa ko pa lang ng kotse ko ay nagsingitian na saakin ang mga kasambahay nila. Kilala na kasi nila ako.

Pinatuloy nila ako sa loob at pinaupo sa couch. Binigyan nila ako ng juice pero tinanggihan ko lang. Tinanong ko agad kung ano talaga ang pakay ko.

"Ahm... Nasan po si Juris?" Tanong ko sa medyo bata batang kasambahay.

"Ahhh... Kinakausap lang po ng daddy Niya baka mamaya po ay baba narin iyon." Ngumiti siya pagkatapos non kaya napangiti narin lang ako.

Unexpected Love(COMPLETED)|Under Revising.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon