CHAPTER 34

58 10 3
                                    

Saturday 🌻

•√Shaira POV√•

bat kasi ang rupok ko?

Wala na... Liligawan nanaman ako ni Jeiford. Mahal ko naman siya. Pero yung sitwasyon lang talaga kasi.

"MARUPOK ako!" Panggagaya ni Shaina sa sinabi ko kahapon. Nakakains nga e' mula pag uwi namin niya pa ako inaasar.

"Isa pa... Susulsulan ko ng papel iyang bunganga mo" pagbabanta ko pero nilakihan niya lang ako ng mga mata at dinilaan.

Sarap hilain at putulin jusko!

"May papel kaba?" Tanong niya kaya napatingin din ako sa gilid gilid ko pero wala akong nakita maski na anong klaseng papel.

"W-wala"

"Ohh tignan mo! Paano mo masusulsulan ng papel itong bunganga ko kung wala kanamn palang papel... Pero hahah tupangina! Ang iconic ng line chosss!" Napapahawak pa ang kingina sa tiyan at tatawa tawa. Mukha tuloy siyang nauulol. Mali naulol na pala.

"Tch! Ewan ko sayu." Iniwan ko siya sa salas at dumeretso sa kusina dahil as usual ang aking mga bulate sa loob ng tiyan ay nagwewelga at nag aaway nanaman.

Pumunta ako sa ref at doon nagtingin tingin ng kung anong pwedeng kainin. Nakakita naman ako ng yogurt at bread. Kinuha ko iyon at agad na nilantakan.

Yung mga bulate ko sa loob ay nagpaparty nanaman dahil may makakin nanaman sila.

Habang kumakain sa table ay napapaisip ako kung hanggang kailan ko kaya paghihintayin si Jeiford. Matagal kaya. Kung ako lang ay gustong gusto ko na sitang sagutin. Pero sa tuwing gusto kong gawin ay para bang may pumipigil.

Aabot kaya ng one year?

Natatnong ko rin ang sarili ko kung anong magiging reaksiyon niya kapag sinagot ko na siya.

Dahil doon ay naalala ko noon kung paano niya ipakilala si Alex sa harap namin. Sinabi ko pa na liligawan ko siya.

Kingina!

Sa tuwing naalala ko iyon ay para ba akong nandidiri na ewan. Ewan ko rin kung bakit ganoon ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko pang ay ayaw ko sa kaniya. At NEVER na ulit kami magiging magkaibigan ng bruha na iyon.

"Hoyyyy! Gaano na ikaw kalayo?" Nagulat pa ako ng bigla ay hampasin ni Shaina ng pagkalakas lakas iyong lamesa.

Dahil nga lutang nanaman ako ay hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin.

"H-huh? Kalayo?" Subo subo ko pa ang spoon sa bibig ko habang simasabi iyon.

"Naglalayag ka nanaman eh. Kaya tinatanong ko kung gaano na kalayo... Pero wait! Hulaan ko kung SINO ang iniisip mo... It either Jeiford or Alex lang yan sure ko." Napangiwi nalang ako sa sinasabi ng kapatid kung siraulo. Tataas taas pa ang kilay na sabi niya.

"Kaso pareho eh.." napangiwi rin siya sa sinabi ko at umirap sa kawalan bago tumabi saakin at inagaw iyong kinakain ko.

Letse to!

"Ba't ka nang aagaw? Andami don sa ref. Doon ka kumuha kung hindi dadagukan kita.!" Ngumisi siya bago nagmadaling kainin ang yogurt ko at ibinigay nalang saakin ang pinaglagyan. Halos lumabas labas pa sa bibig niya iyong yogurt.

Unexpected Love(COMPLETED)|Under Revising.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon