CHAPTER 39

38 4 0
                                    

•√Shaira POV√•

Halos isang linggo narin na nasa London si Jeiford ngayun..

Habang kausap ko si Jeiford sa linya ay hindi ko maiwasang mapaisip na mahirap nga talaga ang LDR.

Nangugulila ako sakaniya. Kahit na nasa tabi ko palagi ang tropa ko ay feel ko may kulang alam ko at ramdam ko kung sino iyon. Si Jeiford.

[Oh hi Shaira... Ahm sorry if ngayun nalang nakatawag ha? Analaki kasi talaga ng problema... Napapauag ko na si Mr. Nguyen pero suddenly may bagong problem ulit...]Napapahwak nalang ako sa cellphone ko dahil ilang araw ko rin pinangulilaan ang boses niya.

Kahit na hindi ko siya kaharap ay sa tingin ko nandiyaan lang siya. Katabi ko. Ewan ko ba kung naprapraning na ako.

"Okay lang..."

[Ahmm Shaira? Sorry but i have to end this call na.]

"Okay lang... Sige na ibaba muna. Pagbutihin mo ha? I love you"

[Naman... I love you too Shaira.]

Pagkasabi niya non ay naputol agad ang linya. Napaluha nalang ako sa pangungulila ko sa kaniya.

Dumaan ang araw, linggo, at buwan na wala ni isang tawag maski text ang nabasa ko.

Habang nakahiga sa kama ko ay naisip.ko nung katapos ng graduation na sabi niya ay isang buwan lang. Pero ngayun ay umabot na ng ilang buwan.

Hindi ko naman siya matawag tawagan dahil baka maging storbo ako. Sa totoo lang kada gising ko ay nag iimagine ako na isang araw ay bigla nalang papasok sa kwarto ko ang isang Jeiford at nakangiti habang may dalang Sunflowers.

Ibibigay saakin habng nakangiti at babangitin ang motto na 'Im not Jeiford Collins for nothing' namimiss ko siya sa kahit anong bagay na makita ko.

Mas lalo pa iyong lumala ng hindi na siya tumatawag. Nang tanungin ko anman sa parents niya ay hindi rin daw tumatawag. Nag aalala ako paminsan pero mas nakakahigit doin ang pangungulila at lungkot na nararamdaman ko.

Sa katotohanang hindi ko siya kasama at hindi ko rin alam kung ano na ang nangyayare sa kaniya. Akala ko nung una ay madali at kakayanin ko.

Pero parang lahat ng iyon ay nabali ng ilang araw palang ang nakalipas lalo na ngayung ilang buwan na. Namimiss ko na talaga siya kung pwede nga lang au bumyahe ako papunta sa kaniya. Pero may hinagawa rin namana ko dito sa Pilipinas.

Umaasa nalang talaga ako sa Forever. Kahit pa walang kasiguraduhan.

Kada kakain ay naiisip ko na inaasar ako ni Jeiford na nagwewelga nanaman daw ang mga bulate ko.

Minsan rin naiisip ko kung paano ay may bago na siya kaya hindi aiya tumatawag at paano kung tuluyan niya narin akong kinalimutan. Pero lahat non ay iniiwas ko na lang na isipin dahil sarili ko lang ang sinasaktan ko.

"Anak kumain ka na!" Isang araw sabi ni Mom dahil nagkulong ako sa kwarto ko sa pag aakalang tatawag si Jeiford sa mga oras na iyon.

Pero wala akong natanggap ni isa. Kahit man lang text. Naiiyak nalang ako dahil feel ko wala na akong silbi sa kaniya. Na hindi na niya ako kailangan.

Jeiford??... 🥺 Tumawag ka na kasi! Nahihirapan ako. Nahihirapan ako kasi hindi ko naririnig yung boses mo.

Bumaba ako dahil baka magalit si Dad dahil kahit naman na nangungulila ako ay pwede paring magalit si Dad saakin dahil hindi ako kumakain.

Habang kumakain ay biglang nagpop ang selpon ko. Halos maihulog ko pa ang kutsara at tinidor ko sa pag aakalang si Jeiford iyon.

Pero pagtingin ko ay si Valery iyon. Hindi ko iyon binasa dahil iisang tao lang ang gusto kong makausap. Makatext.

"Ano bayan Shaira... Huwag mong dalhin sa pagkainan ang lungkot mo baka magtampo ang grasiya" sabi ni Mom kaya napalunok nalang ako at nag opo. Saka muling kumain.

Dumaan ulit ang ilang araw at linngo ng walng text o tawag.

Mas lalo ring nadadagdagan ang pangungulila ko. Sabik na sabik na akong hagkan siya.

Gusto ko narin siyang makausap at mahawakan. Nawawalan na rin ako ng pag asa na tutupadin niya ang pangako niya na uuwi siya dahil alam niyang may naghihintay.

Sa tingin ko kasi ay wala na siyang balak umuwi. Baka nga nakahanap na iyon ng mas maganda at mayaman saakin. Kata nakakalimutan na niya ako

Dahil sa desperada na ako ay tinawagan ko ang number niya. Nagriring pero hindi sinsagot.

Kumakalabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung baket. Naulit iyon hanggang sa apat na bese perp ako rin ang sumuko ng walang matanggap na sagot galing sa kabilang linya.

Naisip kong pumunta sa park kung saan niya ako niligawan. Pagkarating ko doon ay walang espesyal. Gaya ng dati ang espesyal lang saakin ay tila ba nakikita ko doon ang sarili ko na nagugulat at may hawak na sandamak mak na isaw at subo subo ang iba.

Saka ko nakita si Jeiford na lumabas sa isang gilid habang papalapit saakin. At ang can i court you niya.

Napapatak nalang ng kusa ang mga mata ko. Umupo ako sa mismong bench na inupuan ko noon.

Inaalala ang mga alala na masarap balikan na ngayun ay past anlang at hindi ko pa sigurado kung madadagdagan pa.

"Ate bili po kayu?" Sabi ng isang vendor ng isaw. Dahil sa isaw ay naalala ko nanaman ang istilo ng panliligaw niya. May pa isaw. Dahil din don ay mas lalo lang naluha ako.

Napansin ata iyon ng nagtitinda dahil taka itong tumingin saakin.

"Ayos Lang po kayu? May nasabi po ba akong mali?" Napapaumanhin na ang tingin niya kahit pa hindi sigurado kung may nasabi nga siyang mali.

Umiling ako at ngumiti. Nag nor naman siya at inasikaso ang ilang bumili.

Dahil wala naman na akong gagawin doon at pumunta lang dahil sa aobrang pangungulila ay nagdesisyon akong umuwi.

Pagkarating ko ay mga alalang mukha ang nakikita ko sa mga kasambhay hanggang sa pamilya ko.

Ngumiti lang ako ng pilit sa kanila at muling umakyat sa kwarto ko.

Dumaan ang isang buwan ulit na paulit ulit ang cycle ng buhay ko. Pupunta sa lugar kung saan may ala ala at uuwi kapag napag isipan.

Tatawagan minsan si Jeiford pero wlang sumasagot kaya hindi ko na lang siya tinatawagan sa halip ay hinihintay nalang na siya ang tatawag kahit pa walang kasiguraduhan kung mangyayare pa ba iyon.

Isa lang masasabi... Napapagod na ako kakahintay sa wala!

To be continued....💖

𝓣𝓱𝓪𝓷𝓴𝓼 𝓯𝓸𝓻 𝓻𝓮𝓪𝓭𝓲𝓷𝓰 𝓽𝓱𝓲𝓼🌻
-𝓛𝓸𝓿𝓮𝓵𝓸𝓽𝓼🌻🌻

𝑻𝒉𝒊𝒔 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚 𝒊𝒔 𝑼𝑵𝑬𝑫𝑰𝑻𝑬𝑫. 𝑰𝒕 𝒎𝒊𝒈𝒉𝒕 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒕𝒚𝒑𝒐𝒈𝒓𝒂𝒑𝒉𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒂𝒏𝒅 𝒈𝒓𝒂𝒎𝒂𝒕𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒆𝒓𝒓𝒐𝒓𝒔. 𝑷𝒍𝒆𝒂𝒔𝒆 𝒃𝒆𝒂𝒓 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒎𝒆. 𝑰'𝒍𝒍 𝒈𝒆𝒕 𝒃𝒂𝒄𝒌 𝒕𝒐 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒖𝒏𝒕𝒊𝒍 𝒊 𝒇𝒊𝒏𝒊𝒔𝒉 𝒕𝒉𝒆 𝒘𝒉𝒐𝒍𝒆 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚...😘

𝔽𝕣𝕠𝕞: 𝔸𝕐𝔸 ~ 𝘼𝙨𝙠_𝘆𝙤𝙜𝙞𝙧𝙡_𝗮𝙗𝙤𝙪𝙩𝙢𝙚.😶

Unexpected Love(COMPLETED)|Under Revising.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon