CHAPTER 42

36 3 0
                                    

•√Shaira POV√•

Habang imunumulat ko ang mga mata ko na Parang galing sa isang matagal na pag kakamulat ay ramdam ko pa rin ang pananakit ng ulo ko.

Para bang tinatahi iyon at ramdam ko hanggang sa loob. Bumangon ako pero ramdam ko ang init kahit pa nakasindi ang electric fan.

Inilibot ko ang paningin ko ng mauninagan na parang hindi ko kwarto ang kinasasadlakan ko ngayun. Nangungunot ang noo kong iniisip kung kaninong kwarto ito. Nang mapagtantong kay Shaina ay napaisip ako kung bakit ako nandito.

Hindi naman ako natulog dito kagabi diba? Pero paanong...

Napalo ko pa ang ulo ko ng maalalang nilunod ko kagabi ang sarili ko sa alak.

Kaya pala masakit ang ulo ko at parang pagod na pagod naman ang mga mata ko.

Binuksan ko ang pinto at dumeretso sa kwarto ko. Nagulat pa ako ng may tao don. Lumapit ako at tinanggal ang talakbong na kumot sa may ulonan.

Pero nagulat ako ng paa ang makita ko at hindi ulo. Dumeretso ako sa paanan at tinanggal ang kumot at don ko nakita ang tulog na tulog na mukha ni Shaina.

Bakit naman nagkabaliktad ata kami ng kwarto?

Hinaplos ko ang mukha niya at gumalaw siya. Dahil halatang pagod siya ay hinayaan ko na lang at bumaba sa baba at dumeretso sa kusina.

"Oh anak gising ka na pala? Yung kapatid mo ba?" Tanong ni Mom kaya napakamot ako sa ulo ko.

"Natutulog pa po." Ngumiti pa na sabi ko bago umupo sa mismong upuan na inupuan ko kagabi. Natulala na lang ako ng malala ang mga nangyari kagabi.

*FLASHBACK*

"Ate... Nako naman kasi eh, gabing gabi naglalasing. Tuktukan kita eh." Sabi ni Shaina bago ako buhatin at iupo sa upuan.

"Hoy ate, ano na? Dito ka matutulog?"

" Hmmm-..." Tanging nasabi ko dahil inaantok na talaga ako.

"Sheyt naman... No choice Shaina!" Sabi ni bago ako inilagay sa likod niya at binuhat paakyat ng hagdan at dumeretso sa kwarto niya.

"Dit na muna... Ambigat mo! Tupangina!" Bumuntong hininga pa siya bago lumabas.

Napayakap nalang din ako sa unan na nasa gilid ko at don tumihaya. Hindi rin nagtagal ay bumukas ulit ang pintuan at ramdam ko ang paglapit niya.

Kahit na nakapikit ako ay buhay ang diwa ko.

"Ate... Bibihisan na kita ah? Makikita ko yung twinkle mo!" Napangiwi na lang ako at hinayaan ang gusto niyang gawin.

Si twinkle makikita niya na! Nako may buhok pala si twinkle at kulot iyon. Hehe! Twinkle twinkle...

"Hmm..."

Ramdam ko na unti unting itinataas ang damit ko kay itinaas ko na rin ang kamay ko para hindi siya mahirapan.

Naririnig ko na tumatawa siya.

"Amoy alak ka ate... Baka mamaya n'yan eh amoy alak na ang higaan ko." Sabi niya bago tanggalin ang damit ko at ang bra ko.

Unexpected Love(COMPLETED)|Under Revising.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon