CHAPTER 30

54 17 0
                                    

•√Shaira POV√•

Hanggang ngayun kinikilig padin yung pwet ko. Na amaze ako sa ginawa niya kahapon. Kaya daw isaw ang ang napili niya ay dahil lagi daw nagwewelga ang mga bulate ko.

Nung tinanong ko naman kung binayaran niya lahat ang mga vendors ng barbecue ang sagot niya lang 'Im not Jeiford Collins for nothing'. Hambog ng kingina!

Dahil nga marami siyang binili ay halos sandamak mak ang inuwi kong isaw at kung ano ano pa sa bahay na kinain ko at ni Shaina.... Yes! Kaming dalawa lang talaga dahil ayaw daw nila Manang at sila Mom and Dad naman ay nagdate nalang sa isang restaurant. Mabilis din lang naman nakarecover si Mom kaya itinuloy nalang nila iyong date nilang naudlot.

Pagkarating nga nila sa bahay ay naglalambingan pa.

"Puking inang buhok na to! Oo..." Sabi ni Shaina na naiinis sa buhok niya. Nagsusuklay siya. Nagbuhol buhol na iyong buhok niya. Kagabi rin dahil nacurios siya sa kung saan nang galing ang mga isaw ay nasabi ko na nangliligaw na si ginoong Jeiford.

Ano kayang nakain non kahapon. Nag ala sinaunang tao eh! May pa binibini pa. Nikekeleg tuloy ake!

•‿•

Bigla ay napatingin saakin si Shaina na may naniningkit na mga mata.

"Diba nanliligaw na saiyo si Ginoong Jeiford?" Tumataas taas ang kilay na sabi niya. Napapamaang naman akong tumango.

"I have a beri beri wanderpul idea ate..." Nakataas pa ang isang daliri na sabi niya. Hinunto niya ang pagsusuklay at inikot ikotan ako. Para akong iniiscan. Pinataas niya ang kamay ko. Tinaas ko naman. Sinukat niya yung buhok ko na hanggang sa pwetan na ang haba. Last but not the least ay tinignan niya ang mukha ko at hubog ng katawan ko.

"Alam mo ate ang ganda mo..." Napa oww ako dahil don. Minsan lang magbigay ng nice comment saakin tong kapatid ko. Napangiti rin ako.

"Kaso... Tignan mo ang taba taba mo na!, Tapos yung mga isinusuot mo ay ang babaduy. Mukhang panlalaki, tas di mo man lang alam lagayan ng kaunting makeup iyang mukha mo. Mukha kang ewan. Ngayung nililigawan ka na ni kuya Jeiford dapat ay presentable naman ang mukha mo. Yung pwedeng ipagmalaki!" Napanganga ako ng dahil don. Okay na sana eh ang problema ay may panlalait rin lang sa dulo.

Tapos mukhang ewan daw ako. Malay ko ba sa pagmakeup makeup nayan. Basta ako ay liptint at pulbo lang ay okay na.

Ampuchi! Parang hindi ko kapated tong kaysap ko. Ikinahihiya pa ata ako!

"G-grabe kanaman saakin" napapatingin din ako sa katawan ko. Para saakin ay sakto lang naman iyon. May hubog rin namn iyon pero hindi gaya sa iba na talagang kita ang hubog. Para saakin nga ay mapayat pa ako. Pero para sakanya? The heck!

"Im just sabi the totoo sayu. You alam in panahon ngayun ay want na ng boys yung beautiful at may shape ang body. Not mataba just like ikaw!" Parang naririnig ko sa kaniya si Alvy. Ano kayang ginagawa ng gung-gung nayun.

Baka kachat si Val.!

"Isa pang conyo mo. Inginudngud kita sa tae ni Kyle!" Nanlalaki ang mga mata niya na tumingin saakin. Nakalimutan na ata kung sino si Kyle.

Unexpected Love(COMPLETED)|Under Revising.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon