CHAPTER 13

69 18 1
                                    

•√Jeiford POV√•

Sunday na pero katulad kahapon ay broken parin! Yawang buhay.!

Masakit parin ang nangyare kahapon na nadagdagan pa ng sakit ng katawan ko dahil nakipagbugbugan ako kahapon don sa pisteng foreigner na yun..

"A-Aray dahan dahan naman po" sabi ko kay manang habang iniinda ang sakit.

"Dapat kasi hindi kana nakipag away pwede mo namang agawin nalang don si Shaira saka mo itakbo hehe" tatawa tawang sabi nya habang nilalagyan ng hot compress yung mga pasa ko.

"Ngew! Paano kung nadapa ako" tumatawa na pilit ang sabi ko.

"Okay Lang na madapa ka at least hindi pasa ang inabot mo nako kang bata ka oo!" Sabi ni manang sa muling idinikit dikit sa mukha ko yung hot compress.

Ano ba naman yan manang ehh!

"A-Ako na po mang gagamot sa sarili ko, kaya ko naman po" sabi ko habang nakangiti sa kanya na nginitian nya rin saka bahagyang tumango.

Ibinigay nya saakin ang bimpo bago tuluyang dumeretso sa kusina para siguro magluto.

Idinikit dikit ko pa sa mukha ko yung hot compress ng ilang saglit bago ko naamoy yung niluluto ni manang, agad na kumulo naman ang tyan ko kaya inilipag ko na yung bimpo at dumeretso sa kusina.

Pipito pito pa ako habang papunta sa kitchen pero natigilan ako ng makitang hindi si manang ang nagluluto don kundi si Shaira.

Uhhh!! This girl lagi nalang nasa tabi ko kapag broken hearted ako... I love you Shaira as a friend!.

Humarap sya saakin ng bahagya at kitang Kita ko ang pagpipilit nya nang ngiti at palit palitan na tingin saakin at don sa stove na pinaglulutian nya.

Ang kyut nya kapag naaaligaga... Hayts Shaira... Shaira!

"Sige na maya mo na ako tignan, magluto kana dyan." Sabi ko sa kanya na agad naman nyang ginawa, ako naman ay humila ng upuan para panuodin syang magluto.

Hayts!! Kung hindi kalang tomboy!! Ah este boyish ay sobrang swerte ng mapapangasawa mo... Maganda ka at maalagain.

Hindi ko namanlayan na tapos na pala syang magluto samantalang ako ay ngingiti ngiti parin habang iniimagine yung nga pinag sasabi sabi ko.

Bahagya nyang iwinagaygay ang kamay nya at may sinasabi pero hindi ko maintindihan, bisi ako sa pagtingin sa mala Anghel nyang mukha... Ng bigla syang sumigaw!

"Jeeeeiiiiffffooorrrddd!!! Ayus kalang titig ka nag titig!! Nauulol kaba? Huwag mo sabihin saakin na epekto yan ng pagiging broken hearted mo!" Pagkasabi lang non ay saka ako napiling at bumalik sa ulirat.

Ngumiti naman ako sa kanya bago magsalita."Wala may naisip lang" savbi ko sa kanya na tinaasan nya lang ng kilay saka bumuntong hininga.

"Kumain kana... Pinagluto kita ng sopas" pagkasabi nya non ay dumeretso sya sa tapat ng ref at binuksan yun saka inilabas ang malamig na tubig bago sya dumeretso sa lababo para kumuha ng baso.

Pagkabalik nya ay nakangiwi na sya at tinaasan nanaman ako ng kilay.

"Hoyy!! Kakain ka o kakain ka" sabi nya habang itinutulak Yung sopas na nakalagay sa bowl.

Unexpected Love(COMPLETED)|Under Revising.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon