CHAPTER 27

60 19 1
                                    

•√Shaira POV√•

Iirap irap ako sa kawalan ngayun dahil si Alex ay tinataasan ako ng kilay. Kung pwede lang gawin ang gusto ko ay kanina pa natanggal yung drawing niyang kilay.

Tsh! Coloringggg bookkk ang animal!!

"Oh tinitingin tingin mo diyan?" Maarteng sabi niya ng natapos ang subject namin na pang umaga. In short ay lunch time na.

"Mauuna na ako ha? Sunod nalang kayu. Hindi kasi ako makatagal dito sa amoy ng nasusunog na plastic!" Sabi ko na pabulong kay Jeiford.

Inignore ko si Alex kahit pa nasa harapan ko lang siya. Akma na akong lalabas dahil sinabi ko na kila Jeiford na mauuna na ako dahil hindi ako makatagal sa ganitong sitwasyon ng biglang hinila niya ako pabalik.

"Kinakausap kita!" Nakataas nanaman yung drawing niyang kilay na sabi. Bumuntong hininga ako na para bang walang naririnig.

"May narinig kayung nagsalita?" Mamaang maang ko kunwaring sabi kila Alvy. Tumawa naman sila kaya yung nasa harapan ko ay inis akong hinila papunta sa mismong harapan niya.

"Are you trying to say na hindi mo ako nakikita?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago ulit nagsalita "Tignan mo nga yang itsura mo ang taba taba mo tapos tignan mo yang face mo..." Panduduro niya sa mukha ko. "Napaka oily it was like, ewww ano bang nagustuhan sayu ni Jeiford?" sabi niya kaya napangiti ako ng bahagya doon. Pero ang ngiti na iyon ay iyong peke.

Buti nga oily lang ehh! Hindi drawing na gaya ng sayu!

Hinarap ko siya at tinignan rin siya mula ulo at paa at saka ako nandidiring tumingin sa mukha niya. Sinugarado kong yung tipo ng pagkakatingin ko ay nakakainsulto.

"Matuto Kang pumikit ng hindi ka mainggit, hindi Yung lait ka ng lait eh Mas malala kapa sa panget." Mataray na sabi ko sa kaniya kaya agad na nangunot yung noo niya.

"You... You're so fucking bitch!!" Nanggigil na tili niya. Napatawa naman ako ng bahagya doon.

"Alam mo ALEXANDRA... maybe try eating makeup so you can be pretty on the inside too. Ha? Hindi yung puro nilalagay mo lang diyan sa mukha mo!" Sinangga ko siya at saka ngumisi. Siya naman ay parang hindi makapaniwalang tumingin saakin. "Tch! Tabe-" tinulak ko siya kaya napasubsub siya kay Edrix na laging nakabuntot sa kaniya.

Lumabas ako ng room ng ngingisi ngisi. Naramdaman ko nalang na nasa likod ko na yung mga tropa ko.

Napapaenglish ako don sa babaeng yun ah!

"Woah! Saan mo natutunan iyong mga iyon Shaira?? Grabe_ ang cool... Haha nakita mo yong itsura niya?? Parang dinaanan ng bagyo yung mukha. Kunot na kunot yung noo haha!!" Tatawa tawang ani ni Nick. Napapangiwi ako ng dahil doon at dumeretso nalang sa canteen ng hindi sila pinapansin.

Umupo agad ako sa table namin at hindi na nag atubiling bumili ng sariling pagkain. Wala pa akong paki sa libre ngayun ng mga gung-gung.

Nag umpisa akong kumain ng makita kong umupo sila sa harapan ko.

"Ba't di ka namamansin?" Tanong ni Ryan pero inignore ko lang iyon.

Bahala kayu diyan! Bakit kase...
Argghh!! Pinagkwekwentohan niyo yung tungkkol sa feelings ko. Ayan tuloy napa away ako ng di oras, Chee!!

Unexpected Love(COMPLETED)|Under Revising.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon