CHAPTER 45

49 5 0
                                    

•√Shaira POV√•

Nakaupo ako ngayun sa tabi ni Juris habang umiinom ng isang vodka. Naka akbay siya saakin habang nasa harap namin ang tropa niya.

"Oy Shaira! Kailan mo ba sasagutin itong si Juris!?" Ani ni Rain. Ito ang pinaka chick boy sa lahat. Parang si Alvy.

"Oo nga baka naman!" Ani naman ni Eson. Ito naman ay makulit at Parang bata. Na aalala ko sa kaniya si Nick.

"Alam niyo mga dre! Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niya pa." Ani ni Juris. Siya ang pinaka bad boy sa lahat. Womanizer for short. Pero Parang Jeiford rin. Simula nung nakilala ako at si Alex ay tumigil sa pangbabae.

Sa totoo lang namimiss ko sila. Yung dati kong tropa. Ngayun kasi ay masyado ng busy ang lahat. Si Nick ay pansamantala muna sa States para mag aral ng Veterinarian. Ngayun ngayun ko rin lang nalaman na mahilig pala siya sa hayop.

Hilig niya rin kaya si Jeiford?... Hayop kase!

"Sino ba nagsabi na ayaw ko?" pagkasabi ko non ay nandoon agad ang nagugulat at may kung anong kinang sa mga mata ni Juris.

"W-what did you say?" mutik na akong matawa sa pagkautal niya. Ngumiti ako at tumitig sa kaniya.

"Sino ba nagsaabi na ayaw ko?" ulit ko sa sinabi ko kanina. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. Alam ko na may kung anong saya ang namumuo sa dibdib niya ngayun.

"W-what?" hindi talaga makapaniwala na saad niya.

"Sino ba nagsabi na ayaw ko..." mas lalo.kong pinakadiinan ang bawat salita. Napapangiti siya habang ginagawa ko iyon.

Hinawakan ko siya sa kamay at tinignan ulit sa mga mata bago ngumiti. Napangiti rin siya dahil don.

"Sorry wala akong regalo ehh... na.... materyal, pero meron akong regalo na isang salita." Medyo naoa kunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Salita?" paglilinaw niya. Tumango naman ako.

"Wooo!"

"Birthday boy... may pasurprise ata si Misis mo!"

"Ayy anong regalo iyarn?" tanong ng isang baklang naka rinig rin pala sa usapan namin.

"Juris... ahm!" hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan na ewan!... nangangatog ang mga paa ko. Kahit pa nakaupo kami.

Magsasalita sana ako ng bigla ay tumgtug ang napakalakas na musika. Hindi naman siya rock, sweet music pa nga siya kung tutuosin at maganda sa mga oras na to. Ang problema ay masyadong malakas.

Nagulat nalang din ako ng bigla ay hilain ako patayo ni Juris at dalhin sa dance floor. Marami akong nakikitang mga mata ang nakatingin sa amin kaya nakaramdam ako ng hiya.

"Dont mind them, focus on me... instead!" hinapit niya ako sa beywang at marahang kinuha ang kamay ko at ilagay iyon sa kaniyang balikat.

Inilagay niya rin ang kamay niya sa beywang ko at unti unti kaming nagsayaw. Radam ko parin ang tingin ng nakararami.

"Juris... ang ganda dito no?" Bigla ko lang tinanong iyon kahit pa hindi ko sigurado kung narinig ba niya.

Lumapit siya saakin at halos kahibla nalang na buhok ang pagitan namin. Halos maduling pa ako sa lapit.

"Yes, dito ako pumupunta kapag badmood ako o kaya ay naboboring sa bahay... Pero mula nung makilala kita? Ngayun na lang ulit ako naka punta dito" Medyu na ngunot ang noo ko sa sinabi niya.

Unexpected Love(COMPLETED)|Under Revising.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon