CHAPTER 19

74 15 1
                                    

•√Shaira POV√•

Pagkatapos ng patimpalak don sa Miss Hellviore pagkabalik namin ay laging magkabilaan ang pag cocongrats nila saamin.

Ngayun pangalawang araw na mula nung makalipas ang pageant. Hanggang ngayun ay bati parin sila ng bati.

About sa pagpapanggap namin ni Jeiford ay parang kaswal lang na gingawa namin. Dinadagdagan lnag ng kaunting arte. Si Alex habang tumatagal ng tumatagal ay naguguluhan ako sa kanya. Minsan parang wala lang sa kanya pero minsan rin naman ay kakitaan sya ng interes sa ginagawa namin. Ewan ang gulo nya!

"Pukinang ina naman!!! Oo- talaga!" Nagulat ako ng biglang hampasin ni Alvy ang lamesa nya. Kasalukuyang lunch time ngayun pero halos lahat kami ay pare parehong walang ganang kumain kaya hindi na kami bumaba.

"Ano ba yang ginagawa mo!! Nakakagulat ka" pasinghal na sabi ko habang pinaglalaro ang mga daliri ko sa labi. Nangunot ang noo nya at bahagyang bumuntong hininga.

Inis syang nagpipindot sa selpon nya at maya maya pa ay ipinakita nya saakin yun.

Nakita ko ang isang post ng isang lalake na may hawak na bulaklak at parang inaalay dun sa babaeng nakatayo na parang natutuliro. Picture lang iyon pero ramdam ko ang reaction nung babae.

Teka nga!! Si Valery ata eto eh!

Pinakatitigan ko yung cellphone at sa tumagal ay lalo kung napagtanto na si Valery nga iyon. Kaya naman pala nagkakaganyan ang kumpare ko eh! Torpe!! Hindi pa kasi ligawan ng magka alaman na!

"Oh e' anong pinupuking ina mo dyan?? Eh sa bigyan sya ng flowers eh! Bat kasi di mo pa ligawan para hindi ka nauunahan ng iba!!" Nakangising sabi ko sa kanya. Kita ko ang bahagyang paglaki ng butas ng ilong nya gayon rin ang mga mata nya. Gandang sulukin!

"E-Eh.... E-Eh" hindi masasabi sabing ani nya.

"E-Eh etlog!!" Pasiring kong sabi sa sakanya. Tinapik nya ang braso ko dahil don. Hindi naman iyon malakas. Katamtaman lang.

"Eh kasi nga diba... Ah ewan!! Na t-torpe ako eh" napapakamot sa ulong sabi nya.

Oh e' yun naman pala!!

"Psh!! Sabihin mo saakin ang plano tutulungan kita" nakangising nagyayabang na sabi ko sa kanya saka sya kinindatan. Inilagay nya ang kamay nya sa may panga at dahan dahang itinoon ang paningin aa itaas. Sa bubung. Na animoy nag iisip ng maaring gawin.

"Sure ka bang tutulungan mo ako pag simabi ko sayu yung gusto ko?" Sabi nya na naninigurado.

"Tch!! Para sayo oo, so ano na nga? May gagawin ba tayo?"pagtatanong ko. Ngumiti naman sya ng nakakaloko.

•√Valery(Val) POV√•

Kasalokuyan parin akong kinukulit ni Vince na manliligaw daw sya. Tuloy naman ako sa pagiwas ng dahil don. Kaganina nung binigyan nya ako ng bulaklak ay di ko yun tinanggap. Alam kung marami rin ang kumuha ng litrato at sa tingin ko ay nasa social media na ang mga yon. Baka nakita narin ni Alvy! Huhu. No way!

"Please Val, gagawin ko ang lahat para mapasagut ka. Bigyan mo lang ako ng pirmiso" nagmamakaawang saad ni Vince pero aadya talagang ayaw ko. Dahil alam ko kung kanino nakalaan ang puso ko.

"Please... Please... Val, im begging you" nagmamakaawang saad nya parin. Hinarap ko sya at ganun nalang ang ngiti nya.

"Alam mo Vince. Hindi ipinagmamakaawa ang pagmamahal dahil kusa mo yung mararamdaman at kusa rin iyong ibinibigay, so please stop! May nakalaan na sa puso ko" iiling iling na sabi ko saka ipinagpatuloy ang sinasabi"... Im sorry pero hindi ikaw yun" kita ko ang lungkot at panlulumo nya dahil don.

Unexpected Love(COMPLETED)|Under Revising.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon