CHAPTER 26

67 16 1
                                    

•√Shaira POV√•

Mabilis na natapos ang kahapon kaya ito ako ngayun naghahanda na sa pagpasok.

Gaya ng dati ay isinuot ko ang uniporme ko pati narin ang ID ko. Siyempre private hindi papapasokin pag walang ID.

Andaming alam kasi!

Bumaba ako sa kusina at doon natagpuan sina Mom at Dad na kumakain.

"Anak halikana't kumain" nakangiting utos ni Mom. Kaya naman pumanhik na ako at lumapit sa kanila.

Ulam namin ngayon ay Adobo at Steak. Nakapanhik din naman si Manang doon sa lamesa. Kinuhanan niya ako ng plato at sinandukan din.

"Kamusta ang pag aaral?" Tanong ni Dad Kaya sumagot ako kaagad.

"Minsan po mahirap but im trying my best naman po para malagpasan iyon" nakangiting usal ko. Sumubo ako at saktong pagsubo ko ay siya namang pagbaba ni Shaina. Nakauniform narin siya kaya alam kong kakain nalang din siya katulad ko.

Dumeretso siya sa harapan ko at don sumalampak ng upo.

Tsk! Kababaing tao ganyan gumalaw!

Sabagay magaslaw rin naman ako noon. Nagtuloy ako sa pagkain ng magsalita naman si Mom. Si Shaina ay nag umpisa naring kumain.

"Kamusta naman kayu ni Jeiford?" Tanong niya. Halos sabay pa kaming masamid ni Shaina kaya binigyan kami ni Manang ng tubig.

"Mmm? Bakit anong nangyare? Ginagawa niyo kase eh ayan tuloy nasamid pa kayu!" Sabi ni Mom na kumuha rin ng sariling tubig at ininom iyon.

Sabay pa kaming umiling ni Shaina at sabay ring nagkatinginan sa isat isa.

"O-okay namn po" wala pa akong lakas ng loob na sabihin sa kanila ang totoo kahit pa alam kung matutuwa sila. Botong boto kay Jeiford eh.

"Hmm" tumango tango si Dad "Hanggang kailan niyo balak magpanggap?" Dahil don ay napatingin ako sa kaniya.

"H-Hindi ko po alam" pagkasabi ko non ay nilaghok ni Dad ang natitirang juice sa baso.

"Wala naman bang nakakahalata sa inyo?" Tanong niya ulit kaya kailangan ko ulit sumagot. Mausisa si Dad ngayun.

"W-wala naman po... Siguro?" Pagkasabi ko non ay napatingin siya saakin.

"Anak... May tiwala naman ako kay Jeiford pero sana ngayun alam niyo ang limitations niyo." Sabi ni Dad kaya nagtataka akong linongon ito.

Wala naman kaming ginagawang masama ah? Meron ba? Kailan? Saan?

"Kaya nga anak..." Sumbat naman ni Mom. Alam kong hindi lang ako ang naguguluhan dahil pati si Shaina ay palipat lipat ng tingin kila Dad at Mom.

Bumuntong hininga silang dalawa at saka tumingin saaming dalawa. Wala namang makikitang galit doon kaya nakampante kami.

"Anak... Iyong paglabas labas niyo ay gawain lang iyon ng magkarelasyon.... Yung TOTOONG magkarelasyon." Sabi ni Dad kaya napalunok ako.

"Kaya nga anak, alam naming malaki kana pero yung labas labas? Hinde eh! Parang hindi valid yung reason na nagpapanggap kayu.... Ginagabi pa kayu ng uwi" alam kong nag aalala sila saakin kaya hindi ko sila masisisi.

Unexpected Love(COMPLETED)|Under Revising.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon