CHAPTER 52

55 5 0
                                    

•√Shaira POV√•

Bumangon ako ng napakasakit ng ulo. Pagmulat ko ay parang umiikot ang buong kwarto ko. Inalog alog ko ng kaunti ang ulo ko para maging malinaw ang buong paligid kaso mas lalo lang akong nahilo.

Nagulat nalang ako ng bigla ay may kumatok sa kwarto ko. Pag ka tingin ko ay walang iba kundi si Shaina the panget. Nakataas ang kilay at naka cross ang mga kamay.

Akala mo naman superior tss!

Tinaasan ko din siya ng kilay pero irap lang ang inabot ko. Lumapit siya saakin at kinaltukan ako. Napaungot ako dahil sa ginawa niya.

"Nahihilo na nga ako mambabatok ka pa. Putangna mo!" Binatukan ko rin siya pero kingina nakaiwas ang baliw.

*Ayan inom pa. Napapala mo, buti pinuntahan ka ni kuya Jeiford kung hindi ay susmeyo marimar nakakademunyo ka ate" pagkatapos niyang sabihin yun ay inirapan niya pa ako.

Ang sarap sundutin ng mata mo kingina mo talaga sana di ka pa mamatay!

Pero medyo nag loading ang isip ko ng marinig ang pangalang Jeiford. Ang alam ko ay hindi si Jeiford ang kasama ko kagabi. Ni hindi ko nga rin alam kung sino yun eh.

Napatulala nalang ako nang mapagtantong baka si Jeiford nga yun.

Pilit kong inalala ang mga nangyare kagabi. Ang alam ko ay kumanta ako sa stage at may dumating. Hindi pwedeng si Jeiford yun. Mag wawala ako pag siya yun. Kahiya!

Tumingin ako kay Shaina ng seryuso. Tinaasan nanaman niya ako ng kilay. Napaka attitude talaga.

"Oh ano nanaman?!" Tanong niya.

*Wag ka nga high blood magtatanong lang naman ako eh!... So ayun na nga diba sabi mo si Jeiford?... Pinuntahan ako? Gagu legit yun?" Medyu nanlalaki na ang mga matang tanong ko sa kaniya. Napakamot din siya sa ulo niya at tinignan ako gamit ang naniningkit na mga mata niya

"So... Di mo alam na si Kuya Jei ang kasama mo kagabi? Apakatanga mo naman" binatukan niya nanaman ako. Syempre dahil medyu hilo hilo pa at medyu sabog ay di ako na ka iwas.

*Ano ba!! Tama na nga ang pagbatok mad lalo akong nahihilo eh" lumayo ako sa kaniya pero dinilaan niya lang ako.

Sarap hilain kingina! Kung di lang kita talaga kapatid!

*So seryuso? Di mo alam na si kuya Jei ang kasama mo kagabi?"

"Malamang hindi... Magtatanong ba ako kung alam ko?" Muntik ko na siyang kaltukan buti nalang at malayo na ako sa kaniya.

"Malay ko ba kung nagsisinungaling ka lang dzuh!!" Umirap nanaman siya. Unti nalamg kakaltokan ko to ng ultra mega super duper lakas.

Nakakailan na kanina pa kingina!

Humiga ulit ako at pinilit isipin ang mga nangyare kagabi. Naalala ko na sinakay ako sa kotse.

Tapos kinausap ko yung kasama ko which is si Jeiford nga daw. Juskoo!!!

Ang alam kong topic ko dun ay tunggkol sa kaniya ewan ko nalang kung ano ang mga pinagsasabi sabi ko dun.

Halos sabay pa kaming napatingin ni Shaina ng bigla ay bumukas to. Nakita namin si Mom na nakangiti at may dalang bulaklak.

Nagkatinginan naman kami ni Shaina. Nagtataka.

May manliligaw na kaya si Shaina? Di manlang sinabi!.. ang sama!

Kinaltukan ko ang kapatid ko dahil may nanliligaw na di man lang sinabi saakin. Napakunot siya sa ginawa ko at binawian ulit ako. Buti nalang at nakailag ako.

Unexpected Love(COMPLETED)|Under Revising.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon