CHAPTER 44

39 5 0
                                    

One month later...

•√Shaira POV√•

Mahigit isang buwan na mula nung nag break kami ni Jeiford. Mag iisang buwan narin na nililigawan ako ni Juris. Yes! Ni Juris.

Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana dahil mula nung mabundol ko siya ay nagtuloy tuloy na ang hindi sinasadyang pagkikita namin. Hanggang sa naging magkaibigan kami at umabot sa paklahulog niya saakin. Hindi ko rin alam kung nahulog rin ba ako sa kaniya.

Ang alam kolang ay hindi pa niya nahihigitan si Jeiford. Sa ngayun. Hindi ko alam sa mga susunod na araw. Mabait siya.

Nararamdaman ko rin na kumportable kami sa isat isa sa twing magkasama. Sina Alex at Edrix naman ay masayang namumuhay na.

Paminsan minsan ay nag aaya silang mag bar at sumasama naman ako kasama si Juris.

Sa loob ng isnag buwan ay paulit ulit na ganon ang routine ng buhay ko.

HABANG kumakain ay nagpop ang selpon ko. Binasa ko iyon.

[Hey! Punta ka ba sa birthday ko?]

Halla! Nakalimutan ko. Birthday nga pala ngayun ni Juris. Wala pa akong regalo.

Napaisip ako sa ireregalo. Pero wala talagang pumapasol sa isipan ko. Nireplyan ko siya.

[Yes i will...]

Sasabihin ko sana na wala akong regalo pero wag nalang. Pupunta nalang ako sa mall para makatingin ng kung ano ang magustuhan ko.

[Okay! See you. Pretty girl😊]

Napapailing nalang ako dahil wala talaga kong maisip na regalo.

Gaya ng sinabi ko ay nagmadali akong pumunta ng banyo at naligo ng panandalian dahil naligo naman na ako kaninang umaga.

Pagkalabas ko ay naghalungkat agad ako sa drawer ko. Ewan ko ba kung bakit ako nagmamadali.

Nagsuot ako ng tshirt at leggings at naglagay ng kaunting pabango. Lumabas ako ng bahay at agad na inilabas sa garahe ang sasakyan ko.

MAY ilang minuto ko rin na pinainit ang sasakyan ko bago ako nagdrive papunta sa mall.

Tulad ng inaasahan ko ay magkakabilaan ang tao na nasa loob. Dumeretso ako sa mga relos at naghanap ng kulay silver.

Nauna akong pumunta sa unang bahagi ng store pero wala akong nakita kaya dumeretso ako sa panglawa pero wala pa din Kaya nagderederetsu na ako kung saan ako dalhin ng paa ko.

Lumipas ang halos ilang oras ako sa loob ng store ng walang natitipuhan. May nakikita namana kong maganda pero kapag naiisip ko na. Na nakasuot sa kaniya ay para bang pumapangit nanaman sa paningin ko.

Feel ko hindi niya magugustuhan.

Ano ng regalo ko?

Pumunta ako sa bilihian ng damit at tumingin tingin don baka sakaling may matipuhan ako na babagay sa kaniya.

Halos libutin ko ang buong store pero wala akong nakita na babagay sa kaniya. Maraming magaganda oo pero parang hindi bagay sa kaniya.

Dumeretso naman ako sa jewelry store at nagtingin tingin don. Sa paglalakad ko ay hindi ko alam kung bakit napako ang tingin ko sa isang kwintas para bang familiar.

Ewan ko kung saan ko nakita. Puso iyon na biyak. Couple siya to be exact. Biyak siya dahil nasa isa ang kapares.

Saan ko ba to nakita? Sa...

Pati ako ay napatigil mismo sa naisip ko. Parang biglang bumalik lahat ng ala ala ko. Yung oras na iregalo niya saakin iyon.

Hindi ito ang eksaktong kwintas pero malaki ang pagkakahalintulad sa kwintas ko at ng kay...J... Jeiford!

"Gusto niyo po ba yan Maam?" Tanong ng sa tingin ko ay sales lady. Napailing nalang ako at kasabay non ay ang paghapdi ng itaas na bahagi ng ilong ko at ang unti unting paglabo ng mata ko.

Napatalikod pa akos a sales lady at yumuko bago nag punas ng luhang nagbabafya ng tumulo. Napasinghap pa ako ng hangin matapos non.

Tama na! Shaira! Matagal na yun. One month narin ang lumipas kaya Mag move on kana... Tama na ang pagtitiwala na babalik pa siya. Tama na ang pag iisip na may pag asa pa na maitama ang lahat. Tama na ang pagmamahal mo sa taong sinaktan ka na!

Dahil sa naiisip ko ay mabilis akong lumabas ng mall at dumeretso sa kotse ko. Halos kasunod lang ng pagsakay ko ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Dahil don ay mas lalo kong naramdam ang pag iisa ko. Para bang yung panahon na nag break kami. Na natapos kami.

Shaira... Tama na! It's very too much!...
Don't trust too much, dont love too much, dont hope too much... Because that 'too much' can hurt you so much!

Alam ko iyon dahil naranasan ko na. Galing na ako sa sitwasyon na iyon. Nagtiwala ako ng matindi na babalik pa siya. Minahal ko rin siya ng subra. Umasa rin ako na babalik kami sa dati. Pero lahat ng yun ako kang ata ang may gusto.

DAHIL sa pag iyak ko ay nakalimutan ko na hindi nga pala ako nakabili ng reagalo ko. Umuulan pa naman at wala din akong dalang payong kaya kapag lalabas ako ay mababasa ako. Wala na akong maisip na paraan. Para makabili.

Unless, may kaisa isang regalo na alam kong magiging isang napakahalaga ang magiging epekto sa kaniya.

Hindi iyon bagay at hindi rin pwedw mang galing sa iba. Tanging saakin lang dapat manggalin. Dahil ako lang nililigawan niya.

Ang sagutin ko siya... Tama!

Para tuluyan na akong maka move on aky Jeiford ay gagawin ko to. Hindi ko masasabi na magiging panakip butas lang siya dahil sisiguraduhin ko sa sarili ko na magugustuhan ko siya. Na magiging masaya kami.

Napapangiti nalang ako sa isip at nag umpisang mag drive pa punta ng bahay.

Lumipas ang buong maghapon at gabi na. Oras na rin ng party niya. Gabi kasi gaganapin at sa isang resort gaganapin. Hindi naman kalayuan iyon kaya hindi na ako nagpasundo.

Besides birthday niya ngayun kaya di dapat ako mag pa importante.

Nagsuot ako ng isang black cocktail dress at nagsuot din ng pumps. Na nasisiguro kong kaya ko namang ilakad ng hindi natatapilok.

Humarap ako sa salamin at ngumiti ng may saya.

Nagpaalam ako kila Mom at Dad pati narin kay Shaina bago umalis ng bahay at dumeretso sa isang resort.

Pagkarating ko don ay alam kong malaking party ang nagagano sa loob dahil maingay at kung kani kanino ang sasakyan na nakikita ko. Alam ko naman na inarkila nila ang buong resort ng isang gabi kaya kakilala lang ni Juris ang pwedeng pumunta.

"Kaya mo yannn!!!!" Pumasok ako sa loob at agad na nasilaw ng kung ano anong ilaw.

To be continued....💖

𝓣𝓱𝓪𝓷𝓴𝓼 𝓯𝓸𝓻 𝓻𝓮𝓪𝓭𝓲𝓷𝓰 𝓽𝓱𝓲𝓼🌻
-𝓛𝓸𝓿𝓮𝓵𝓸𝓽𝓼🌻🌻

𝑻𝒉𝒊𝒔 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚 𝒊𝒔 𝑼𝑵𝑬𝑫𝑰𝑻𝑬𝑫. 𝑰𝒕 𝒎𝒊𝒈𝒉𝒕 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒕𝒚𝒑𝒐𝒈𝒓𝒂𝒑𝒉𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒂𝒏𝒅 𝒈𝒓𝒂𝒎𝒂𝒕𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒆𝒓𝒓𝒐𝒓𝒔. 𝑷𝒍𝒆𝒂𝒔𝒆 𝒃𝒆𝒂𝒓 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒎𝒆. 𝑰'𝒍𝒍 𝒈𝒆𝒕 𝒃𝒂𝒄𝒌 𝒕𝒐 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒖𝒏𝒕𝒊𝒍 𝒊 𝒇𝒊𝒏𝒊𝒔𝒉 𝒕𝒉𝒆 𝒘𝒉𝒐𝒍𝒆 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚...😘

𝔽𝕣𝕠𝕞: 𝔸𝕐𝔸 ~ 𝘼𝙨𝙠_𝘆𝙤𝙜𝙞𝙧𝙡_𝗮𝙗𝙤𝙪𝙩𝙢𝙚.😶

Unexpected Love(COMPLETED)|Under Revising.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon