CHAPTER 43

41 5 0
                                    

•√Shaira POV√•

Tawa dito tawa doon ang ginagawa namin ngayun ni Alex. Hindi ko alam kung paano at gaano kabilis ko siyang naging ka close ulit.

Hindi ko man aminin ay alam ko na unti unti ko nanaman siyang napapatawad. Kahit na kasama namin ang boyfriend niya(daw) ay hindi ko naramdaman na sampitaw lang.

Mas nakadikit pa nga saakin si Alex kaysa kay Edrix. Si Edrix naman ay bigay lang ng bigay ng pera.

"So? Kamusta naman kayu ni Jeiford? Hindi ko pa siya nakikita... If im not mistaken nasa London siya? Right?" Sa unang pagkakataon ay nagdalita si Edrix na sana ay di nya nalang ginawa.

Ramdam ko na natigilan ako at napahinto sa paglalakad kaya napahinto rin sila. Nagtataka naman ang tingin ni Alex habang si Edrix ay parang nalilito ang mukha.

"Did I say something bad?" Nagtatanong ang mukha na sabi niya. Umiling ako ng kaunti at pilit na ngumiti.

Wala pang nakaka alam....

"Shaira? Are you okay?" Hindi ko alam kung tama ang dinig ko pero ramdam ko sa boses ni Alex ang pag aalala. Siguro nga ay naka move on na talaga siya at nagpanibagong buhay na.

Wala man lang akong mahinuha sa mukha niya na kahit anong pait ng nakaraan. Fresh na fresh siya kung titignan at yung dating mukhang coloring book na panda ay naging light nalng ngayun.

"Okay lang ako. Tara na!" Pilit kong pinasigla ang boses ko kahit na sa loob ko ay nagdadalamhati nanaman ang puso ko at alam kong parang nahahati nanaman ito sa pira piraso.

"So? Kamusta nga ulit kayu ni Jeiford?" Tanong nanaman ni Edrix. Naiipikit ko na lang ng madiin ang mga mata ko sa pagpipigil na lumuha perp bigo ako.

Nataranta naman agad si Alex at agad na kumuha ng tissue paper sa bag niya at agad na iniabot saakin.

"Hey Shaira? You sure? Your okay?" Tumigil kami sa paglalakad at umupo sa isang gilid ng Mall.

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa kanilang dalawa. Naguguluhan naman silang tumingin tin sa isat isa.

"Alagaan niyo ang relationship niyo ha?" Nang dahil don ay mas lalo silang nalito at nangangapa sa nangyayare. Ewan ko nga rin kung saan nang gagaling ang mga pinagsasabi ko.

"Hindi ka okay eh! Tell us, may nangyare ba sainyu ni Jeiford?" Tanong ni Alex na kinurot pa ng bahagya ang nobyo. "Ito kasi eh, walang filter ang bunganga!"

Hindi ko alam kung hanada na ba akong mag open sa kanila. Pero baka nga makakatulong iyon para mas mapadali ang paghihirap ko na ito.

"Hmm, nung una ay nawawalan lang kami ng oras sa isat isa dahil sa trabaho.. pero isang araw wala na! As in wala. Walng tawag maski isang text na galing sa kaniya. Tapos nung tinawagan ko naman ay babae ang sumagot at sinabing huwag ko daw silang isturbohin... Then, ambilis ng pangyayare. Nagalit ako sa kaniya. Nakipag hiwalaya ako" pinunasan ko pa ng bahagya ang pisnge ko dahil may kung anong likido nanaman ang nandoon at umaagaos iyon papunta sa baba ko.

"W-wala na kami... Break na!" Pagkasabi ko non ay hindi ko napigilan ang paghagulhul kaya napayakap nalang saakin si Alex at hinagod ang likod ko hanggang sa tumahan ako.

Kahit papaano ay nagpapasalamat ako dahil kahit na ilang beses na kaming nag away ay nandito siya ngayun at nasasandalan ko. Hindi ko inasahan na ganito ang magiging eksesna ko ngayun.

Ang alam ko ay magsasaya kami at kakalimutan panadalian ang sakit na dulot ni Jeiford pero ngayjn ay mukhang naiba naman.

Ngayun ay pinag uusapan namin siya at worst ay yung maselan na bahagi pa.

Pinilit kong tumayo at hinila si Alex para tumayo rin. Sa pagkakahila ko sa kaniya ay nabitawan ko siya dahil may pinipindot pa siya sa selpon niya.

Hindi ko namalayan na may tao pala sa likodan. Nabundol ko siya kaya napahinto ang mga kasama niya. Grupo sila ng mga basketball team sa pagkakaalam ko dahil ang mga suot nila ay uniform ng basket at may kung ano ano pang number.

Yung nabundol ko ay napatingin saakin at nginitian lang ako.

"Be careful next time miss! Lets go team... Kaulangan pa nating bumili ng bola..." Pagbaling niya sa mga kasamahan at bumaling you saakin. "By the way my name is Juris nice meeting you..." Ngumiti ulit siya. Nakaktunaw ang ngiti niya sa totoo lang.

Bumagay iyon sa mga mata niyang parang kumikinang papunta sa matangos at mapula pula niyang labi na naternohan ng tamang haba ng baba. Masasabi kong perpekto ang pagkakahubog ng mukha niya.

Ngumiti lang rin ako sa kaniya at nag "Sorry..." Nag wave pa siya ng umalis at saka ako bumaling kina Alex.

Si Alex ay halos sama ang ulo dahil talagang tinignan niya hanggang paalis. Natigil lang iyon ng ibalik ng kamay ni Edrix ang mukha ni Alex sa mukha niya.

"Didn't i tell you? Your eyes.... ALEXANDRA! On-ly mine... Okay!" Natatawa na lang ako sa hitsura nila.

Jeiford? Jeiford? Magagawa mo kaya ang ganiyang ka sweet?

Nauna akong maglakad kaya kahit na hindi pa tapos ang bebetime nila ay sumonod sila saakin. Gaya ng usapan ay namili kami ng kung ano anong damit at kolorete sa mukha.

Bumili ako ng ilang contact lense dahil nagugustuhan ko iyong mga kulay niya. Ang mata ko ay natural na light brown ang kulay kaya naiiba talaga siya kapag nakatingin ka sa iba at saakin.

Bago matapos ang pamimili namin ay nag ailoveyuhan pa yung dalawa kaya napasimangot nlang ako na napunta sa mga laruan.

Ni hindi ko nga alam kung paano ako napunta doon. Nakita ko don ang mga laroang pambata. Napapangiti nalang ako sa di malamang dahilan habang hinahawakan ang mga laruan. Mahilig kasi talaga ako sa baby.

Nang medyo tumagal ako ron na parang tangang nakangiti ay bumalik ako sa kung saan sila Alex kanina. Nandoon pa naman sila pero hindi na nag lalampungan.

Mabilis na lumpias ang oras kaya ng makalabas kami roon inihatid na nila ako sa bahay.

Papatuluyin ko pa sana sila pero tumanggi sila at sinabing uuwi na lang. Bago umuwi ay kinausap ako ni Alex

"Ahmm... Again Shaira, sorry sa lahat ng nagawa ko. Nagawa ko lang iyon dahil sa kabaliwan ko kay Jeiford. Pero ngayun napagtanto ko na meron isang taong naghihintay saakin ay natutunan kong mag move on.. Shaira!! Patawad!" Ramdam ko ang sinsredad dokn kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Okay lang, naiintindihan kita... Hehe! Pinapatawad na kita Alex.." parehas kaming napangiti ng sabihin ko iyon.

To be continued....💖

𝓣𝓱𝓪𝓷𝓴𝓼 𝓯𝓸𝓻 𝓻𝓮𝓪𝓭𝓲𝓷𝓰 𝓽𝓱𝓲𝓼🌻
-𝓛𝓸𝓿𝓮𝓵𝓸𝓽𝓼🌻🌻

𝑻𝒉𝒊𝒔 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚 𝒊𝒔 𝑼𝑵𝑬𝑫𝑰𝑻𝑬𝑫. 𝑰𝒕 𝒎𝒊𝒈𝒉𝒕 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒕𝒚𝒑𝒐𝒈𝒓𝒂𝒑𝒉𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒂𝒏𝒅 𝒈𝒓𝒂𝒎𝒂𝒕𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒆𝒓𝒓𝒐𝒓𝒔. 𝑷𝒍𝒆𝒂𝒔𝒆 𝒃𝒆𝒂𝒓 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒎𝒆. 𝑰'𝒍𝒍 𝒈𝒆𝒕 𝒃𝒂𝒄𝒌 𝒕𝒐 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒖𝒏𝒕𝒊𝒍 𝒊 𝒇𝒊𝒏𝒊𝒔𝒉 𝒕𝒉𝒆 𝒘𝒉𝒐𝒍𝒆 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚...😘

𝔽𝕣𝕠𝕞: 𝔸𝕐𝔸 ~ 𝘼𝙨𝙠_𝘆𝙤𝙜𝙞𝙧𝙡_𝗮𝙗𝙤𝙪𝙩𝙢𝙚.😶

Unexpected Love(COMPLETED)|Under Revising.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon