Chapter 5

1 2 6
                                    

Chapter 5

First date

Nalibot ko na 'tong lugar na 'to hindi ko parin siya makita. Sayang lang effort ko mag ayos, pagpapawisan rin lang naman pala ako.

Naka upo na ako ngayon sa bench. Triny kong tawagan siya.

"H-hello!" Bungad ko ng sagutin niya.
"Nasaan ka na?" Tanong ko.

"Nasa likod mo." Sagot niya. Dahan dahan akong luminho at nakita ko siyang prenteng nakasandal sa may puno sa hindi kalayuan.

"Kanina pa kita nakita, nilagpasan mo lang ako." Kanina niya pa pala ako nakita hindi niya man lang ako nilapitan.

Hay, Nia, relax kalang. Hindi mo siya pwedeng sapakin, marami ka nang atraso sakanya.

"Tara na?" Anyaya niya. Ha? Saan kami pupunta? Pa'no kung dalhin niya ako sa motel? Tapos pagsamatalahan niya ako. Tapos mabubuntis ako. Tapos sasabihin niya hindi siya ang ama. Tapos iiwan niya-

"Hoy, Nia." Natauhan ako ng kumaway siya sa harapan ko.

"Anong sinabi mo?" Pagtataray ko para hindi niya mahalata na lutang ako kanina.

"Wala, sabi ko tara na!" Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.

"Nia, may tiwala ka sa'kin." Nag aalangan akong tumango.

"May tiwala ka naman pala. Eh 'di tara na?"
Tinanggap ko nalang 'yung kamay niya.

"I'll take that as a yes!" Saad niya at hinila ako. Hinayaan ko nalang siya kung saan niya ko dalhin. Hindi ko naman kasi kabisado ang mga lugar dito. Taong bahay kasi ako.

Huminto kami sa isang kainan na 24 hours bukas. Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na 'to. Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ako gala na tao.

Sa bankateng dulo kami umupo. Marami rami ring taong mga kumakain dito.

Maya maya pa dumating 'yung waitress para kunin ang order namin.

"Ate isa pong lomi," sabi ni Patricio dun sa waitress. "Ikaw anong sayo?" Tanong niya sa'kin.

"Lomi din, with egg." Nilista nung waitress 'yung order namin tsaka umalis.

"Pasensya kana hindi sa restaurant ang first date natin. Alam mo naman hindi afford ng bugdet." Natawa ako ng bahagya.

"Okay lang 'yon. 'Tsaka, anong tingin mo sa'kin. Sosyalers?" Umiling lang siya at tumawa. Ayos lang naman sa'kin kahit saan. 'Tsaka ang ganda nga ng ambience dito eh.

"Sandali lang, kuha lang ako ng tubig." Pag alis niya ay sakto namang pagdating ng order namin.

"Ang gwapo po ng boyfriend mo Miss." Nagulat ako ng magsalita 'yung waitress. Hindi siya 'yung babaeng kumuha ng order namin. At sa tingin ko ka edad lang namin siya. "Tingin palang alam mong seryoso na. Kaya 'wag mo na po siyang pakawalan. Bihira nalang ang mga katulad niya sa panahon ngayon." Napa amang ako at hindi ko namalayan na naka alis na siya.

"Anong sinabi nung waitress sa'yo? Nakita ko kayong nag uusap kanina ah." Tanong ni Patricio habang binibigay ko 'yung kalamasi sakanya.

"Wala, sabi niya gwapo ka." Hindi ko sinabi 'yung boyfriend. Baka lumaki ulo nitong mokong na 'to.

"Weh, sinabi niya 'yon?" Tumango nalang ako. Parang hindi naman kasi 'to kunbinsido. Tumawa siya na parang hindi siya naniniwala na 'yung waitress 'yung nagsabi nun.

"Teka, ilang sabado pala?" Nagtataka siyang tumingin sa'kin. Parang hindi na gets 'yung sinabi ko.

"Ahh, ewan? Depende?"

"Anong depende? Ikaw naka isip nito dapat alam mo?" Hindi niya man lang inisip kung ilang sabado magiging date namin. Hindi man lang siya nag isip kagabi. Teka, bakit ang big deal naman sa'kun nun?

"Ganito nalang, hanap nalang tayo mg sign." Suhestyon niya.

"May tayo?" Bulong ko. Pero parang hindi niya naman narinig.

"Sir, ito na po 'yung softdrinks niyo." Ngingiyting nilapag nung waitress 'yung softdrinks. Nagtataka lang siyang tinignan ni Patricio.

"Teka miss, hindi naman ako nag order niyan." Ha? Hindi siya nag order pero binibigyan niya kami?

"Ah, promo po 'yan sa mga mag jo-jowa." Saad nung waitress parang kinikilig pa.

"Ah miss, anong pangalan mo?"
May naisip kasi akong ideya.

"Jane po." Sagot niya. Kinakabahang sagot niya. Parang natatakot pa nga siya.

"Jane, bigay ka number." Nakamasid lang sa'min si Patricio. Nagtataka sa ginagawa ko.

"B-bakit po?" Kinakabahan niyang tanong. Hala, bakit siya kinakabahan? Ako lang naman 'yung kausap niya ah.

"Basta bigay ka lang." Napansin ko 'yung buhok niyang kulot na bagay naman sakanya. Ang cute nung buhok niya. Huhu. Gusto ko narin tuloy maging kulot.

"Five po." Sagot niya.

"Ah sige, salamat." Nginitian ko siya para mawala 'yung kaba niya. Nanginginig pa kasi 'yung kamay niya. Nang umalis na siya nagsalita na si Patricio.

"Para saan 'yun?" Nagtatakang tanong niya.

"Limang sabado." Proud kong saad.

"Limang sabado? Ibig sabihin limang sabado tayong mag de-date?" Tumango ako.

"Ah sige, pero kada date natin may lima rin tayong picture." 5×5= 25. Ibig sabihin makaka ipon kami ng 25 pictures.

"Ano? Deal?"

"Deal." Saad ko. "Pero hindi lang dapat ikaw ang may kondisyon." Tinawanan niya ko.

"Kondisyon? Wala naman akong sakit ah." Pilosopo niyang sabi. Inirapan ko lang siya.

"Hindi kasi 'yan ang tinutukoy ko." Humigop siya ng sabaw ng lomi.
"Ito ang kondisyon ko. 'Wag mo na akong kaka usapin sa school."
Natigilan siya.

"Hindi ko kaya 'yan."

"Kaya mo 'yan ikaw pa."

"Hindi ko kaya. Ayoko." Huminga ako ng malalim.

"Sige kapag kinausap mo 'ko. Hindi na aabot ng lima 'tong date na 'to." Pangbablack mail ko.

"Hindi ko kaya." Seryosong saad niya.

"Ganito nalang. Kausapin mo lang ako kapag may importante kang sasabihin sa'kin." Suhestiyon ko. Hindi parin siya kumibo.

"Bakit wala bang kwenta mga sinasabi ko?" Nagbago ang tuno ng pananalita niya. Parang may halong pait.

"Hindi naman sa ganon-"

"Sige hindi na kita kakausapin sa school. 'Yun naman gusto mo di ba?" Hindi ko na natapos sasabihin ko kasi inunahan niya na 'ko. Napaka moody talaga niyong lalaking 'to.

Walang nagsasalita sa'ming dalawa. Hanggang matapos kami sa pagkain. Hindi parin siya kumibo.

Hayy, Patricio. Ginugulo mo buhay ko!

***
Authors note:

Wahhhhhhh.. hindi 'to ang original na chapter 5 nadelete ko kasi huhu. Hindi ako ma satisfy dito. Wahhhhh. Naiinis ako ba't kasi na delete huhuhu. Buti nalang at naalala ko pa 'yong iba. Huhu. Hindi talaga ako makontento dito ehhh. ~T_T~
Bawi nalang ako next Chapter huhu.

Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]Where stories live. Discover now