Chapter 20

0 1 0
                                    

Chapter 20

Not now

"Kailan mo ba sasagutin si Tan?" Nagulat ako ng biglang magtanong si Maisy.
Medyo may pagtataray pa siya ngayon.

"H-hindi ko alam," sagot ko at nginuya 'yung kinakain kong burger.

"Anong hindi mo alam? Eh, tatlong buwan na kayang nanliligaw 'yung tao. Kung wala ka rin palang balak na sagutin, edi bastedin mo. Hindi 'yung pinapaasa mo lang 'yung tao." Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya.

Kailan pa 'ko nito pinakialaman?

"Nakikialam ka ba?! Bakit mo kinukwestyon desisyon ko?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sigawan siya. Walang paki alaman dito e.

"Masyado ka kasing nagmamaganda! Tinatanong lang naman kita kung kailan mo sasagutin 'yung tao. Alam mo, 'di ko alam kung anong nagustuhan ni Tan sa'yo. Ang pangit ng ugali mo?!" Napatayo ako. Nagkaagaw na rin ng atensyon ang sagutan namin dito sa room.

"Oh ano ngayon kung pangit ugali ko? Dapat ba na ikaw nalang 'yung niligawan niya total maganda naman ugali mo, 'di ba?!" Kulang nalang magsabunutan kami dito. Nangangalaiti na siya sa galit.

"Wala akong sinabi?!"

"Ano ba?!" Nagulat kami pareho ng si Veronica naman ang sumigaw.

"Hindi ba kayo titigil, ah?! This is so nonsense! Para kayong mga bata?!" Napaiwas ako ng tingin.

"Hindi naman ako nagsimula—"

"Wala akong pake kung sino nagsimula?! Ang mahalaga dito ay mag ayos kayo, kasi 'di na kayo mga bata para mag away para sa walang kwentang bagay!" Napayuko lang ako.

Hindi naman kasi talaga ako ang nagsimula, nadala lang ako sa damdamin ko.

"Eh, 'yan kasing babaeng 'yan. Tinatanong ko lang naman kung kailan sasagutin 'yung pinsan mo, kung ano-ano ng sinabi. Concern lang naman ako dun sa tao. Kasi 'di ba, nakikita naman natin 'yung mga efforts niya. Tsaka tatlong buwan narin siyang nililigawan, bakit hindi niya pa sagutin 'di ba. Gusto naman nila ang isa't- isa. O baka naman kasi mayroon pang ibang hinihintay kaya hindi niya magawang sagutin si Tan?!" Humigpit ang pagkakayukom ng kamao ko. Kunti nalang ang pasensya ko kaya 'wag niya ng sagarin pa.

"Tama na—"

"Totoo naman ang mga sinabi ko?! Umaasa ka parin kay Gabe, kahit alam mong nililigawan ka na ni Tan?! Napaka iresponsable mong babae! May manliligaw ka tapos sumasama ka sa ibang lalaki?!"

"Tapos ka na ba?" Inangat ko ang paningin ko sakanya. "Wala kang alam! Kaya 'wag mo kong pagsalitaan ng ganyan? At sino ka ba para magdesisyon para sa'kin?"

Pinunas ko ang luha na pumatak na pala ng hindi ko namamalayan.
Sobrang sikip narin ng dibdib ko.

"Masyado kang pakialamera, kaya walang nagkakagusto sa'yo?!" Huling saad ko bago umalis sa room.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Halos madapa na 'ko kakatakbo.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi naman ito 'yung unang beses na nag- away kami. Pero ito na siguro 'yung pinakamalala. Personalan kasi.

Napadpad ako sa paborito naming tambayan sa ilalim ng malaking puno ng mangga na may mga lamesa't upuan.
Umupo ako sa paborito naming spot, wala akong pakialam kung madumi man ang lamesa basta nakasubsob ang mukha ko. Tahimik lang akong umiyak.

Ang sakit lang kasi ng mga sinabi sa'kin ni Maisy. Oo nga't lagi kaming magkasama ni Gabe, may dahilan naman 'yon. Tsaka kasama rin si Patricio kapag umaalis kami ni Gabe. At tsaka ayaw ko pang sagutin si Patricio kasi hindi pa 'ko handa at feeling ko hindi ako magiging responsableng girlfriend dahil ang dami kong ginagawa. Pakiramdam ko kapag nawalan ako ng oras sakanya iiwan niya 'ko.

Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]Where stories live. Discover now