Chapter 8
Psstt
Hays, Lunes na naman ang kina iinisang araw ng mga estudyanteng katulad ko.
Papasok na naman kasi sa school. Nakakatamad.
Tulad ngayon. Para akong zombie na naglalakad papasok sa gate.
At kung minamalas ka ng naman.
Mukha pa ni Patricio ang bumungad sa'kin pag pasok ko sa gate.
Naka upo siya sa monoblock sa may guard house. Kinakausap niya 'ying guard.Hindi naman siguro halatang close sila 'di ba? Naghahalakhakan pa na parang bukas, hindi talaga sila close.
"Kuya, anong gagawin mo kung dumaan 'yung crush mo?" Narinig kong tanong ni Patricio kay kuya guard. Binagalan ko ang lakad ko para marinig ang sagot ni kuya guard.
"Sisitsitan ko! Hahahaha!" Malakas na tumawa si kuya guard.
'Psstt'
Napalingon ako sakanila ng marinig kong may sumitsit.
Pagharap ko nakita ko si kuya guard na naka finger heart ang kamay.Tumatawa si Patricio habang nakatingin sa'kin. Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.
Nginuso ni Patricio 'yung bag ko. Nang tignan ko ito gumalaw 'yung nakasabit na keychain sa may zipper.
Keychain na may mukha ng BlackPink. 'Yung Korean Girl group.Hindi naman talaga ako fan nito. Kay Timothy 'tong keychain, paborito niya kasi ang Blackpink dahil crush niya raw si Lisa at Jenny. Kaya kinuha ko 'to kanina sa bag niya. Gumaganti kasi ako dahil kinuha niya na naman 'yung charger ko kagabi.
"Blackpink in your Area!" Nagulat ako ng kumumpas sa hangin 'yung kamay ni kuya guard.
Natawa ako, kahit 'yung mga estudyanteng dumadaan ay tumatawa na rin.
"Darandashi, goodmowning sainyoooo!" Mas lalo kaming tumawa ng kumanta si Kuya guard. Huminto pa 'yung ibang dumadadaan para makitawa.
"Ohh, pumasok na kayooo!" Halos sumakit na 'yung tiyan ko kakatawa. 'Yung iba ay nag vi-video pa.
Pero natigilan ang lahat ng pumasok sa gate si Matthew.
The president with his usual intimadating presence.
"4 pm." Sabi niya ng dumaan siya sa harapan ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng umilis na siya sa harapan ko. Ano na naman kayang nasinghot ng lalaking 'yun at ang lakas na naman mg tama.
Nang makarating ako sa classroom ay sakto namang tumunog 'yung bell.
"NIAAAAA!" Halos marindi ako ng sumigaw si Maisy.
Kay aga aga naman grabe maka sigaw 'tong babaeng 'to."Bakit?" Naiirita kong saad. Nakasunod lang sakanya si Veronica na sobrang lamya. Mahinhin pala haha.
"Tara na," pag yaya ni Veronica. "Mag sisimula na ang flag ceremony." Sumunod kami ni Maisy sakanya.
"Veronica!" Napalingon kaming tatlo sa tumawag. Mula ito sa mga groupo ng lalaki sa STEM. Nang lumingon kami nagkatsawan ang mga lalaki. Ang isa kasi dun ay manliligaw ni Veronica.
Sana all nalang!
Pumunta na kami sa linya namin. Sa ABM.
"Sana all kasi may manliligaw na STEM!" Bulong ni Maisy pero narinig naman namin ni Veronica.
Nung matapos ang flag ceremony pinabalik sa kami sa mga respective classrooms.
'Psstt'
May narinig akong sitsit sa may tapat ng canteen.
Hindi siguro iyon nahalata nina Veronica at Maisy dahil patuloy lang sila sa paglalakad. Kaya ako lang ang lumingaon sa pinanggalingan nun.
YOU ARE READING
Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]
General Fiction[BRIDGE SERIES #1] Someone told me, 'If you find someone who makes you smile, makes you laugh, can make your stress fade away that's your the one.' At first, I didn't believe. Because, everyone can be your happy pill, am I right? But now, I realiz...