Chapter 23

0 0 0
                                    

Chapter 23

Celebration

Nakapwesto kami sa isa sa mga lamesa dito sa garden. Sobrang dami talaga ng tao, kaya halos magsiksikan na. Buti nalang at malawak talaga 'tong area.

"Zin, ikuha mo 'ko maha blanca please," utos sa'kin ni Maisy. Inirapan ko siya at tumayo para ikuha siya ng maha blanca.

Lumapit ako dun sa may helera ng mga pagkain. So ang setup niya ay catering, tapos bahala kung anong pagkain kunin mo. Pero may nakabantay pa ring tauhan sa mga pagkain. Tapos pagkakuha mo, balik ka sa mesa kung saan ka naka pwesto.

Nang makalapit ako, kumuha ako mg maha blanca, dinamihan ko na para 'di na ko bumalik. Bahala si Maisy umubos nito.
Tumingin- tingin pa 'ko sa ibang pagkain at may nakita akong buko salad kaya lumapit ako dito para kumuha.

"Buko salad, Miss." Nakangiting alok nung tauhan ng catering. Tumingin ako dito at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya, naka uniform ito na kulay brown na parang ganon sa mga fast food chains. Binata ito, at infairness cute siya.

"Sige, pahingi ako dalawa." Ngiting sagot ko. Bastos naman kasi kung tarayan ko ito.

Binigyan niya ko ng buko salad na nasa plastic cup. Nagtataka lang ako bakit sobrang busy pa rin ni Tita Patricia kung may catering naman? O tauhan 'to dun sa restaurant nila. Baka nga.

"Teka Miss, sa'kin ayaw mo?" Tumatawang tanong nung lalaki. Sarkastiko akong tumawa.

"Ayaw." Bulalas ko.

"Awts, sayang. Cute pa naman ako." Sabi niya habang nagpo- pogi sign pa. Natawa ako.

"Sorry, ah. 'Di ko kasi type ang mga cute," natatawa pa rin ako. Natawa rin siya.
"Sige, balik na ko dun." Paalam ko. Wala akong balak na malaman pangalan niya, dzuh, hindi ako interesado.

"Ba't ang tagal mo?" Bungad sa'kin ni Maisy pagkabalik ko.

"Eh kinausap ako nung staff dun," pasimple kong itunuro 'yung lalaki at laking gulat ko na nakatingin ito sa'kin.

"Nakatingin siya sa'kin, Maisy!" May diing bulong ko.

"Ganda mo, e. Sino ang 'di magkakagusto sa'yo?" May halong pait na saad niya.

Napailing nalang ako. Minsan iniisip ko na may double meaning ang mga sinasabi ni Maisy, 'di ko alam kung may galit ba siya sa'kin o ano?

"Kain lang kayo diyan ah. Marami pang pagkain dun kuha lang kayo kapag gusto niyo pa, 'wag kayo mahihiya." Nakangiting saad ni Tita Patricia. Tango lang ang sinagot namin sa kanya. Bawal kasi magsalita kapag may lamat ang bibig 'di ba.

Umalis na si Tita Patricia para puntahan 'yung ibang lamesa para punatahan ang mga bisita. Nagpatuloy lang ako sa pagkain, paminsan- minsan tumitingin din ako sa paligid. At kanina ko pa napapansin na panay sulyap dito 'yung staff na kumausap sa'kin kanina. Nakakailing, pisti!

"Nakakainis!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Maisy. Mabuti nalang at busy kumain 'yung mga tao.

"Anong nangyari sa'yo?" Takang tanong ko. Humahangos din siya ng mabilis, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.

"Ang landi putek!" May diing bulong niya pero narinig ko pa rin.

"Sinong malandi?" Tanong ko ulit. Pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Problema nito?

Nagpatuloy siya sa pagkain at yun din ang ginawa ko. Maya- maya pa ay narinig ko ang malakas na tawanan dun sa kuhanan ng pagkain. Nang tignan ko ay nakita ko 'yung staff na kumausap sa'kin kanina na may kausap na ibang babae ngayon. Ang lakas ng tawa nila.

Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]Where stories live. Discover now