Chapter 13
Dati
"G-Gabe?" Halos mawala ako ng hininga nang makita ko siya. Ano'ng ginagawa nila dito?
"Oh, andito na sila!" Sigaw ng isa sa kasama nila Patricio pero di ko nalang ito pinansin dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa mga bagong dating.
Nang makalapit sila mas lalo kong naaninag kung sino ang nasa likuran niya.
His friends... Our friends.
"Zin?" Narinig kung tawag sa akin ni Anthony. Kaya napalingon sila sa gawi ko na naging dahilan ng pagtagpo ng mata namin ni Gabe.
"Si Zin nga?!" Sigaw ni Kevin. Hindi ko sila pinansin.
"Kilala niyo si Zinnia?" Narinig kong tanong ni Simon. Teka ano ba talagang meron dito?
Hindi ko parin inalis ang tingin ko kay Gabe.
"Oo, mag ka-batch kami nung grade six!" Proud na sabat ni Charls. Natawa ako ng bahagya na may bahid ng pang iinsulto.
"Talaga? Kilala niyo 'ko?" Bakas ang pagkasarkastiko sa boses ko. "Hindi ko kasi maalala na kilala ko kayo, eh!" Walang emosyong saad ko. Ang kapal nilang sabihin na kilala nila ako.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang biglang pagtayo ni Patricio na parang naalarma sa sinabi ko.
"Zin—" hinarang ni Gabe si Kevin na lalapit sana sa akin. Tumingin si Kevin sakanya na nagtataka at parang nag uusap gamit ang tingin nila sa isa't isa. Umatras si Kevin at bumalik sa dati niyang pwesto sa tabi ni Charls.
Ngumiti ako ng mapait.
"Ano? Ba't hindi kayo makapagsalita?" Nakatitig lang ako kay Gabe. "Sabihin niyo sa akin kung pa'no tayo nagkakilala?" This time medyo malumay pero may diing sambit ko. Unti unti ko ng nararamdaman ang pag init sa gilid ng mata ko.
"Zin, kaklase ka namin nung elem." Sagot ni Anthony. Naramdaman ko ang pag alis ng mga ka school mate ko. Parang ayaw nilang masaksihan ang dramahan dito. O baka pinaalis na sila ni 'Boss Tan'.
"Talaga?"
"Zinnia naman!" Pagmamaktol ni Charls. Tahimik lang sina Javier at Dyke. Silang anim ang nandito.
Wow, kompleto sila!
"Anyare?" Painosenteng tanong ni Patricio na nasa tabi ko na pala. Hindi ko siya pinansin, bahala siya d'yan.
"Zin, bakit?" Nagtatakang tanong ni Javier.
Ano'ng bakit? 'Di ba dapat ako ang magtanong niyan? Bakit?"Nakalimutan na..." napalunok ng bahagya si Gabe. "...nakalimutan niya na tayo," narinig kong napasinghal 'yung nga kasama niya.
Gusto kong umiyak!His fucking liar?! Ako makakalimutan sila? Tangina lang!
"Z-Zin, totoo b-ba?" Nautal pa si Dyke. Himala at nagsalita siya. Tumingin ako sakanya. Nakita ko ang pagka disappoint sa mukha niya.
Tumawa ako ng nakaka insulto.
"Ako? Makalimot? Pinagloloko niyo ba 'ko?" Tinatagan ko ang boses ko. Ayokong makita nila na umiiyak ako. Hindi na ako tulad noon, mas matatag na 'ko ngayon.
"'Di ba iniwan mo kami? Lumipat ka ng school." Saad ni Kevin.
"So, kasalanan ko pa?" Sarkastiko kong tanong.
"Stop this act?!" Sigaw ni Gabe na ikinagulat namin. "Please,"
"Ha?" Maang maangan ko.
"Zin, stop being childish?!" Bakas na ang inis at galit sa mukha niya.
Tanginaaa, gusto ko magmura.
YOU ARE READING
Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]
Fiksi Umum[BRIDGE SERIES #1] Someone told me, 'If you find someone who makes you smile, makes you laugh, can make your stress fade away that's your the one.' At first, I didn't believe. Because, everyone can be your happy pill, am I right? But now, I realiz...