Chapter 2
Guilt
"Ginawa mo yun?!" Sigaw ni Maisy.
Kinuwento ko sakanila yung nangyari kahapon. Yung pagbato ko kay Castroverde.
"I can't believe you." Umiling iling pa si Maisy.
"Pwede ba Maisy wag kang OA!" Iritadong suway ni Veronica.
"Hindi ko naman yun sinasadya. Nadala lang ako ng inis ko. Kilala niyo naman ako diba?" Paliwanag ko.
"Ang pinagtataka ko lang. Bakit di niya,sinabi kay tita na binato mo siya?" Si Veronica.
Oo nga pala mag pinsan sila ni Patricio.
"Ha? What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Maisy.
"Kasi after school sa bahay nila kami dumiretso kasi birthday ni tita..." Pagkwento ni Nica.
"...Tapos tinanong niya si Tan kung anong nangyari sa noo niya. Tapos sabi niya nauntog lang somewhere. "Natahimik ako. Bakit di niya sinabing binato ko siya? Bakit siya nagsinungaling?
Di ako mapakali gusto kong humingi ng sorry. Pero di ko alam kung pano?"Meron pa. Lahat kami nagtaka kasi pagdating niya umakyat agad siya sa kwarto niya. Sanay naman na kami na tahimik siya kapag may pagtitipun kami pero nakakpanibago lang kasi na hindi siya nakihalubilo saamin kahapon." Pagpapatuloy ni Veronica.
"Siguro na saktan talaga siya."
"Pano mo naman nasabi, Maisy?" Tanong ko.
"Anong pano ko nasabi? Commonsense, Zinnia. Syempre masakit yung pagbato mo sakanya. Sino di masasaktam dun?" Sabagay tama naman ang sinabi ni Maisy.
"Alam ko naman na mali ako ehh. Nakokonsinsya na nga ako ehh. Gusto kong humingi ng tawad sakanya pero di ko alam kung pano?" Paliwanag ko.
"Sa tingin ko di siya nasaktan dahil nasugatan siya sa noo sa pagbato mo sakanya."
"Bakit?" Sabay naming tanong ni Maisy.
"Parang may ibang dahilan siya!" Si Veronica.
'Kung gusto mo kong itaboy. Hindi mo naman na kailangang gawin to sakin.'
Biglang nag replay sa utak ko ang huling sinabi ni Patricio bago niya ako talikuran.
"Naalala ko yung sinabi niya kahapon bago niya kami iwan."
"Ano?" Tanong ni Veronica.
"Diba nga bibigyan ko sana siya ng panyo kaso tinampal niya yung kamay ko. Bago niya kami iwan sabi niya sakin. "Kung ayaw ko daw sakanya di ko naman na daw kailangang gawin yun."
Tahimik lang nakikinig ang dalawa.
"Siguro yun ang dahilan." Pagbasag ni Veronica sa katahimikan.
"Nasaktan siya hindi dahil binato mo siya. Nasaktan siya dahil sa ginawa mo. Like, sino ang mag eexpect na batuhin ka ng walang dahilan." Explain saamin ni Veronica.
"Di ko naman talaga kasi sinasadya yun." Nagui- guilty'ng sabi ko.
"May ganyang side kasi si Tan. Ayaw niyang binabalewala siya. Gets niyo?" Tumango lang kami ni Maisy.
"Ayaw niya rin ng hindi pinapansin kasi pakiramdam niya wala siyang kwenta. At madaling magsawa sakanya ang mga tao."
"May ganong side pala si Tan. Akala ko kasi puro kalokohan lang ang alam niya. HAHAHAHA!" Hindi kami tumawa ni Veronica sa biro ni Maisy.
The moment breaker of our group.
"Pero seryoso. 'Di mo kasi aakalain na ganyan si Tan!" Si Maisy.
"May history kasi ya-" Naputol ang sasabihin ni Veronica ng tumunog ang bell.
Pumasok na kami sa classroom namin. Sobrang ingay dahil wala pa ang teacher namin.
YOU ARE READING
Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]
General Fiction[BRIDGE SERIES #1] Someone told me, 'If you find someone who makes you smile, makes you laugh, can make your stress fade away that's your the one.' At first, I didn't believe. Because, everyone can be your happy pill, am I right? But now, I realiz...