Chapter 16
Tinikling
"Bilisan niyo, magsisimula na!" Hindi ako masyadong makadaan dahil sa mga junior high na nagtatakbuhan.
"Wahhhhhhh, isusuport ko si JL my labsss! Ackkkk!" Tili pa ng tili ang mga ito. Ang sarap kurutin sa singit. Ang lalande, jusko. Kay babata pa.
"Huy, bilisan mo na. Ikaw ang emcee, diba?" Tanong ni Veronica. Tamad lang akong tumango.
"Ayaw ko naman talagang maging emcee e." Reklamo ko.
"Well, ginusto mong maging officer, kaya panindigan mo 'yan." Tudyo sa'kin ni Maisy.
Argh! Nakakairita?!
"Hi? Zin, tara na?" Kapag nakikita ko si Matthew isa lang ang pumapasok sa isip ko.
Awkward.
Hindi ko pa pala nasasabi kina Maisy at Veronica 'yung pagconfess ni Matthew sa'kin. At wala rin sa plano kong sabihin sakanila.
Tumango nalang ako at sumunod sakanya.
Puno na ng mga tao ang Pavilion hall. Marami rin akong nakikitang may hawak na banner at kanya kanyang suporta sa kaklase at crush nila."Magandang hapon!" Pilit kong pinasigla amg boses ko kahit ilang na ilang na 'ko dito sa katabi ko.
"Atin ng simulan ang patimpalak na 'Lakan at Lakanbini." Nag opening muna at nagspeech ang principal bago nagsimula ang contest.
"Ako si Kent Santos nagmula sa Generosity ang tahanan ng mga ABM, na nagsasabing nandito ako sainyong harapan kasi wala sainyong likuran. Maraming Salamat!" Napuno ng tawanan ang pavilion dahil sa pagpapakilala ni Kent. Kahit ako natawa, introduction palang talo na kami. Napakawalang originality naman kasi.
"KENT, BABA KAN JAN! TALO NA TAYO PRE!"
"WALA KANG ORIGINALITY, KENT!"
"GUWAPO SANA KASO, UWI KANA!"
Natawa ako dahil sa mga sigaw ng mga kaklase ko.
"BOSS! GO, GO, GO!"
"BOSS TANNNNN! NANDITO KAMI SUPPORT KA NAMIN. I HEART YOU FOREVER!"
"BOSS, SENDING MY FINGER HEART TO YOU! GALINGAN MO AHHHH!" Napuno ng sigawan ang buong pavilion hall ng lumabas si Patricio.
Simple lang ang suot nito, pero bagay na bagay sakanya. Naka white jacket na tatlong butones na parang magsasaka at nakapantalon na naka tupi hanggang tuhod niya. At nakayapak lang siya. 'Yung buhok niyang nagugulo dahil sa hangin. Napatitig lang ako sa katawan niya hapit na hapit ang suot niya.
"Patricio Tanner Valiente Castroverde, nagmula sa Humanity ang tahanan ng mga guwapong HUMMS na nagsasabing kapag gusto mo sunggaban mo..." tahimik na naghintay ang mga tao.
Sunggaban? Ang wild.
"...sunggaban mo at paulanan ng pagmamahal. And I—Maraming salamat!"
Nag wink pa siya bago tumalikod at bumalik sa p'westo niya.Napangiwi ako sa paraan ng pagpapakilala ni Patricio.
"IDOL! I LAB YOU!"
"IDOL BABA KANA IUUWI NA KITA KYAHHHHH HAHAHAHA!"
"BOSS, PAUWIIN MO NA SILA! PANALO KANA!"
Sigaw ng mga tropa niya. Napailing nalang ako ng makita ang pasimpling pag middle finger ni Patricio sakanila.
Nagpatuloy ang pagpapakilala ng ilang mga section. At mas lalo akong nagulat sa sumunod na lumabas.
"Hansier Albino, nagmula sa 12- Justify ang tahanan ng mga STEM. Na nagsasabing kapag mahal mo, balikan mo. Maraming Salamat!" Sinundan ko kung kanino ito nakatingin at tama ang hinala ko... kay Veronica.
Kawawa naman 'tong bestfriend ko lagi nalang pinapaasa.
Casual lang ang pagpapakilala niya pero natahimik ang mga tao.
Natahimik sila kasi hindi naman nila inaasahan na si Hans ang candidate ng Justify. Hindi naman kasi ito ang nag rehearse kaya unfair naman sa iba. At tsaka alam naman nilang kapag si Hans ang kasali ay palaging sure win.
"Bakit si Hans? Akala ko si Eduardo ang nag register?" Tanong ko kay Matthew. Parang nagulat pa siya dahil hindi kaagad nakasagot.
"Ah... nagback out daw si Eduardo." Tumango ako. Hindi naman kasi masama na pansinin siya. Tsaka siya na mismo ang nagsabi na walang magbabago at magkaibigan parin kami.
Nakita ko ang pag aliwas ng mukha niya nung ngumiti ako.
Bago magpatuloy ang contest ay nagperform muna ang mga grade eight students.
Sumunod na ang question and answer. Mas lalong napuno ng tawanan ang pavilion hall dahil sa mga sagot nila.
Puro kasi mukha, mga wala namang utak.
"Para sa iyo Ginoong Castroverde, anong kahalagahan ng wika?" Tanong ng isa sa mga hurado.
He cleared his throat before answering.
"Para sa'kin ang kahalagahan ng wika..." He cleared his throat again.
"Ay... parang siya."Katahimikan. 'Yan lang ang masasabi ko dahil abang na abang sila sa isasagot nito.
"Parang siya kasi kung wala siya hindi ko maiintindihan sarili ko. Kaya mahalaga siya sa'kin at kapag nawala siya baka mabaliw akong intindihin ang sarili ko. Kaya ang wika ay mahalaga kasi ito ang nagkokonekta sa ating lahat, ito ang dahilan kung bakit tayo nagkakaintindihan. Maraming Salamat!" Matamis siyang ngumiti at parang natauhan naman ang sangkatauhan at nagsipalakpakan sila na parang wala ng bukas.
"WOHHHH IDOL NAMIN YAN!"
"NAISINGIT TALAGA SIYA! ANG LUPET NATIN BOSS!"
Hindi parin nawala ang mga tropa niya todo support.
Pero teka...
Sinong siya?
"Sa pagpapakita ng talento narito ang criteria, kalinisan ng pagpapakita... limangpong puntos. Orihinalidad... apatnapong puntos. Audience impact... sampung puntos. Suma-total ay isang daang puntos." Ito ang pinakaka abangan ng mga tao. Ang talent portion.
'Yung iba ay sumayaw, tumula at kumanta.
Napuno ng palakpakan ang buong pavilion hall ng nay lumabas sa stage na may dalang mga kawayan. Hulaan ko tinikling ang talent nitong susunod.
Patuloy parin ang palakpakan kahit hindi pa nagsisimula.Natigil lang ang palakpakan ng lumabas si Patricio na hindi maipinta ang mukha.
Lalo akong nagulat ng lumapit siya sa'kin at hinila ako. Nabitawan ko nga 'yung hawak kong mic dahil sa lakas ng pagkakahila niya sa'kin."Ano ba?" Madiing bulong ko sa kanya at inagaw ang braso ko mula sa mahigpit niya pagkakahawak.
"Marunong ka namang sumayaw ng tinikling, 'di ba?" Alanganin lang akong tumango.
Marunong naman ako kasi sinayaw ko na 'yan noong elementary palang ako.
"Ikaw nalang kapartner ko." Wala na akong nagawa kaya sumunod nalang sakanya. Nagsimula na ang tugtog kaya sumabay lang ako.
Nanlaki ang mata ko ng hapitin niya ang mga kamay ko. At hinawakan habang pinapa ikot ako. Alam ko namang parte pa rin ito ng sayaw. Pero 'di ko maiwasang magulat.
"Marunong ka naman pala e." Narinig kong bulong niya. Hindi na ako nakapag focus tumingin sa baba kasi nakatitig na ako sakanya.
Naramdaman ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa pagod o dahil... sakanya.
"Sasayaw tayo hanggang makalimuta mo siya," bulong niya.
Sinong siya? Si Gabe? O si Matthew?
YOU ARE READING
Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]
General Fiction[BRIDGE SERIES #1] Someone told me, 'If you find someone who makes you smile, makes you laugh, can make your stress fade away that's your the one.' At first, I didn't believe. Because, everyone can be your happy pill, am I right? But now, I realiz...