Chapter 9

3 2 1
                                    

Chapter 9

The P.I.O

"You're late." Bungad sa'kin ni Matthew.

"Sorry-"

"Pumasok kana at magsisimula na tayo!" Hindi ako makapaniwalang tumingin sakanya.

So, late na pala ako. Pero hindi pa sila nagsisimula. Ang special ko naman hinihintay nila ako.

"'Wag kang feeling special dahil hinintay ka namin. Ikaw ang magpapaliwanag ngayon dahil tungkulin mo 'yun bilang P.I.O!" Parang nabasa ni Matthew ang nasa isip ko.

Humihanga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko bago ako pumunta sa harapan.

"So, lets start?" Tanong ko sa Secretary.  Tumango lang ito.

"Any suggestions for this upcoming August event?" Seryoso lang na nakatitig sa'kin si Matthew.

"Problem?" Tanong ko sakanya.

"Pwede ba 'wag ka mag english. Ang sakit sa tenga!" Sabi niya at kunyaring nilinisan 'yung tenga niya.

"Ito na po," sagot ko at inirapan siya. "Sino pong merong magandang suhestiyon para sa paparating na pagdiriwang sa buwan ng Agusto. Sa ating buwan ng wika?" Diniinan ko talaga ang mga salita. Hah, akala niya. Ako pa hinamon niya.

"Ako po merong suhestiyon!" Sabi ko.
"Nais ko pong magkaroon tayo ng Cultural Dance Contest. Sana po ay aprobahan ninyo ang aking suhestiyon." Isinulat ni Secretary 'yung suhestiyon ko.

"At nais ko rin pong magkaroon ng patimpalak sa mga kasuotan, sa mga maikling kwento, tula at sanaysay." Dapgdag ko pa.
Napansin kong parang nagulat silang lahat.

"Bakit? May mali po ba akong nasabi?" Umiling silang lahat.

"Maganda ang iyong suhestiyon binibining Bernales. Pero anong gantimpala ang kanilang matatanggap?" Tanong ni Matthew.

"Wala po ako sa posisyon para mag desisyon tungkol d'yan, mahal na presidente. Ang aking lang po ang ang shuestion, pero nasa sainyo na po 'yung nais niyong tanggapin ang aking suhestion." Paliwanag ko. Halos nakanganga na nga silang lahat. Ano bang problema nila?

Tumango lang si Matthew.
Habang 'yung iba ay hindi nagsasalita.

Nang matapos ang meeting ay dali dali akong unuwi. Magdidilim na kasi. Delikado na sa labas.

'Psstt'

Kinilabutan ako ng may sumitsit sa may madilim na parte ng eskinita. Binilisan ko ang paglalalad ko.

'Psstt'

Mas lalo akong kinabahan dahil parang ang lapit lang sa'kin ng sumisitsit.
Kaya tumakbo na akong mabilis papasok sa bahay namin. Nakahinga ako ng maluwag ng maisarado ko ang pintuan.

KINABUKASAN ay maaga akong pumasok. Dinikit ko na kanina 'yung announcement sa bulletin boards. At ngayon naman ay pinamimigay ko ang mga flyers. Ang dali ngang na print out, kahapon palang kami nagmeeting. Talagang laging handa si Matthew.

'Psstt'

Nanlamig ang kamay ko ng marinig iyon. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid para tignan kung sino 'yung sumisitsit. Pero wala akong nakita.

'Psstttt'

Nabitawan ko 'yung mga flyers at nagkalat ito sa baba.

"Huy Zinnia, anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Matthew. Hindi ko siya pinansin at umalis na dun.

Ano bang nangyayari sa'kin?

Nang makarating ako sa room isinobson ko lang 'yung mukha ko sa arm chair.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa paligid.

"Ewan ko kung anong nangyari sakanya kanina? Bigla nalang niyang binitawan ang mga flyers." Kilala ko 'yung boses na 'yun. Si Matthew 'yun. Tumingin ako sakanila nung una malabo pa sila sa paningin ko, pero nang tumagal ay nakita ko na silang lahat. Si Maisy, Veronica at Matthew.

"Zinnia, okay ka lang?" Tanong ni Maisy na bakas ang pag aalala sa boses.

Tumango lang ako.

"Anong oras na?" Tanong ko.

"3:30 " Sagot ni Veronica. Kaya tumayo ako. Maglilibot kami ni Matthew mgayon para ipaalam sa lahat ang darating na event. Para alam nila kung anong mga contest na gusto nilang salihan.

"Tara na?" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko para hindi sila mag alala.

Nauna akong lumabas at sumunod sa'kin si Matthew. Nandun din sa labas 'yung ibang officers. Hiwalay hiwalay kami ng classroom. At naka assign sa'min ay sa HUMMS.

Naglalakad palang kami sa corridor ay naririnig na namin ang ingay sa loob ng classroom nila Patricio.

Pagpasok namin natahimik silang lahat.

Kasama ko si Matthew ngayon, nagde discuss tungkol sa Event sa August.

"Magkakaroon tayo ng contest para sa mga larong pinoy—"

'Psstt'

Nanlamig ang buong katawan ko ng marinig ko iyon.
Kaya pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko.

"Kayo ng bahala kung sino ang representative —"

'Psstt'

Tumingin ako sa pwesto ni Patricio at nakitang kong patago siyang nag c-cellphone.

Lumapit ako kay Matthew para sabihin na siya nalang mag patuloy. Mabuti nalang at pumayag siya.

'Psstt'

Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong beses ko na 'yan narinig simula pa kanina. Shit lang, ayaw talaga tumigil.

"Pumili nalang—"

'Psstt'

"ANO BA?! HINDI KA BA TITIGIL?!" Natigilan ang lahat ng umalingawngaw ang sigaw ko sa buong room.

"Hala pre, anong ginawa mo?" Narinig kong tanong nung isa kay Patricio ng mahalata siguro na dun ako nakatingin.

"Ewan," nag kibit balikat lang siya.

"KANINA KA PA SITSIT NG SITSIT. NAKAKARINDI, ALAM MO BA 'YUN?!" Sigaw ko ulit. Hindi pinansin ang nga bulungan nila.

Naramdaman kong hinawakan ni Matthew ang balikat ko.

"Ha? Hindi naman ako sumisitsit." Depensa ni Patricio habang diretsong naka tingin sa mga mata ko.

"Nia, tama na!" Bulong sa 'kin ni Matthew.
Bigla kubg nasapo ang ulo ko ng sumakit iyon. Buti nalang at agad akong nakakapit sa dulo ng mesa kung hindi tuluyan na akong natumba.

"Nia, ayus ka lang?" Nag aalalang tanong ni Matthew. Inaalalayan niya parin ako para hindi ako matumba.

Pinipilit ko paring tumayo ng maayos para hindi na sila mag alala.

Pero mas lalo akong nanghina ng mag tama ang paningin namin ni Patricio.

And everything's go black...

Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]Where stories live. Discover now