Chapter 21
Birthday
Almost two weeks din kaming hindi nagpansinan ni Maisy. Alam naman kasi naming hindi namin matitiis ang isa't- isa.
"Wahhhhhh! Niaaaaa! Sorry talaga!" Kanina niya pa ko niyayakap- yakap. Halos 'di na nga ako makahinga.
"Okay na. Nasasakal ma ko Mais," saad ko habang tinatalpi ang braso niyang nakapalibot sa leeg ko.
"May chika ako guys!" Excited na sabi ni Maisy. Lumapit naman kami sa kanya para maintindihan ang sasabihin niya.
"Maygwapongbarkadasikuyakyahhhhhh!" Napalayo kami ni Veronica dahil sa lakas ng boses ni Maisy, sobrang bilis din niya magsalita. Wala kaming naintindihan.
"Ano? Paki ulit nga!"
"Ang sabi ko..." huminga muna siya ng malalim. "May gwapong barkada si kuya! KYAHHHH!" Dahan- dahan niyang saad.
"Omai!" Tanging sambit ni Veronica sabay takip sa bibig na animo'y nagulat.
Kahit ako ay nabigla, kasi never na may ikwenento sa'min si Maisy about sa gwapo. Hindi kaya 'to marunong tumingin ng gwapo o hindi. Ewan namin, minsan para sa'min ni Veronica gwapo 'yung taong nakikita namin pero sa kanya hindi."Oh tapos?" Sabi ko.
"Tapos, feeling ko crush niya ko. Kasi, he keep staring at me whenever I go!" Jusmiyo! Malala na 'to. Nag e- english na naman po siya.
I saw her cheeks turn into red. "Nakaka -ilang lang kasi his so obvious. At nahalata 'yun nila Papa," she shyly bow her head.
"You now my Papa, 'di ba? His strict... especially to me. Kaya natakot talaga ako para dun kay kuya EC." I secretly smile. I don't want to ruin this moment. But honestly, I'm so happy for her. Kasi finally, dalaga na at hindi na siya manhid.
Nilingon ko si Veronica nang sipain niya ako sa ilalim ng mesa. She look at me and smile. I know she's also happy for Maisy.
Crush palang 'yan. Pano kung mag- jowa na 'to?
"Crush mo rin, 'no?" Pang aasar ni Veronica kay Maisy.
"Yep." Nanlaki ang mata namin dalawa ni Veronica.
"SERIOUSLY?!" Sabay naming saad ni Veronica.
Akala ko i-de- deny niya!
"Hala! Ang OA niyo, ah. Ano 'yun nahawa na kayo sa'kin? Akala ko ba ako lang OA sa grupong 'tong?" Sabi ni Maisy.
Ayan na, nagsisimula na naman siya.
"Hay nako, alam niyo bang malapit na birthday ni Tan?" Sabay baling sa'kin ni Maisy. "Don't tell me, di mo alam?" Naka arko pa ang kaliwang kilay niya, na kahit ako na mataray ay hindi kayang gawin.
Pakshet! Ba't 'di ko alam.
"Ako alam ko, pinsan ko 'yung gagong 'yon," sagot ni Veronica. "Sa sabado na 'yon, ah."
"SA SABADO!" Sigaw ko kaya na saamin na namin ang atensyon dito sa canteen. Minsan talaga may pagka attention seeker din kami.
"Sabi ko sa 'yo, hindi niya alam." Taas noong turan ni Maisy.
Minsan talaga nagtataka ako. Bakit sobrang dami niyang alam tungkol kay Tan? Pero never ko siyang pagdu-dudahan.
"Anong date na sa sabado?" Mahinahong tanong ko.
"21." Tanging sagot ni Veronica.
So, November 21 pala birthday niya. Bakit ngayon ko lang nalaman.
"Teka, huwebes ngayon, 'di ba?"
"Yap. May maghapon ka pa para mag isip ng pang regalo at may isang buong araw ka pa bukas para bumili ng regalo." Saad ni Maisy.
"Eh ikaw? May regalo ka na?" Tanong ko.
"Haha. Ako? Meron na. October palang naka prepared na." Proud niyang sagot.
Weird. Bakit naman October pa lang may regalo na agad 'tong si Maisy.
Tumingin ako kay Veronica na nagtataka. Nagkibit balikat lang siya na parang alam ang gusto kong sabihin.
Napabuntong- hininga na lang ako. Ano kayang magandang regalo para kay Patri—
"HUY!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
Tangina.
Nagsitawanan naman ang lahat ng nakakita. Lupa lamunin mo na 'ko ngayon.
"Ano ba? Bakit ka ba nang gugulat?!" Sabi ko habang hinahampas si Patricio. Umupo ito sa bakanteng pwesto sa tabi ko.
At inakbayan ako."Epic nung mukha mo, Zin." Saad niya habang nakatitig sa mukha ko. I pouted.
"Epal ka! Alam mo namang magugulatin ako, 'di ba?!" Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. Ang bigat kasi.
"Ehem!" Tumikhim si Maisy. "Nandito pa kami."
"Oh, hi Mai, hello insan!" Bati ni Patricio sa kanila.
Bumaling ulit sa'kin si Patricio. 'Yung mata niya na parang laging antok ay nakatuon sa'kin. "Hintayin mo 'ko mamaya, baka iwan mo na naman ako." Paalala niya.
Minsan kasi nakakalimutan kong himtayin siya kasi 'di ako sanay na maghintay sa labas ng gate.
Tumango ako. "Wala ka bang pupuntahan mamaya?"
Umiling siya. Nakatingin pa rin siya sa'kin. Medyo naiilang na 'ko.
"May dumi ba mukha ko?" Tanong ko. Titig na titig kasi siya sa'kin.
Para siyang natauhan dahil dun. "Sorry, na preoccupied lang ako."
"Zin, una na kami sa room sunod ka nalang." Paalam ni Veronica.
"Oo nga, baka maka istorbo pa kami sainyo." Segunda ni Maisy. Tignan mo 'tong babaeng 'to.
Napansin ko lang, simula ng ligawan ako ni Tan, nag- iba ang pakikitungo sa'kin ni Maisy. Ayako namang pagdudahan siya, kasi katunayan sini- ship niya pa kaming dalawa.
"Tapos ka nang kumain?" Tanong ni Patricio ng maka alis na 'yung dalawa.
"Oo. Ikaw?" I saw him smirked.
"Yiee, concern siya sa'kin." Pang aasar niya tapos kiniliti pa 'ko.
"Duh, concern kaya ako sa lahat!" Depensa ko. Sumeryoso ang mukha niya.
"Ah, sabi ko nga," tumingin siya sa paligid.
"Una na pala ako, may gagawin pa 'ko eh."Tumango ako. "Sige, gawa well."
Hinayaan ko nalang siyang umalis. Napapa isip pa rin ako kunv bakit minsan iniwan niya ako mag isa. Like, may nasasabi ba akong mali para iwan niya ako. Yes, minsan naniniwala naman ako sa mga palusot niya. Pero sana sinasabi niya sa'kin kung may nasasabi ba akong offended para sa kanya. Kasi nababaliw na 'ko dito kaka isip kung anong nagawa kong kasalanan o may nasabi ba akong mali.
Siguro, kailangan kong limitahan ang mga salita na lumalabas sa bibig ko.
Para hindi ma- offend si Patricio at ibang tao.I'll change myself for better.
***
A/N: Sorry for short update. Wala lang talaga akong maisip. Piniga ko na utak ko pero wala pa rin. Ang daming unnecessary thoughts na pumapasok sa isip ko.
Bawi nalang ako sa next chap!:)
BORING TONG CHAP NA TO HUHU! MAY PINAGDADAANAN LANG AKO, PERO KAYA KO 'TO!
YOU ARE READING
Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]
General Fiction[BRIDGE SERIES #1] Someone told me, 'If you find someone who makes you smile, makes you laugh, can make your stress fade away that's your the one.' At first, I didn't believe. Because, everyone can be your happy pill, am I right? But now, I realiz...