Chapter 14

2 3 0
                                    

Chapter 14

Rehearsal

Wala sa loob na pumasok ako sa room at dumeretso sa upuan ko. Hinayaan ko lang naisubsob ang mukha ko sa arm chair.
Hindi parin ma-absurb ng utak ko 'yung nangyari kahapon.

Simula du'n sa pagconfess ni Matthew, hanggang du'n sa prangkahang naganap sa amin ng mga kaibigan ko nung elem.
Dali dali ako umalis sa pagkasubsob ko sa ram chair ng may maalala ako.

Ay hala! Teka?! Confess?! Matthew?! I was all fucked up?!

Hayst, pa'no na 'yan? Siguradong awkward na ito sa pagitan namin.

Akala ko ba bakla 'yun?

Nanlulumo kong ibinalik ang pagkakasubsob ng mukha ko. Naalala ko 'yung mga panahon na tinatawag kong bakla si Matthew.

Even Maisy and Ver calling him gay?! We're all judgementals?! Pero he never complaint. Ni hindi nga niya sinabi na hindi siya bakla. Wala siyang paki alam kung tawagin namin siyang ganon!

JuiceMother naman, oh.

"Hoy, Nia!" Napapitlag ako sa gulat ng may kumalabit sa 'kin. Hindi ko parin inalis ang pagkakasubsob ng mukha ko sa arm chair kasi kilala ko kung sino 'yun?

Ang gago nila!

"Nia... sorry na..." patuloy parin ang pagkalabit sa 'kin ni Simon. Ang kulit nila, ni hindi ko alam kung bakit ko 'to naging mga barkada. At nagtiwala pa ako sa mga tanga!

"Ay hala?!"

Nagulat ako nung biglang may tumama sa ulo kong bola. Kanina pa may naglalaro ng bola ng basketball dito sa room. Agad kong inangat ang paningin ko at masama silang tinitignan isa isa habang hawak ang ulo ko.

"Sino 'yun?!" Sigaw ko. Nakayuko lang sila at tahimik. "Ba't kasi kayo naglalaro ng bola sa liob ng room, ah?! Ang lawak lawak sa labas?!" Sermon ko. Wala parin sakanilang umiimik. Alam nila kung pano ako magalit. 'Yung iba sakanila ay kaklase ko since grade 8 kami.

"Sorry..." I darted my gaze on Haeron.

Sa sobrang inis ko ay lumabas ako sa classroom. Hinihimas ko parin 'yung ulo ko habang naglalakad. Sobrang sama na ng pakiramdam ko kahapon pa. Tapos dinagdagn pa ngayon.

Natagpuan ko ang sarili ko sa may ilalim ng mangga. May mga upuan naman dito kaya ayos lang tumambay.

Bahagya akong nakiliti ng magvibrate 'yung cellphone ko na nasa bulsa ko.

"Hello, Dad?" Malumanay na sagot ko kay Daddy. Nakakatawa nga eh. Si Mama gusto Mama talaga tawag si Papa naman pasosyal masyado, gusto niya Daddy.

"Hi, 'nak! How are you?" Masiglang bati niya.

"I'm fine po, Dad..." I slightly laughed. "You?" Balik tanong ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

"Heto namimiss kayo," bakas ang lungkot sa boses niya kaya nalungkot narin ako.

"Don't worry, Dad. Malapit naman na graduation ko, uuwi ka... 'di ba?"

"Yeah, gusto ko ako aakyat kasama mo sa stage! Magtatampo talaga ako kapag Mama mo nanaman ang kasama mo!" Natawa ako dahil sa pagtatampo niya. Gad! I miss my Dad so much!

"Syempre, Dad! Ayaw ko na si Mama ang kasama ko. Kinukurot ako kapag hindi ako nakasmile!" Mas lalo siyang natawa sa kabilang linya. I'm Daddy's girl that's why.

"Sige, 'nak. Balik na si Daddy sa work. Always take care, baby!' Napanguso ako dahil sa tinawag niya sa 'kin. Gusto ko sanang sitahin siya kaso alam kung pagod na siya.

Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]Where stories live. Discover now