Chapter 24
Lovers Quarrel
Lumipas ang pasko at bagong taon. Ganong pa rin kami ni Patricio, manliligaw ko siya, nililigawan niya 'ko. Pero kung umasta kami parang magjowa na talaga kami.
Well, label nalang kasi ang kulang. At gusto ko sa graduation ko nalang siya sagutin tutal malapit naman na.
Sinasagutan ko ang assignment ko ng biglang nag vibrate cellphone ko.
From: Patrico
Babe! Good morning. Alam kong nasa room ka na ngayon, nakita kita kanina pero sobrang bilis mo maglakad kaya 'di na 'ko lumapit. Ingat ka, magkita tayo mamaya. I love you!
Gusto kong tumili dahil sa text niya, pero pinigilan ko dahil nasa loob ako ng room. Nakakahiya kaya.
To: Patricio
I
"Wow! Nag a-i love you- han kahit walang label!" Naigtad ako ng biglang magsalit si Maisy na 'di ko alam na nasa likod ko na pala.
Letter 'I' palang 'yung nata- type ko. Nagsilingunan naman mga kaklase ko sa gawi namin. Kilala naman nila kung sino ang tinutukoy ni Miasy.
"I love you- han ka d'yan!" Bumalik ako sa pagta type habang nasa likod ko pa rin si Maisy.
To: Patricio
Ingat.
Sent ✔
Hinarap ko pa kay Maisy ang cellphone ko para makita niya ng maayos ang nireply ko kay Patricio.
"Sus, Ingat daw. I love you naman sana 'yun!" Tumatawa siya nang umalis sa likod ko para bumalik sa upuan niya. Inirapan ko lang siya.
Ipagtuloy ang pagsagot sa assignment ko. Second sem na namin ngayon, dapat bumawi ako dahil sobrang busy ko nubg first sem baka bumaba grades ko.
Nakakapagod na maghapon na puro aral lang ginawa namin at sa wakas uwian na.
"Zin, sasabay ka sa amin?" Tanong ni Maisy. Umiling ako. Alam naman nila kung sino kasama ko tuwing uwian.
"Sige, una na kami!" Paalam ni Veronica habang kumakaway.
Nasa labas lang ako ng gate habang hinihintay si Patricio. Ang tagal naman nun.
"Zin, wala pa si Tan?" Tanong ng magaling kong kapatid. Inirapan ko lang siya.
"Ang sungit mo naman, akala mo naman maganda." Saad niya. Tinignan ko siya ng masama.
"Bakit gwapo ka? Gwapo ka?" Pang aasar ko din. Dzuh! Hindi naman ako magpapatalo.
"Oo, 'di mo alam? Teka, nasaan nga pala si Veronica?" Tanong niya. Kahit kailan talaga napakawalang galang nitong batang 'to.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na tawagin mong ate si Veronica! Mas matanda pa rin sa'yo 'yon." Inirapan lang ako nito. Aba, aba, ang sarap manakal ng kapatid ngayon, ah.
"Para tinatanong kung nasaan, ang dami nang sinabi,"
"Umuwi na nga kasama si ATE mo Maisy." Diniinan ko pa ang salitang ate. Ayos lang sa'kin na hindi niya ako tawaging ate, pero 'yung mga kaibigan ko na mas matamda pa sakanya dapat tawagin niyang ate.
"Whatever, ATE! Uuwi na ako, hintayin mo 'yung manliligaw mo." Siya naman ngayon ang nagsusungit. Mood swing talaga nun tinalo pa ang babae.
Nakatayo pa rin ako sa gilid ng gate habang patingin tingin sa relo ko. Mag aalas singko na 'di pa rin siya lumalabas.
YOU ARE READING
Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]
Genel Kurgu[BRIDGE SERIES #1] Someone told me, 'If you find someone who makes you smile, makes you laugh, can make your stress fade away that's your the one.' At first, I didn't believe. Because, everyone can be your happy pill, am I right? But now, I realiz...