Chapter 11
Hello
Ramdam ko parin 'yung init sa pisngi ko. Naka uwi na kami pero hindi parin unalis 'yun.
Oh my gosh! Kinikilig ako?
Hindi naman siguro? Dahil 'to sa init ng panahon at 'yung pagkakahimatay ko kanina.
Duh, bakit naman ako kikiligin?
Por que sinabihan niya ako ng 'Take care'
Luh, asang kikiligin ako dahil dun?
"Oh, bakit namumula ka?" Puna ni Maisy na naka upo sa harapan ko. Silang dalawa nalang kasi ni Veronica ang sumama sa bahay. Nag paiwan na si Matthew, mas importante pa raw kasi 'yung mga ginagawa niya kaysa sa 'kin. Eh di wow lang!
"Ah ehh ano," gash, hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Kanina 'yan ngingiti ngiti d'yan!" Panggagatong ni Timo. Kunti nalang talaga pag uumpogin ko 'tong dalawang 'to.
Kinapa ko ang mukha ko. Nakangiti talaga ako, bwesit."May na i-inlove dito!" Pumito pito pa si Maisy.
Arghhhh! Kainis!
"Tumigil nga kayo!" Sigaw ko.
"Ayieeee, kenekeleg yen!" Maisy said with her jejemon words.
"Nakakatawa."
Simula ng mag 'date' kami ni Patricio, may nagbago agad?!
Agad agad?!
Ambilis ng improvement! Nakakaloka.
Bwesit ka talaga!"Pahinga na 'ko, 'wag niyo 'ko guluhin. Gusto ko ng katahimikan!" Sabi ko at iniwan silang tatlo sa sala.
Kahit sandali lang, gusto ko munang manahimik.
"WAHAHAHAHAHAHAHA!" Hays, bwesit ka talaga Maisy?!
Hindi ko nalang muna sila pinansin at nagtalokbong ako ng kumot para hindi sila marinig.
Pero kahit ano'ng gawin kong pagtatalukbong, naririnig ko parin 'yung boses ni Maisy. Arghh! Hindi ba sila titigil?!"ANO BA? TUMIGIL NGA KAYO, NAPAPAHINGA AKO?! PLEASE NAMAN?!" Sigaw ko sakanila ng 'di ko na makayanan ang ingay. Ang sakit na nga ng ulo ko, dadagdag pa sila.
"Uhm... sige uuwi na pala kami," paalam ni Veronica habang hinihila si Maisy palabas. Nakatingin lang sa 'kin si Maisy na para bang nakokonsensya siya.
"Sige... bye, Nia!" Matamlay na sabi ni Maisy. Nang maka alis na sila bumalik ako sa kwarto ko para mag pahinga ulit.
"Bakit mo sila sinigawan?" Tanong ni Timo na nakapasok na pala sa kwarto ko.
"Eh kasi naman ang ingay niyo!"
"Sila na nga 'yung nagmamalasakit sa 'yo, ginaganyan mo parin sila!" Sabi ni Timo habang iiling iling na parang dismayado.
"Sige na pahinga kana, wala ng iistorbo sa 'yo," saad ni Timo at lumabas na.
So, ako pa ngayon ang may kasalanan?
Dapat na iintindihan nila ang sitwasyon ko, dahil masakit ang ulo ko.Haistt, bahala nga sila.
NAALIMPUNGATAN ako ng makaramdam ako ng gutom. Kanina pa pala ako hindi kumakain. Kaya naman pagdating ko sa kusina ay nandun narin si Mama, nagluluto.
"Oh, Zinnia, anak ko! Kumusta pakiramdaman mo? 'Yan kasi puyat pa. Puyat ka ulit mamaya!" Hindi ko alam kung nag aalala siya o nang iinsulto?
Tinalikuran niya ako at tinignan muna 'yung niluluto niya.
"Ma, sorry na po!" Paglalambing ko.
"Hay, ikaw talagang bata ka, bakit ko naman sinigawan 'yubg mga kaibigan mo, ha?!" Haist, bwesit ka talaga Timo, humanda ka talaga sa 'kin napaka sumbungero mo.
"Eh, Ma—"
"'Wag ka nang mangatwuran, Nia. Kilala kitang bata ka! Jusko naman, matanda ka na. Pero bakit napaka kilos bata mo parin!"
Hindi ko na napigilan ang mapahikbi sa harapan niya. Yumuko ako kasi ayaw kong makitang galit siya. Na g-guilty ako."M-ma," tuluyan ng tumulo 'yung luha ko na kanina ko pa pinipigilang bumagsak.
"Sorry na po!""Hindi! 'Wag ka sa 'kin mag sorry, dun dapat sa mga kaibigan mo." Sabi ni Mama at iniwan na akong mag isa sa kusina.
Alam ko naman na mali ako, e. Pinunas ko 'yunv luha na tumulo sa pisngi ko.
"'Yan kasi, sabi sa 'yo. Dapat 'di mo sila ginanon kanina. Tsk. Tsk." Si Timothy habang umiiling pa.
Sa sobrang inis ko nilayasan ko siya at lumabas ako ng bahay. Pake alam ko kung nahimatay ako kanina at medyo masakit parin ang ulo ko ngayon.Naramdam kong kumalam 'yung sikmura ko. Bwesit talaga, hindi pa pala ako kumakain.
Padabog kong pinahid ang luha ko na nagsisimula na namang tumulo. Kasi naman.
Naka upo lang ako ngayon sa may sidewalk habang tinitignan 'yung mga dumadaan na sasakyan.
Ipinatong ko 'yung mukha ko sa may tuhod ko habang pinagmamasadan 'yung aso't pusa na nagsusukatan ng tingin sa isa't isa. Buti pa sila 'yan lang ang ginagawa, mag away.Nakakapagod din pala maging tao. Bahagya akong natawa sa sarili ko. Malala na 'to, nababaliw na 'ata ako.
"Hi ate Neya!" Bati sa 'kin ni Mikay nung dumadaan sa sidewalk.
"Mikay," kumaway ako pabalik. "Sino kasama mo?" Tanong ko. Ang lakas kasi nang loob niyang mag isa kahit Grade 1 palang siya.
"Wala po," sabi niya habang nakangiti ng malapad. Mabuti pa siya nakakangiti ng ganyan, hayys.
"Sige po, una na po ako. Gagawa pa po ako ng homework ko." Kumaway siya sa 'kin. Hindi ko maiwasang isipin nung ganun din ang edad ko. Lagi akong excited umuwi dahil gagawa ng assignment tapos tuturuan ako ni Papa.
I miss Papa!
Nakatingin parin ako sa kawalan. Hindi ko alam kung anong iisipin ko.
"Miss, padaan!" Nabuhayan ako ng marinig ko 'yung pamilyar na boses. Halos mataranta ako, hindi ko alam kung gagawin ko.
Namalayan ko nang na nakatayo ako at nakatingin sakanya habang nakasakay siya sa bike niya. My goshh, miss ko na siya.
"Padaan?"
Imbis na tumabi ako, nakatayo parin ako sa harapan niya. Shit, miss na miss ko na talaga siya.Gustong gusto ko siyang yakapin...
Pero hindi pwede. Hindi na pwede.
Hindi parin ako umalis sa daanan niya. Nabakas ko ang pagkairita sa mukha niya.
"Hello," bati ko.
Pero hindi niya ako pinansin dinaanan niya lang ako, kaya wala akong nagawa kung hindi tumabi nalang. Nakatingin lang ako sakanya habang papalayo siya. Damn. Hindi na siya 'yung dating kilala ko.
He doesn't know me.
No.
He used to forget me.
YOU ARE READING
Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]
Ficción General[BRIDGE SERIES #1] Someone told me, 'If you find someone who makes you smile, makes you laugh, can make your stress fade away that's your the one.' At first, I didn't believe. Because, everyone can be your happy pill, am I right? But now, I realiz...