Chapter 3

5 3 14
                                    

Chapter 3

ID

What a wonder morning to all.

Maganda ang gising ko ngayon. Thanks God.

Bago ako lumabas ng kwarto ay inayos ko muna ang hinigaan ko. Pinagpatong patong ko ang unan ko at tinupi ang kumot.

"Ma!" Narinig kong sigaw ni Timothy. Kapatid ko.

"Mama po!" Tawag niya ulit. Ano kayang problema ng lalaking ito at bakit tawag ng tawag ka mama.

"Huy, Nia. Pakitawag nga si mama!" Baling sakin ng walang galang kong kapatid.
Dalawang taon lang ang tanda ko sakanya. Pero never niya akong tinawag na ate.

"Bakit?"

"Basta tawagin mo nalang!" Utos niya. Di nalang ako pumalag at sinunod siya.

"Ma, tawag ka po ni Timo!"
Naghuhugas si mama ng mga pinggan ka basa ang kamay niya.

"Bakit daw?" Nakibit nalang ako ng balikat.
Pumunta ako ng kusina para kumain ng almusal.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko para tignan kung may nagtext ba. Ibabalik ko na sana sa bulsa ng bigla itong nag vibrate.

"Putcha!" Halos mabulunan na ako dahil sa nabasa ko. Mabuti nalang at mag isa lang ako sa kusina. Kung nagkataon na nandito si mama baka dumudugo na ang bibig ko.

Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung may ng text sayo ng ganito?

Unknown number:

Babe? Good morning. Kumain ka ha. Wag kang papagutom. Baka mag kasakit ka. Papakasalan pa kita.

Inis kung nilapag ang cellphone ko sa mesa. Pero binawi ko agad, tinignan kung may gasgas ba.

Kilala ko kung sino to!

Tangina niya!

Nakakagago siya ah. Sira na agad ang araw ko. Piste.

Bahal siya dyan. Naku kung wala lang talaga akong kasalanan dito. Di ko to papansin. Sobra na kasi ang pag papansin niya sakin. Nakakairita na.

"Nia, pabagal bagal ka na naman ng kilos mo. Mahuhuli ka na naman yan." Sermon ni mama.

Hayss. Parang ayaw ko tuloy pumasok.

Nakakatamad na tuloy. Tapos makikita ko pa ang pag mumuka ni ano..

Wahhh.. ewan ko ba? Ayaw ko makita mukha niya.
Kung wala lang akong kasalanan di ko talaga papansinin yun.

"Dalian mo na d'yan!" Napalingon ako sa likuran. Nakita ko si Timothy na naka bag na.

"Ano problema mo?" Iritado kong tanong. Nakaka inis kasi kumakain ako tapos minamadali niya 'ko.

"Anong problema ko?" Balik tanong niya.

"Ikaw. Ikaw ang problam ko." Hindi na sana ako magsasalita ng may maalala ako.

"Hoy, Timo! Nasaan yung charger ko?" Agad siyang lumingon sa'kin.

"'Di ko alam?"

"Weh, nagsisinungaling ka eh. Kinuha mo 'no. Ibigay mo na kasi yun. Wala akong gagamitin mamaya!" Natatawa ako sa itsura niya. Haha. Madalas kasi kami mag away dahil sa charger. Minsan kasi yubg charger niya hahanapan niya pa ng posisyon para mag charge yung cellphone niya.

"Wala nga sa'kin?!" Sigaw niya.

"Luh, wala naman akong sinabing na sa 'yo ah?"

Huli ka. Hahaha. Kahit naman kasi di niya sabihin alam kong nasakanya 'yon.

Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]Where stories live. Discover now