Chapter 6
Last Picture
Natapos kong ubusin lahat ng inorder namin. Hindi pa kasi nakontento sa isang lomi si Patricio. Nag order pa siya ng lima. Hinayaan ko lang, siya naman magbabayad.
Naka tatlo na mangkok ako ng lomi habang siya apat na mangkok. Ang sarap pala talaga ng lomi dito. Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ako masyadong lumalabas ng bahay kaya hindi ko alam ang lugar na 'to.
Maya maya pa dumating si Jane at ibinigay kay Patricio ang resibo. Kumuha si Patricio ng five hundred at binigay kay Jane.
Galante naman pala 'tong mokong na 'to.
Umalis muna si Jane kukuha daw ng panukli.
"Saan na tayo pagkatapos?" Tanong ko. Malay ko ba kung saan kami pupunta. Hindi nga kasi ako galabg tao kaya wala akong ibang alam na lugar dito.
"Basta, akong bahala. Basta mag tiwala ka lang sa'kin." Nakangiti niyang saad. Tumango nalang ako. Masyado kasi siyang confident, at naiinis ako dahil du'n.
Puro yabang kasi siya, kanina pa."Ito na po Sir, sukli niyo!" Nakangiting inabot ni Jane 'yong sukli kay Patricio. Si Jane parang hindi mo makikitaan ng problema. Lagi siyang nakangiti sa mga costumers nila. Minsan nakikipag tawanan pa. Kanina ko pa kasi siya pinagmamasdan.
"Jane, sandali..." Aalis na sana siya ng tawagin siya ni Patricio. "Picturan mo naman kami." Binigay ni Patricio 'yong cellphone niya kay Jane. Kinikilig naman na tinanggap iyon ni Jane.
Umiwas ako ng tingin sa camera. Naiiliang kasi ako, hindi ako sanay na picturan sa public places. Kaya nagulat ako ng hawakan ni Patricio 'yung ulo. Kaya napatingin ako sakanya. 'Yung kamay niya kasi nakapatong na sa ulo ko.
Hindi ako nakagalaw. Nakita ko nalang na ibinabalik na ni Jane 'yung cellphone ni Patricio habang ngingiti ngiti.
"Bagay po kayong dalawa. Sana po magtagal kayo." Huling sinabi ni Jane bago umalis.
"Nia, ano tara na?" Pagtayo ko palang sa kina uupuan ko hinila agad ako ni Patricio palabas ng kainan.
"Ngayon lang ako nakapunta dito!" Manghang manghang saad ko. Nandito kami sa tinatawag nilang Secret light. Actually, hindi na siya secret kasi marami ng nakaka alam. Ako ngang taong bahay alam ko. Puro ilaw kasi ang nasa paligid. Iba ibang kulay. May nakasabit sa itaas ng puno, sa may halaman. Pati sa mga gilid ng daanan meron din.
"Picture tayo!" Inilabas ni Patricio 'yung cellphone niya at nagtwofie kaming dalawa. Twofie? Kasi dalawa kami? Ang weird naman kasi kung selfie tapos dalawa kami sa picture haha.
"Du'n ka, picturan kita." Presinta niya. Kaya pumunta agad ako sa ilalim ng puno na may lights. Nagpose ako habang todo effort naman siya sa pagkuha ng pictures. Natatawa ako. Mas mabuti ng ganito kaming dalawa hindi katulad kanina. Hindi ako sanay na seryoso siya. Nakakatakot, natatakot ako.
"Ikaw naman," lumapit ako sakanya at kinuha 'yung cellphone niya. Siya naman ang pumalit. Halos hindi ko na siya makuhanan ng maayus dahil sa kakatawa. Natatawa kasi ako sa mga pose niya. Kaya pinagtitinginan na tuloy kami dito.
"Ang sweet nila, Girl!" Narinig kong saaf nung nasa likod ko.
"Oh My, bagay sila! Kyahhhh!" Sigaw nung isa. Parang wala lang sakanila na marinig ko ang usapan nila. Tumatawa tawa pa sila na parang kinikilig.
"Miss, kuhanan ko kayo ng picture ng boyfriend mo!" Nagulat ako ng lumapit sa'kin 'yung isa sa apat na babae.
Hindi na ako nakaangal pa ng agawin niya sa'kin 'yung cellphone ni Patricio."Du'n ka na, bhie!" Tulak nila sa'kin. Nahihiya akong lumapit kay Patricio. Pero tinawana niya lang ako. Nung unang picture naka smile lang ako. Pero sabi nung mga babae dapat daw naka wacky ako. Like seriously, sino bang mga 'to?
Wala na akong nagawa kaya sinunod ko nalang sila. Hanggang hindi ko na alam kung ilang shot pa ang nakuha sa'min. Baka lagpas ng lima. Tsk. Tsk.
"Ang cute niyo talaga!" Saad nung isa na nanggigigil kaya kinurot pa 'yung pisngi ko.
"Uy! Child abuse talaga 'to." Saway nung isa ng makita akong kinurot sa pisngi. Hindi namin sila ka edad at halata naman sakanila na may propesyon na sa buhay.
"Pasensya na kayo sa mga kasama ko. Wala kasing mga jowa 'yan kaya naiingit! HAHAHAHA!" Natawa ako. Pero lahat ng kasama niya umalma.
"Wow! Nagsalita ang may jowa! HAHAHA!" Lahat sila nagtawanan kaya nakitawa nalang rin kami ni Patricio.
"Teka, ano nga palang pangalan niyong dalawa?" Tanong nung isang matangkad na mestisa.
"Tan po!"
"Zin, po!" Pakilala naming dalawa ni Patricio.
"Ako nga pala si Trish, ito namang bruhang 'to si Sheena, Itong bitter si Lucy, tapos itong marupok si Anika." Natawa ako sa pamamagitan ng pagpapakilala ni ate Trish sa mga kaibigan niya.
Hindi ko maiwasang maisip sila Veronica at Maisy. Five years na kaming magkakasamang tatlo sana umabot hanggang sa pagtanda namin ang friendships na binuo namin. Ang totoo niyan sampid lang ako sa grupo magkakakilala na sila nung grade 7 palang. Habang ako transferee nung grade 8. Inampon lang nila ako haha.
"Oh siya, alis na kami. Enjoy kayo sa date niyo! Stay strong narin!" Paalam ni ate Trish. Kumaway kami sakanila.
"Bakit Zin 'yung pakilala mo sakanila?" Tanong ni Patricio ng makaalis na sila.
"Kasi mga kaclose ko lang ang tumatawag sakin ng Nia," paliwanag ko. "Eh ikaw, ba't Tan?" Tanong ko. Naglakad siya kaya sumunod ako. Ayoko maiwan dito, 'no.
"Kasi ikaw lang naman ang tumatawag sa'kin na Patricio!"
"Ay weh? Ako lang tumatawag sa'yo ng Patricio? Eh 'yung mama mo? 'Yung mga pinsan mo?" Hindi talaga ako naniniwala.
"Ikaw nga lang, ba't ayaw mo maniwala." Oh ayan na naman ng iiba na naman ang tuno bg pananalita niya. Hays, kapag ito nangligaw sa'kin hindi ko 'to sasagutin.
Ano ba 'yan? Ligaw agad?"Okay sige! Saan na next?" Tanong ko.
Umupo muna kami sa may bench. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Kapag nag eenjoy ka talagang gawin ang isang bahay hindi mo mararamdaman ang pagod.
"Pahinga muna tayo." Saad ni Patricio. Tinignan niya 'yung mga pictures naming dalawa.
"Isend mo sa'kin 'yan lahat."
"Sana pala lagi kitang dalhin sa may mga tourist attractions para hindi lang limang pictures ang meron tayo." Saad niya habang nililipat lipat ang mga photos. Ang ganda ng pagkakakuha sa'min.
"Nakakapagod pala!" Komento niya. Ngayon niya lang 'ata naramdaman ang pagod. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi muna kami nagsalita at dinama ang katahimikan sa paligid.
Maya maya pa nagulat ako ng hablotin ni Patricio 'yung kamay ko.
He holds my hand. Ang lamig ng kamay niya. Magaspang na malambot.Pinicturan niya 'yung kamay namin ng magkahawak. Hindi ko inaasahan 'yun ah.
"'Yan! Last Picture sa first date natin!" At ngumiti siya. Parang wala lang sakanya na magkahawak kami ng kamay ngayon.
My gashh, Patricio. Why you're so speed?
YOU ARE READING
Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]
Ficción General[BRIDGE SERIES #1] Someone told me, 'If you find someone who makes you smile, makes you laugh, can make your stress fade away that's your the one.' At first, I didn't believe. Because, everyone can be your happy pill, am I right? But now, I realiz...