Chapter 22

0 1 0
                                    

Chapter 22

Daughter- in- law

The day has  come. Nag aayos ako para mamaya. Kinakabahan ako.

"Nia, bilisan mo na. Nasa labas na si Maisy." Sigaw ni Mama na nasa pintuan ng kwarto ko.

"Nand'yan na po!" Sigaw ko pabalik habang inaayos 'yung buhok ko.

"Oh, alis kana. Dala ka take out!" Tumatawang saad ni Mama.

"Ma naman! Nakakahiya 'yun, e." Atungal ko.

Nagpaalam na ako kay Mam bago lumapit kay Maisy na kanina pa daw nag rereklamo sa kakahintay sa'kin.

"Ang tagal, ah. Sobrang ayos na ayos. Sabagay sa bahay ba naman ng manliligaw pupunta." Bungad sa'kin ni Maisy. Inirapan ko lang siya.

"Dala mo regalo mo?" Hindi na ako nagsalita at tinaas ang dala kong paper bag.

Tahimik lang kaming dalawa habang papunta sa bahay nina Patricio.

Nang makarating kami sa may labasan o sa gate ng subdivision nila tinawagan ni Maisy si Veronica na sunduin kami.
Si Veronica nalang ang tinawagan namin kasi alam namin na busy si Patricio sa pag asikaso ng mga bisita niya.

"Ano na? Tara." Bungad sa'min ni Veronica.

"Maraming bisita?" Kinakabahang tanong ko.

"Hindi naman. Mga kamag anak lang namin." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Veronica. Mabuti naman kung ganon, sana naman hindi nila mapandin existence ko. Kanina pa nanlalamig kamay ko dahil sa kaba.

"Nineteen years old na si Tan. Ang bilis ng panahon," napalingon ako kay Maisy. Nakatuon lang atensyon niya sa dinadaanan namin.  "Tingin mo Ver, anong nagustuhan ni Tan  kay Zinnia?" Napakunot noo ako. Anong klaseng tanong naman 'yan.

"Hindi ko alam. Si Tan dapat tinatanong mo." Agree ako sa sinabi ni Veronica. Kahit nga ako walang ideya kung bakit ako ang nagustuhan ni Patricio. Kasi naman, ang daming mas maganda kaysa sa'kin tsaka hindi katulad ko ang tipo niyang babae.

Nakita ko ang mga naging ex ni Patricio. At masasabi kong magaganda silang lahat, walang tapon. Kaya niya minsan nakakaramdam parin ako ng pagka insecure.

"Sabagay, naisip ko lang kasi kung seryoso na talaga si Tan. Na hindi na laro- laro lang, kasi ayaw ko masaktan si Zinnia sa bandang huli." Mahabang saad ni Maisy. Ahh, na- touch naman ako sa sinabi niya.
Ang swerte ko talaga at nakilala ko 'tong dalawang 'to.

"Huy, tama na drama. Birthday ang pupuntahan natin paalala ko lang." Natawa kami dahil sa sinabi ni Veronica.

"Oh, nandito na tayo," tumigil kami sa isang may katangkarang gate. Labas palang mukhang magara na ito. Hindi na ako magtataka, ang mama at papa niya ay may ari ng restaurant at ang kuya niya nasa Canada.

Kaya minsan nagtataka ako, bakit sa public school lang siya pinag aral kung afford naman nila ang private school. Pati si Veronica may kaya din magulang niya, katunayan si Kuya Valure at Ate Venice sa private school nag aaral, si Veronica lang talaga ang nahiwalay.

"Ay wow, Veronica.  Kamag anak lang pala, ah. Pero bakit parang buong baranggay 'yung nandito?" Tumawa lang si Veronica.

Pinagmasdan ko ang mga tao na nakatuon na ang atensyon sa'min. Bagong dating naman kasi kami. Sobrang dami talaga ng tao, halos mapuno na ang garden nila. Parang fiesta lang.

"Zin!" Natigil ako sa pagtingin sa paligid ng boses-an ko ang tumawag sa'kin.

"P- Patricio, happy birthday!" Kinakabahan ako ng batiin ko siya. Inabot ko sa kanya ang paper bag na may laman na regalo. Hindi ko nalang sadabihin kung ano 'yun, random lang naman 'yun.

Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]Where stories live. Discover now