Chapter 12

5 3 3
                                    

Chapter 12

School War

"Sana ako nalang, sana ako nalang,
Bakit kasi dumating pa siya?
Sana ako nalang?" Boses agad ni Maisy ang bumungad sa 'kin pag pasok ko sa room.

"Akin na nga 'yan!" Pilit na hinahablot ni Haeron 'yung papel kay Maisy. Tignan mo 'tong dalawa na 'to. Kay aga aga nag babangayan na naman.

"Ano'ng meron?" Tanong ko kay Veronica ng makalapit ako sakanya. Pero parang gulat na gulat siya na makita ako.

Halos tatlong araw din kasi akong hindi pumasok.

"Ah.. e, NIAAAAAAA!" Halos marindi ako sa sigaw niya. Niyakap niya pa ako nga mahigpit.

"Aray ko, Ver! Hindi ako makahinga!" Sabi ko habang tinatalpi 'yung braso niya na nasa leeg ko.

"Namiss ka namin," sabi niya ng pakawalan ako.

"Tabi, dadaan," saad ni Maisy na hindi ako pinapansin. Tinutupak na naman 'tong babaeng 'to.

"Wahhh, Maisy, Veronica! Sorryyyy..." paghingi ko ng tawad. Pero hindi parin ako pinapansin.

"Maisy, sorry na kasi. Ito oh, may dala ako pastilyas, Please sorry na." Sabay abot ko nung dala kong pastilyas sa kanya. Alam kong paborito niya 'yon.

"Sige, bati na tayo." Umaliwalas ang mukha niya at tinanggap ang binibigay ko. Ang rupok talaga nitong babaeng 'to.

"Basta, 'wag mo na uulitin 'yon. Baka talaga hindi na ako madala sa papastilyaz mo kapag naulit 'yon."

"Hindi na po, sorry na," sabi ko.

"So, ako wala?" Agad akong napalingon kay Veronica. "Sige lang, alam ko naman kasing siya talaga ang paborito mong Friend,  hindi niyo naman talaga 'ata ako kaibigan, e." Bakas ang pagtatampo sa boses ni Veronica.

Hayss, pa'no ba ako nakatagal sa dalawang 'to?

"Oh," sabay abot ko sakanya nung mani na niluto ni Mama.

"Peace offering ko sainyong dalawa,"saad ko habang pinagmamasdan sila kainin 'yung dala ko.

Sus, kahit wala akong dala alam ko na magbabati kami. Kilala ko na 'tong dalawang 'to.

"Pahingi ako?" Tinampal ni Maisy 'yung kamay ni Haeron.

"Sa 'kin lang 'to. Bumili ka din ng sa 'yo," pagdadamot ni Maisy sa pastilyas.

"Zinnia, o, ayaw ako bigyan," pagsusumbong sa 'kin ni Haeron. Hindi ko nalang siya pinansin dahil hinihingi ko na kay Veronica 'yung mga lectures.

"Ito na, may assignment tayo ngayon. Papakopyahin nalang kita." Sabay kindat sa 'kin ni Veronica. Ang swerte ko talaga na naging kaibigan ko 'tong dalawang 'to. Minsan ko lang naman sila awayin, e.

"Nia, yow, pare! Nandito kana pala wohh!" Nakipag fist bomb sa 'kin si Waren. Loko talaga 'tong mga 'to.

"Alam mo, Pareng Zin, namiss ka namin, eyy!" Si Kent naman 'yung sumingit. Haist, heto na naman tayo.

"Sa sobrang pag kamiss niyo sa 'kin, nahalata ko agad 'yung kaplastikan niyo!"
Inirapan ko sila. Mang iinis na naman ang mga 'to.

"Alam mo noong una kita makitaaaaa!" Pagkanta ni Simon. Loko loko talaga 'tong tatlong 'to.

"Oh, ano na? Sama kayo mamaya?" Tanong ni Kent dun sa dalawa. Bumalik na kasi ako sa upuan ko katabi ko si Kent.

"Hindi ko alam?" Nagkibit balikat si Waren na naka upo naman sa harapan ko.

"Ako sasama talaga!" Si Simon na katabi ni Waren.

"Saan ba kayo pupunta?" Sabat ko.

"Ang hilig talagang makisingit ni pareng Zinnia, boundary, boundary!" Sabay guhit ni Waren ng linya sa pagitan namin. Tinampal ko lang ang kamay niya, kaya uminda ito sa sakit.

"Sasama kami kila Tan, dun sa may boundary ng kabilang school. Mapapa away na naman kami!" Paliwanag ni Simon.

Teka, boundary ng school dun yun sa waiting shed malapit sa 7/11.
Tapos, Tan? Si Patricio? Makikipag away?  Sa kabilang school?

"Reresbak lang tayo, talo manok natin nung huling laban," sabi ni Kent. Aba, aba, may pa manok- manok pang nalalaman.

"Si Parado huling manok natin. Sino ngayon?" Patuloy lang aking nakikinig sa usapan nila. Gusto ko sanang isumbong sa SSG Council, kaso labas na kami dun kasi hindi naman sila sa loob ng school mag aaway.

Pero si Patricio?

"Ano'ng klaseng away ba 'yun?" Tanong ko. Malay ko ba kung simpleng away lang. Talakan ganon.

"Madugong labanan,"

"Nung huli, umuwi si Parado na basag ang mukha. Ilang araw 'di nakapasok."

"Hindi ka titigilan hangga't hindi ka nila nakikitang gumagapang."
Paliwanag nung tatlo. Hala, grabe naman 'yon.

"Oh? Ba't sasama pa kayo? Pa'no kung may mangyari? Graduating pa naman kayo!" Hindi ako nag aalala, sinasabi ko lang posibleng mangyari.

"Kung may mangyari man, imbitado ka sa burol at libing ko, pareng Zinnia." Tumatawa pa si Kent.

"Gago ka!" Sigaw ko sakanya. Ang lakas ng loob naming mag ingay dahil wala pang teacher.

"Libre kape dun sa burol ni pareng Kent, mahal na kape pa sa 'yo, pareng Zinnia."

Konti nalang masasapak ko na 'to.

"'Wag kang mag alala, kami lang 'to! Kaya namin sila!" Tinupi pa ni Simon 'yung manggas ng damit niya para ipakita saamin 'yung muscle niya.

Akala mo naman malaki 'yung muscle, parang dulo lang 'yon ng kawayan, e.

"WALA tayong magagawa, labas na tayo d'yan, Zinnia," sabi ni Matthew. Nandito kasi ako sa office, sinabi ko 'yung nalaman ko kanina.

"Dapat may gawin tayo! Pa'no kung may mangyari? Eh di sana napigilan natin, 'di ba?" Pangangatwiran ko. Malaking papasalamat ko dahul kaming dalawa lang ang nandito sa office, dahil baka may ibang makarinig.

"Bahala ka! Pumunta ka dun kung gusto mo!"

"Pupunta talaga ako," sabi ko kay Matthew. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ako sa braso.

"Ano ba?! Binatawan mo nga 'ko!" Pagpupumiglas ko.

"Ayoko na pumunta ka dun, ayokong mapahamak ka..." huminga ng malalim si Matthew. "...dahil gusto kita!" Natigilan ako. Ano daw? Gusto ako ni Matthew?
Tumingin ako sa mata niya para malaman kung nagsisinungaling lang siya.
Pero lungkot ang mababakas sa mga mata niya.

"Tangina!" Bulong niya tsaka tumakbo palayo.

Hindi parin ako makagalaw. Hindi ko alam ang gagawin. Shit lang!

Nakabalik ako sa ulirat ng marinig kong tumunog 'yung bell.

Ay shit! School war.

Dali dali akong tumakbo palabas. Nakasalubong ko sina Maisy at Veronica pero hindi ko sila pinansin. Pupunta ako dun kahit anong mangyari!

Tumakbo ako hanggang makarating sa may boundary ng school. Ang layo pala nito!

Nasa malayo palang ako natatanaw ko na ang kumpulan ng tao sa malayo. Shit, ito na nga ba 'yung sinasabi ko, e.

Hindi ko pinunasan 'yung pawis na tumutulo, dere- deretso lang ako sa pag takbo.

"POTA, HAHAHAHHAHA!" Narinig kong tumawa si Patricio. Tama lang talaga 'yung desisyon ko na hindi siya siputin nung sabado. At hinding hindi na 'ko tutupad dun sa date date na 'yun.

Hinihingal akong napatigil sa harapan nila.

"Ay,Potang ina!"

"Ano'ng ginagawa ni P.I.O dito?"

Hindi ko pinapansin ang mga komento nila kung bakit ako nandito.
Puro pamilyar ang nakikita ko ngayon dito. Wala pa siguro 'yung taga kabilang school.
Hinihingal pa rin ako. Sobrang layo naman kasi nung tinakbo ko.
Masama ang tingin ko kay Patricio na naka sitting pretty lang sa may upuan ng waiting shed.

Magsasalita na sana ako ng makita ko 'yung mga bagong dating.
Halos matuod ako sa kinatatayuan ko ng dumapo ang paningin ko sakanya.

Biglang nanginig ang kamay ko. Hindi ko alam kung dahil sa gulat o galit.

"G-Gabe?"

Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]Where stories live. Discover now