Chapter 26
Back Again
After a long journey, I am now graduating.
Well, next month pa naman 'yung graduation, but, sobrang excited na 'ko.Sobrang stress ko this past few months. Ang daming nangyari.
Muntik pa akong bumagsak sa isang subject ko. Buti nalang tinulungan ako ng mga kaibigan ko na mag comply.
'Yung mga gabi na halos 'di ako makatulog sa dami kong iniisip. Dumagdag pang may isang tao akong sobrang namimiss.
Ever since he asked for space, bihira na lang siya magpakita sa akin. Space lang naman 'yung hinihingi niya, pero bakit parang ayaw niya na sa akin magpakita?
"Guys! Guys! Form a line, magre- ready na tayo for grad pictorial." Umingay ang buong silid namin dahil sa sinabi ni Sir.
Kanya- kanyang ayos sila. Mukhang excited na talaga sila grumaduate.
"Ikaw, bakit 'di ka pa nag-aayos?" Nakabalik ako sa reyalidad ng tapikin ako ng marahan ni Veronica sa mukha.
"Mag- aayos na nga po," saad ko. Tumango na lang ito at bumalik sa ginagawa niya.
To be honest, parang ayaw mo pa umalis sa High School. Madaming nagsasabing mahirap ang maging college. At 'yon ang ayokong maranasan. But, I have no choice. Kasi paano ko matutupad pangarap ko kung hindi ako magco- college.
"Zin, ako mag me- make up sayo." Tumango ako at hinayaan na lang si Maisy na ayusan ako.
Ewan ko ba, parang ayaw ko pa talagang isipin na ga- graduate na kami.
"Ang tamlay mo ngayon, Zin." Puna ni Maisy.
"May iniisip lang,"
"'Wag mo kang mag aalala, mahal ka no'n." Napatango na lang ako dahil sa sinabi ni Maisy.
"Ang ganda mo talaga, Zinnia!" Nahiya ako sa nang puriin ako ng isang teacher na napadaan sa gawi namin.
"Syempre naman, Ma'am! Ako nag-ayos, e." Pagmamalaki ni Maisy.
Nagsilingunan naman sa'min ang mga kaklase ko. Hindi ko na lang sila pinansin pa.
"Look at this girl, you're so beautiful too, Valiente!" Nahihiyang ngumiti at nagpasalamat si Veronica kay Ma'am.
May kung ano-ano pang ibinulong si Maisy na hindi ko naman maintindihan kaya hindi ko na lang pinansin.
***
"Okay, one... two... three..." nangangalay na ang panga ko kakangiti. Pa'no naman kasi ang tagal ng kumukuha ng picture.
"Bernales, tapos na!" Hay, salamat naman.
Hinubad ko ang suot kong kulay asul na toga at ipinasa sa sumunod sa'kin.
"Ayus ah, ang ganda pa rin nga ngiti." Bungad sa'kin ni Maisy.
Parang kanina lang may kausap 'to sa mga STEM. Nakalipat kaagad dito?
"Nga pala, aalis tayo mamaya, ah. Sumama ka!" Paalala niya sa usapan naming tatlo. Tango lang ang sinagot ko sa kanya.
Wala akong gana makipag-usap sa kahit sino ngayon.
Lumabas muna ako sa auditorium para magpahangin.
Tanaw na tanaw ko ang buong kabuoan ng field dahil nasa third floor ako.
Walang pasok ngayon kaya kunti lang ang estudyanteng narito, kami lang nga graduating."Tan! Dito!" Nabuhayan ako nang marinig ang pangalan niya. Halos isang linggo ko rin siyang hindi nakita. Nakaka-miss din pala yung lalaking 'yon.
"Oh! Dali na! HAHAHAHAHA!" Kahit ang boses niya ay parang malaki ang pinagbago.
YOU ARE READING
Bridge to Happiness (Bridge Series #1) [On-Going]
Fiksi Umum[BRIDGE SERIES #1] Someone told me, 'If you find someone who makes you smile, makes you laugh, can make your stress fade away that's your the one.' At first, I didn't believe. Because, everyone can be your happy pill, am I right? But now, I realiz...