Chapter X: THE MEETING

1.9K 31 4
                                    

MAN HATER

Chapter X

‖ ― ‖―‖ She needs to be stopped. ‖ ―‖ ―‖

THE MEETING

⌦ ⌦ ⌦ KEY's POV ⌫ ⌫ ⌫

"Parrot, naririnig mo ba 'ko?" Tanong ko kay ina habang inaayos yung earphones ko.

| "Copy that, over" |

"Yung camera, malinaw ba ang kuha?"

| "Check. Wag ka lang masyadong malikot tapos siguraduhin mong di matatabunan ng buhok mo yung cam." |

"K."

Papunta na 'ako sa rooftop ng isang business building ngayon. Illegal tong pagpasok ko. Kaya di ako maka gamit ng elevator.

Si Ina nga yung kausap ko kanina dahil sa isang earphone na nasa kaliwang tenga ko.

Eh kung pwede lang sanang isama si Ina sa rooftop ginawa ko na. Kaya lang sa usapan, ako lang daw kasi makikipagkita. Pero dahil di parin mapakali si Ina at baka anu na naman daw mangyari sakin sa taas, kaya kinabitan niya ko ng mga ganito.

Akala mo naman sinong makakatulong pag may away mang magaganap. At since, nasa parking lot siya sa basement. Sigurado akong kung may mangyari mang masama at tutulong siya, sa layo at taas ba naman ng aakyatin niyang hagdanan, pagdating niya dun malamang PATAY NA'AKO.

Pero at least nag-effort.

| "Oh, Susi . . . nasa rooftop ka na? Ba't parang ang dilim ata jan." |

"Oo, nasa harap na 'ko ng pinto. Bubuksan ko na sana, eh umepal ka pa."

| "Che! yung camera mo, ang dilim ng kuha" |

"Yung monitor mo ang sira! camera camera ka jan!"

Nung nabuksan ko na ang pinto. Malakas-lakas na hangin ang tumambad sa akin. Tsk. masyadong bright yung sinag ng araw. I HATE THIS. Noon pa, ayoko na talaga sa mga masyadong mainit at flashy na lugar. Masakit sa mata.

Then, I saw them. Silang pito . . . No, anim lang pala sila ngayon. Nakatayo sa may dulo ng roof top.

Ang isang ordinaryong babae ay di hamak na inlove talaga sa kanilang lahat. Matangkad, Gwapo, GRABENG APPEAL, at perfect body structure.

"Good you came . . . alone. Miss Gen."

I paused.

Pano . . . Pano nila nalaman apilyedo ko.

"Or . . . shall we call you Key?"

"You really searched for my name . . oh, how sweet." I talked back

Best poker face user.

Hindi ko pa rin kilala kung sino man yung nagsalita. Lahat sila are strangers to me except nalang kay Rico na naglakas loob pang sumama sa kabila ng kalagayan niya.

"Well, you're really that mysterious enough para pag-aksayahan ng oras malaman lang ang background mo. Pero . . . it seemed like, may pinagtataguan ka talaga. Unfortunately, sa lahat ng records mo, pangalan mo lang ang clear. at wala ng iba. "

I looked away.

" . . . Walang address, birth informations, lahat. Hindi ko inakala, na sa lakas at laki ng resources namin, wala man lang kaming nalaman sayo. We're lucky enough nakuha pa namin yung pangalan mo."

"Haha, oh come'on~ it's in the school records. Akala ko ba may common sense kayo? Di man lang kayo nag-isip pano ako nakapagpaenroll dito kung di ako nag submit ng biodata and other paraphernalias. Tsk how lame."

MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon