Chapter XXVIII: THE UNDERGROUND FORCE

1.4K 26 3
                                    

MAN HATER

Chapter XXVIII

 

 ―   Tonight, we rise  

THE UNDERGROUND FORCE

 [Second Neige]

"Oh ano na? Kanina pa tayo dito ah . . ."

"Na b-bored nako."

Reklamo ng mga lalake habang nanonood ng tv. Pagkatapos ng last period nila ay agad silang ipinatawag ni Ina sa bahay. May 'importanteng' pag-uusapan daw. Kanina pa sila nandito at lumulubog na ang araw sa labas pero hindi pa rin sila nagsisimula. Paulit-ulit na sabi ni Ina na may kulang pa daw. Pero kumpleto namang silang siyam. 

Ang mga lalake naman walang magawa at nanood nalang ng NBA preseason game sa sala. Everybody was a facing the large screen. At para silang mga bangkay na nakahiga sa sofa, feel at home.

"Cla~ ano naaa? Uwi nalang kami, may meeting pa 'ko sa agency ngayon eh."

"Bukas nalang kaya."

"Tsk. Andito na yun, malapit na daw." sagot naman ni Ina

Si Ina, preoccupied na naglalakad pabalik-balik habang hawak yung phone niya. Every now and then, she would check the clock.

While Key, on the other hand . . . as usual, walang pakialam sa mundo. Nakisama nga siya sa sala pero may ibang mundo naman. Nakasandal siya sa mini-bar na malapit lang sa sofa, pero nakatalikod siya sa mga lalake. She was drinking something.

Then everybody heard knocks on the door.

Napatigil ang lahat at napalingon sa pintuan. Lahat sila nagulat. Even Key, kahit wala man siyang paki-alam sa mundo, napatigil siya sa pag-inom at bahagyang liningon ang pintoan. She was staring at the door from the corner of her eyes.

Silence ate the whole house out.

MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon