Chapter XIV: THE SHIRT

1.8K 34 9
                                    

MAN HATER

Chapter XVI

 ―   It's alright. She can have it.  

THE SHIRT

INA’s POV

 "Aish! Nakakainis naman kayo eh."

Isa- isang pinagtatanggal ni Key yung mga nakakabit sa kanyang mga wires na para bagang walang paki-alam sa sarili niya. Alam naman niyang di pa sya ganun ka galing.

"Hoy-hoy anong ginagawa mo ha? Ba't mo tinatanggal yan?" 

"Common Sense, parrot." she said, sarcastically

Halatang di lang ako ang nagulat sa ginagawa ni Key ngayon. Pati yung mga lalake, gusto rin siyang pigilan pero nag-aalangan bake kasi magkagulo pa. Na trauma na ata sila sa nangyari.

Sos, eh pwede naman nilang patulan to. 

"Ilang beses niyo ba 'kong binihisan simula no'ng nawalan ako ng malay?" tanong niya habang tinatanggal yung tape sa kamay niya. "Tsk, aray naman, papatayin niyo ba 'ko? Kung makakabit kayo ng tape parang ayaw niyo ng ipatanggal 'tong dextrose." 

Aray agad? ganon? Eh nung nabaril ka nga wala lang sa'yo. Tapos ngayon? na tape lang a-aray-aray na? Sapak kaya?

"Ah . . . eh. Si Clarize lang ang nagbibihis sayo Key eh. Hindi kami." 

Napatigil si Key at tiningnan si Kevin na parang kinakabahan at natatakot sa kanya.

 "Alam ko." sagot niya in a high intonation.

Tss. Kailan pa kaya matutunong maging magalang 'tong babaeng to noh?

"At ikaw parrot, ano ba naman tong pinagsu-suot mo sakin, ha?! Ang BADUY!"

Seriously?! 

"Eh anong inexpect mong ipapasuot sa pasyente ha?!" sigaw ko

"Shut up ~ Ang  plain-plain mo lang talaga." 

Abah, abahhhhhh

Napansin ko nalang na patagong tumatawa tong mga lalake dito.

Tingnan mo nga naman. Gawin pa kaming katawa-tawa dito.

"Wag kang mag-alala Key. Sa susunod na mabaril ka, pagsusuotin kita ng hospital suit na Seven Colors. Ayaw mo ng plain dibah? O kung may request ka pa, hayaan mong gisingin kita at nanag maitanong ko sayo kung anong gusto mong ipataheng gown sa Sheri Hill. Sosyal dibah? Hiyang-hiya na kasi ako Key eh, pinasuot kita ng ganyan lang ka cheap." sabi ko with matching pagtataray.

"Har har." sumbat niyasabay baba sa kama at naglakad palabas ng pinto.

 Ah ganun?

 Ganun pala ah?

 Mga ganyan-ganyanan din gusto mo noh?

Sana namatay ka na lang din ano?

Pagkasara ng pintuan dahil sa paglabas ni Key, sabay sabay  na tumawa ng malalakas ang mga lalakeng sira ulo dito.

 "HAHAHAHAHAHAHAHAHA"

" Isa pa kayo!!!"

At dali dali silang tumahimik kahit pasabog pa sila sa kakatawa.

MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon