MAN HATER
Chapter XII
‖ ― ‖―‖ You pushed her to do it ‖ ―‖ ―‖
THE RECOVERY
⌦⌦⌦ KEY's POV ⌫⌫⌫
Bigla nalang akong nakaramdam ng sakit sa balikat ko. Parang makati na parang masakit na ewan. Akma na sana akong gagalaw para hawakan kung anumang nasa balikat ko nang bigla nalang may nagsalita.
"Uhm Ina, siguro naman di na yan magwawala pag gising niyan no?"
"Di na siguro. Parang natauhan na ata siya dun sa nangyari sa kanya. Halos mawala na lahat ng dugo niya eh. "
"SANA NGA!"
"Ay, pasensya na talaga kayo ah, Alam niyo namang wala talaga kaming ibang mapupuntahan at mahihingan ng tulong eh. Pasensya na talaga, lalo't pagka-alis namin dito ay di pa ganun ka-ayos. Nagwala pa tong isa. at-"
"Tss. Ina, ano ka ba. Okay lang. Masyado na ring boring. Mas okay naman yung may challenge paminsan-minsan. Kesa mangayat kami dito."
"Sorry nga pala dun sa nangyari pag-alis namin ah, nakakhiya naman ka-"
"Ina~ sabing okay na nga eh."
Isang boses ng babae at iilang boses ng mga lalake ang narinig ko. Tiyak si Ina yung nag-iisang babae.
Alam ko ring ako ang pinag-uusapan nila.
Yun nga. Ibinalik pala ko ni Ina dito. Walangya, nakakahiya tuloy.
Pero, ang ikinagulat ko, parang okay at tanggap parin nila kami. Like, wala lang nangyaring masama, Like, wala akong atraso sa kanila at wala silang nagawa sa'king masama.
K! ako na masama! AKO NA!
Di naman ako ganun kasama. Tsss.
Pero pano ko gagawin yun? Ikinahihiya ko na sarili ko. Tss sa ginawa ko ba naman sa dalawang miyembro nila at pag-alis ko kanina na parang ewan.
Edi pakapalan na lang ng mukha.
Hinay-hinay kong ibinuka ang mga mata ko para masimulan ang pagpapakahiya sa sarili ko.
"mmmm. " - (ako na papansin)
Pagdilat ng mga mata ko, bumungad sakin ang anim na lalakeng naka-upo sa dalawang sofa sa harapan ko at sa right side ko. Si Ina naman nasa gilid ng bed at nakatalikud sakin, dahil kinakausap niya yung mga lalake.
Kaya sila ang unang makaka-alam kung gising na ba ko.
Lahat sila parang natatakot na parang namomoblema.
Ganun ba talaga ka expected ang gagawin ko ? Di naman siguro ako ganun ka nakakatakot at halimaw.
"Uhm, gising na ata kaibigan mo Ina." sabi nung isang lalakeng di ko pa alam sino.
"Uy, Susi. Gising ka na pala." ngiti-ngiting sabi ni Ina na parang wala lang.
Kahiya. Period.
Tumingin nalang ako sa left side ko kung saan walang tao. Pilit na iniiwas yung tingin ko sa kanila.
"Uy, susi, wag ka na magwala ah, kakahiya na" sabi ni Ina
"Tss."
"Uy! im talking to you."
" . . ." Tiningnan ko yung mga lalake na parang nag e-expect ng something sa pinag-uusapan namin ni Ina.
"Key . . ."
"Oo naaaaa. Ingay mo."
"Yes! Pakabait ka na ah!"
Pagkasabi't pagkasabi ko nun. Agad-agad nag sigh at ang chismisan ang mga lalake dun.
"Sabi ko sa'yo eh."
"Aish! talo na naman ako "
"Uy, panalo 'ako ah."
"Ihanda mo na pera mo 'tol Hahaha"
"Yung pusta ko nakay Ithran ah, "
"Umoo na yung tao 'tol talo na kayo bwahaaha"
K. Nagbulungan pa kayo. Ang lakas lakas naman.
Teka nga. . .
"Pinagpupustahan niyo ba 'ko ha?" I glared and spoke normally.
"H-ha? ha? "
"Tsss. Yeah right." sabi ko.
Dude, that was my normal voice, why freak out?!
⌦⌦⌦ INA's POV ⌫⌫⌫
"AH- eh, hehehe. oo nga okay lang naman yun kay Key eh. DIBAH KEY?" sabi ko na parang pinipilit siyang isagot yung dapat isagot.
"OO." -sabi niya na parang napipilitan na parang hindi.
Ewan ko ba kung mabait na to ngayon at tanggap na tong mga lalakeng to sa buhay naming dalawa o hindi pa. Pero sana naman po, oo na. ang hirap mag-alaga ng ganitong klaseng babae.
"Hehehe sabi ko sainyo eh."
-#--#--#- FLASHBACK -#--#--#-
"Uhm . . . Ina, bakit ganun?" tanong ni Kevin
"Huh?What doyou mean?"
"Bakit ganun si Key, di naman siya ganun araw-araw siguro diba?"
"Talagang hindi, ang okay kaya nun kasama. Yun nga lang namimili ng nakakasama. Kaya di ganun karami nakakaranas sa kabutihan niya. At para ako nga lang siguro. Sus kung alam niyo lang."
"Then why is she like that? Kung mabuti siya, ba't niya nagawa yun?" tanong ni Ithran
"You pushed her to do it." I answered
"At kami pa talaga ang may kasalanan ngayon ah. Kayo na nga-" sumbat ni Ithran pero bago pa man niya tapusin ang sasabihin niya sana, bigla nalang nag salita si Rico na inaayos ang bandage ng sugat niya.
"No, Ithran- let her talk. I think this is interesting."
Binigyan ni Ithran ng 'whaaat' look si Rico na parang naiinis sa desisyon niya. But Rico insisted.
"We pushed her to do it? What does that mean Ina? Tell us." sabi ni Rico
"You'd never believe me."
"Well then we'll try. At least naman makilala namin kaayo, Ikaw lang ata nakakakilala saming lahat eh."
"You should ask kung anong gusto niyong malaman, Sa dami nang nangyari mukhang magkakalabuan tayo pag sasabihin ko lahat, simula't sapul. Aabutin tayo ng bukas nun."
Nagsitinginan muna sila na parang nagdududa at nagsesenyasan kung sinu at anong unang itatanong. At ako naman walang magawa kundi tingnan sila na parang naghihintay sa anumang desisyon na gagawin nila.
"So . . .?" I said, expecting a reply.
Tiningnan ako ni Kris nang maigi.
"Let's talk inside."
Sinundan ko sila papasok patungo sa kwarto ni Key, kung saan siya nagpapahinga at nagpapagaling. Hindi ko nga rin maintindihan bakit dito pa kami mag-uusap eh kalae-lakeng bahay. May sala naman, may garden, pwede naman sa ibang lugar, pero sa kwarto talaga ni Key? Tss.
Nung nakaupo na kaming lahat, at na settle na namin ang mga sarili namin, nagsalita na ang isa sa kanila.
"Sino ba talaga si Key?"
Above all, it was Kris who asked first.
ヅ
Copyright © Rekenerer
ヅ
AN:
Joko O. Arsov --->
BINABASA MO ANG
MAN HATER
Teen Fiction♚ Hindi masamang Magalit at Pumatay kung gusto mong Magmahal at Mabuhay. ♚ [ON GOING AND ACTIVE SERIES] ヅ An action-packed love story. It all begins when the only daughter of the heartlessly murdered Chief of an independent Soviet Mafia, The Under...