Chapter XXXVIII: HEART TO HEART

1.2K 19 7
                                    

 MAN HATER

Chapter XXXVIII

 ♩ Featuring Mayday Parade's "Even Robots Need Blankets" ♩

  ―  Delete all the bad memories? ‖ ― ― 

HEART TO HEART

"Tsk, kahit kailan ang sama mo talaga. Iniwan mo ko sa baba na mag-isa."

Tumatambay lang siya sa terrace ng bahay habang pinagmamasdan ang mga bituin nang may biglang nagsalita sa likod niya.

Napalingon siya at bumungad sa kanya si Key na may hawak na isang bote ng red C2.

 Napangisi siya.

"You should've told me you needed a companion."

"I'm trying not to sound demanding. Ang laki pa ng utang na loob ko sa'yo kagabi nang---"

"Okay lang yun. Tsaka wag mo na nga ipa-alala baka atakihin ka na naman. Ang hirap mo kaya patahanin."

She smiled "Edi sana iniwan mo nalang ako sa sala na parang baliw."

"Ang ingay mong umiyak. Pag pinabayaan kita, hindi pa rin ako makakatulog sa ingay mo."

Napangisi lang si Key at uminon ng C2. 

"Well, pwede ka bang maka-usap . . .  Kris? Alam ko andaming tanong jan sa isip mo. Kailangan ko rin ng ka-usap. Ang boring masyado."

"Sure, sa isang kondisyon."

"Huh? Ano yon?"

"Take your mask off when you speak to me."

"Hahaha, oo na. Sa nangyari ba naman kagabi--"

He made a fake cough.

"I mean- sa nakita mo naman kagabi. . . kung gaano ako kahina, kung ano yung 'ako' na tinatago ko all those years. Kung ano yun 'ako' sa kabila ng ka-astigan ko, katapangan ko. . . Last night, you saw I was so vulnerable, so fragile. Sa tingin mo ba, magpapaka-fake pa'ko ngayon sayo? This is me, okay? Hay, nako pareho lang kayo ni Rico. Tsk"

MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon